Chapter 45

3.7K 105 14
                                    

(Chapter 45)

Ps. Use your Imagination on my Story❤.

»»»»»

Samantha Pov.

Maaga ako nagising ngayun para mag handa ng almusal. Na isipan kong mag luto ng paboritong Ulam ni Lexus ang sinigang.

Gusto nya kasi ang pag luluto ko ng sinigang nakukuha ko daw kasi ang panglasa nya.

Na iinis kasi ako pag na iisip kong mag katabi sila ni kate sa iisang kama para akong mawawala sa katinuan.

Kaya unti-untiin ko makuha ulit ang loob nya.

Nag lalakad nako papunta sa kusina ng may marinig akong ingay galing dun.

Dahan dahan lang ang pag hakbang ko para di makagawa ng ingay,
Nakita ko si Kate na nag luluto ng kung ano-ano.

Hays hanggang dito ba naman ayaw nyang mag patalo. Lumabas na ako sa gilid ng pader kung saan ako nag tatago.

“Oh, Good morning”-May pang aasar sa tuno ng bati nya.

Ngumisi lang ako sa kanya. Kinuha ko na yung mga sangkap para sa sinigang.

“Mag luluto ka?”-Takang tanong nya.

Nag aayus pa din ako ng gamit ko at hindi sya sinagot. Tumingin ako sa niluluto nyang adobo.

Ang alam ko ay ayaw ni lexus ng mamantikang pagkain sigurado akong hindi nya kakain yan.

“Tsk!”-Halatang inis nyang singhap siguro ay na iinis saakin dahil hindi ko sya sinagot sa tanong nya.

nag simula nakong mag ayus ng mga gagamitin kong pang luto.

pinalambot ko muna ang karne ng baboy alam kong matagal yun maluto pero maaga pa naman para sa almusal. Tinusok ko muna ang karne ng baboy para siguraduhing malambot na nga ito. Tsaka ko inilagay ang mga sangkap nito. Ganto kasi ako mag luto ng sinigang pinapalambot ko muna ang karne pag katapos isusunod ko ang mga rekados at pampalas.

Binantayan ko talaga ng maigi ang niluluto ko nandito pa rin kasi si kate sa kusina hinahanda ang tapos nya nang adobo. Sigurado akong pag na lingat ako ng tingin sa niluluto ko may gagawin si kate.

tinikman ko muna ang sabaw ng sinigang bago isalin sa Malaking mangkok. Luto na kasi ito.

Sigurado akong matutuwa si lexus dahil matitikman nya nanaman ang niluluto ko sa kanya dati.

Alam kong na miss nya to.

Halos mapaso ako dahil sa init. Pag punta ko sa dining area nandun na lahat sila Pati si kate na naka upo sa tabi ni lexus nasa harap din nila ang adobong niluto nya.

Nag lakad nako palapit at nilapag sa lamesa ang niluto kong sinigang.

“Mukang masarap Sam?”-Komento nang Dad ni lexus. Nakita ko ding ngumiti ang mom ni lexus. Agad naman akong nag bigay sa kanila.

Nakita ko din si lexus na nag aabang na bigyan ko din sya. Napa ngiti ako dahil mukang gusto nya din tikman ang niluto ko.

Kumuha ako ng mangkok at sinalinan eto ng sinigang. Nagulat ako ng sabay kaming mag lapag sa harap ni lexus ng ulam ni kate.

Muka tuloy syang naguguluhan at di alam kung anong ulam ang uunahin nya.

Inuna nya tikman ang kay kate. “Ang sarap naman”-komento nya.
Nakita kong napa ngiti si kate sa sinabi ni lexus.

Yung sinigang ko naman ngayun ang umpisa nyang tikman. Wala akong reaction na nakuha galing sa kanya.

Hindi ba masarap?Dati tuwang tuwa sya pag hinahanda ko yun.
Hindi nga sya matigil sa kakadaldal.

Tinikman nya lang nang ka unti yung aken, Pag katapos nun hindi nya na ginalaw.

Nag umpisa  nakong kumain at hindi na lang pinansin yun. Siguro may hindi sya nagustuhan sa lasa.

Ayaw ko sanang gawing big deal ang reaction ni lexus pero nang makita ko kung paano ngumiti si kate dahil panalo nanaman sya ngayun.

Kunwari hindi ko nakita ang pag ngiti nya. Napa yuko ako para di nila makita ang pag basa ng mata ko. Nag patuloy pa din ako sa pag kain para di nila mapansin ang luha ko.

Ayaw kong mag mukhang kawawa nanaman kay kate.

“Ang sarap ng luto mong sinigang Samantha”-komento ni Mr.Del Fierro sa luto ko.

Hindi ako nag angat ng tingin Mukang bastos pero ayaw ko naman ipakita ang luha ko. “Maraming salamat po”-saad ko. Ramdam nila ang presinsya ko siguro Alam nilang malungkot ako.

Simple akong nag punas nang luha at naka ngiting humarap sa kanila.

Hindi dapat Ako pinang hinaan ng loob unang palang to Alam kong may mas sasakit pa dito.

Hindi naman ako agad maalala ni lexus sa gantong paraan.

Nang matapos naming kumain nag presinta nakong mag ayus nang pinag kain wala naman akong gagawin pag Tapos nito.

Na isip kong wala naman nang kakain ng sinigang kaya itatapon ko na lang.

“Anong gagawin mo?”

Medyo na gulat pako ng marinig kung kaninong Bose's yun. Na udlot ang pag tapon ko sinigang humarap ako kay lexus.

Lumapit sya saakin at biglang kinuha yung lalagyanan na hawak ko.

“Bakit?”-Takang tanong ko sa kanya.

“Itatapon mo to?”-Tanong nya. Tumungo lang ako.

Umiling sya sa naging sagot ko. Nag lakad sya sa lamesa tsaka umupo dun binuksan nya yung lalagyanan at nag umpisang tikman ito.

“Kala ko ayaw mo nyan?”-Tanong ko dito.

“Wala naman akong sinabing ayaw ko nito!”-Masungit na sabi nya. Mabilis nyang na ubos yung sinigang.

Pag Tapos nun umalis agad sya. Nawala yung lungkot ko napalitan ng ngiti. Masaya nako dahil inubos nya pa din yun.

Pag tapos kong mag linis umakyat nako sa kwarto. Nakita kong umiiyak si caleb agad ko syang nilapitan.

“Bakit ka umiiyak?”-Tanong ko dito. Nag punas sya ng luha nya.

Nakita kong meron syang maliit na pula sa braso nya. “Sino may gawa nito”-Tanong ko. Tinuro nya si kate na naka upo.

Agad kong nilapitan sya. “Kate Ikaw ba may gawa nito kay caleb”-Tanong ko dito.

Binaba nya yung magazine na hawak nya. “Ako nga ang may gawa pero hindi ko naman sadya gusto lang naman hiramin ni yuri ang laruan ng anak mo Syempre bata natulak ni Yuri si caleb”-Pag kwekwento nya.

“Tinulungan ko si caleb hindi ko naman Alam na mabilis palang mag kapasa yang anak mo medyo na lakasan ang pag kakahawak sa braso nya”-Pag papatuloy nya.

Hindi ako kumbisido sa paliwanag nya. Alam kong may ginawa sya kay caleb para mag kaganun yung braso ni caleb.

Ang sarap nyang sampalin ngayun.

“Sa susunod na masaktan nanaman ang anak ko pag bubuhulin ko kayong mag ina”-Inis na saad ko.

Alam kong hindi Maganda naging dating nun kay kate. Inis syang Tumayo at akmang sasampalin ako ng dumating si lexus.

Hindi magawa ni kate na mag Mukang masama sya kay lexus.

Alam ko na kung paano sya lalayuan ni lexus.
Sa plano ko si lexus na ang kusang lalayo kay kate.

»»»»»
To be continued.

The Gangster SlaveWhere stories live. Discover now