Chapter 24

533 20 1
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit Sabado ngayon. I plan to see Dada before he leaves to the hospital today as what he said to me last night.

Ngunit nalaman ko na lamang kay Mamita na madaling araw ito lumuwas pabalik ulit sa Maynila dahil may emergency raw sa kompanya at kailangan siya doon.

Hindi ko na naman maiwasang mag-alala lalo na nang mas tumagal pa sa isang linggo itong hindi bumabalik.

"Mamita.", tawag ko sa abuela nang makita itong pumasok sa mansyon galing sa garden kung saan abala siya kasama ang mga event organizers ng birthday party ko para sa final plan ng magiging decorations na ilalagay rito.

Ibinaba ko ang hawak na libro sa side table malapit sa inuupuan kong couch at lumapit sa kaniya.

"Yes, hija?"

"Have you heard about Dada? Kailan daw siya uuwi?", hindi ko na natiis na itanong dahil magtatatlong linggo na itong hindi umuuwi mula sa Maynila.

"Nakausap ko siya kamakailan. Sinabi niyang abala pa raw siya sa trabaho. Pero sinigurado naman niya na makakauwi siya ilang araw bago ang kaarawan mo."

Wala sa loob na napahilot ako ng sentido. The 26th day of the month is fast approaching for my debut. Kahit mariin ang pagtutol ko sa gustong mangyari ni Mamita ay wala na akong nagawa nang maasikaso na nito lahat at hinihintay na lang ang araw ng kaarawan ko.

That's the least on my priorities right as of the moment but it's Mamita's top on her list.

"Bakit nga ba mistulang sobra kang nag-aalala sa abuelo mo hija? Is there something wrong? Do you need something from him?"

Bumuka ang bibig ko para magsalita dahil balak ko nang ipaalam kay Mamita ang kalagayan ni Dada ngunit biglang tumunog ang cellphone na hawak nito.

"Wait a minute hija. I'll just answer this call.", saad nito saka sinagot ang tawag.

Naiikot ko ang mga mata. Nanatili akong nakatayo roon at pinanood siyang makipag-usap sa kabilang linya dahil kailangan ko na rin talaga siyang makausap.

Natigilan lamang ako nang muntik siyang matumba mula sa narinig sa kausap kung hindi lamang ito maagap na kumapit sa akin. Napapikit ito nang mariin at napahawak sa dibdib.

"R-Raegan...what will...what s-should I do? Oh. Poor Ricardo...", nanghihinang saad nito habang lumuluha.

Kumunot ang noo ko.

"Anong nangyari kay Dada?"

My brows furrowed more in utter confusion when she held my hand tighter for support. Ramdam ko ang panghihina at panginginig niya roon.

"Mamita!"

Mabilis ko siyang dinaluhan nang tuluyan siyang matumba sa sahig. Nabitawan nito ang cellphone na tangan nang tuluyan itong nawalan ng malay dahil hindi na ito natigil sa pag-iyak.

Mabilis na lumapit sina Ate Lala sa amin upang daluhan si Mamita. Wala sa loob na dinampot ko ang cellphone saka tinignan kung sino ang tumawag.

It was my father's secretary. Ito ang tumatayo ring secretary ni Dada sa kompanya ngayon dahil hindi pa bumabalik ang magaling kong ama sa trabaho.

"This is Raegan. What the hell happened?"

Narinig ko ang ingay at pagkabalisa sa kabilang linya habang tinatanong ko kung anong nangyayari.

"R-Raegan. Don R-Ricardo collapsed. We're at the hospital."

Nanlamig ang katawan ko dahil sa narinig dahil na rin sa kaba at pagkataranta sa boses ng secretary ni Daddy.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon