Chapter 9

4.8K 190 15
                                    

Lexus

Inis akong nag hilamos ng sarili. Bat ko ba nakita yun. Hays bat kasi sando yung suot nya.

Mas lalo lang akong namumula sa pinag iisip ko. Agad akong nag punas ng towel sa muka.

(phone ring...)

nakita kong tumawag si Kate, shit! Sinagot ko naman ito.

“Lexus! Di moko hinatid kahapon Saan kaba pumunta! Di ka rin pumasok”-maktol nya. Alam kong galit sya. Hays

“Sorry Kate, meron lang biglang meeting”-Palusot ko.

“Tsk! Mas importante ba yan saakin? ”-tanong nya, Napa pikit na lang ako bigla.

“Hindi naman Alam mo naman mas importante ka saakin ”-sagot ko, tama lexus si Kate ang mas importante sayo. Kay Kate ka lang titingin.

“hihi, Sge pag bibigyan kita ngayun ”-ganyan nga lexus, sya lang.

“Para makabawi! Susunduin kita mamaya”-Saad ko. Narinig ko namang tumawa sya sa kabilang linya.

“Sge, see you ”-Sagot nya. Napa ngisi na lang ako. At pinatay ang tawag.

3yrs ko nang nililigawan si kate, pero sa pag aaral pa rin ang atensyon nya, sa future kaya kong nang ibigay sa kanya lahat.

Pumunta nako sa kwarto ni samantha, nakita kong pinupunasan sya ni Eva.

Nairita naman ako bigla dahil parang walang lakas si Eva mag punas, Paano malilinis ng mabuti ang katawan ni Samantha. Lumapit ako.

“hays, Ako na ang mag pupunas”-Saad ko halatang na gulat pa si Eva sa ginawa kong pag agaw ng pamunas.

“S-sge po sir”-utal na saad nya tsaka umalis sa kama ni samantha.

Agad naman akong umupo at kinuha ang kamay nya. Pinunasan ko ito ng maayus.

“Ayus lang naman kung si Eva ang mag punas saakin”-Turan ni Samantha. Pshh ayaw nya bang ako mag punas sa kanya.

“sa susunod hindi na sando ang isusuot mo”-pag iiba ko. Ayokong sagutin yung tanong nya.

“huh? Wala namang problema sa sando mas comportable nga ako dito ei”-Sagot nya shit!.

Ako ang di comportable sa suot mo Tss.

“Sa susunod lumaban ka rin! Tignan mo meron kang pasa”-pagalit ko kunwari. Ano bang ginagawa ko.

Ngumuso lang sya, Innocent! Tsk.
Yang ganyang pa cute nya ako na iilang! Agad akong tumayo diko na kaya.

“Hays! Ikaw na dito! ”-Inis na turo ko kay Eva. Agad lumakad pa labas ng kwarto nya.

“Anong problema nun?”-Rinig kong tanong ni samantha.

May problema bako?..Wala naman ah! Pshh

Nakatanggap ako ng Text mula kay Sean..pag basa ko pa lang nito ay nag madali nako sumakay sa kotse ko at pinaharurut ito pa puntang bar.

Pag dating ko palang dun ay pumasok agad papuntang hideout.

Nakita kong naka harap si Sean sa computer nya.

“Anong Nalaman mo?”-Tanong ko rito.

“Konti lang Nalaman ko Wala akong masyadong nakuhang Information tungkol sa kanya!”-Sagot nya.

“Ano naman yun?”-Tanong ko rito. Pina check ko yung background ni Samantha kay Sean magaling kasi pag dating dito.

“Hindi sya totoo'ng anak ng nag binta sa kanya”-Paninimula nya. 
Sumenyas naman ako Para ipag patuloy nya.

“Lumaki sya sa isang mahirap na pamilya, namatay ang nanay nya nung isang taon lang.. Laging lasing at sugarol ang tatay nya Nag ka patong-patong yung utang ng tatay nya kaya siguro sya pinang bayad sa sindikato! Bukod dun wala nakong ibang na kuha. Diko ma trace ang totoo'ng magulang ni Sam!”-paliwanag nya.

“Hanapin mo kung sino ang totoo'ng magulang nya ”-Saad ko, Tumungo naman sya.

“Oo nga pala San mo ba nakilala si Sam?”-Tanong nya saakin, Saan nga ba sa Bar nila Theron ko sya nakita.

“ Nasa loob na sya ng sasakyan ko nun”-Sagot ko.

Tumungo naman sya “Sinabi ko pala kala Theron na Nasa bahay mo nakatira si Samantha”- nalaglag naman ang panga ko sa sinabi nya.

Damn it!

“Bakit mo sinabi!”-inis na tanong ko. Napa ngising lang sya.

“Pinahanap saakin nila Theron kaya sinabi kong Nasa bahay nyo”-pang aasar na sabi nya.

Tss! Iba talaga to mang inis si Sean.

“Insane!”-Saad ko tsaka nag madaling Bumalik sa mansion.

Pero huli na nakita kong nag tatawanan na sila ni Theron, Kit at samantha sa Sala.

“Anong ginawa nyo dito! ”-inis na tanong ko. Napa tingin naman sila saakin.

“boss Lexus!”-Tawag saakin ni Sam pero di ko sya sinagot. 
Buti may mangas ang damit nya.

“Dinalaw lang namin si Samantha!”-Sagot ni Kit.

“Sam Umakyat ka muna sa taas may pag uusapan lang kami”-Agad naman syang tumayo tsaka umalis.

Presente akong umupo sa sofa.

“Aray!”-Saad ko ng binato ako ni kit ng Popcorn na kinakain nya.

“Naaay! Ikaw ah di mo saamin sinasabi”-nakakalong wika nya. Binigyan ko lang sya ng masamang tingin.

“Slave ko si samantha kaya dito sya nakatira!”-Saadko.

“Pinapahirapan mo ba sya?”-Tanong ni Theron. Umirap naman ako.

“Tss, Tigilan nyo nga akong dalawa di ko masyado'ng inuutusan!”-paliwanag ko.

“Hays kaya pala nag aalala ka ka hapon!”-Wika ni kit.

“tsk! Syempre slave ko sya wala ng ibang dahilan bukod dun!”-Sagot ko.

“Pero bakit di mo sinabi saamin agad na mag kakilala kayo?”-Tanong ni Theron.

“Mga madaldal kayo baka makarating pa kay Kate selosa pa naman yun!”Hays.. “Wag nyo sasabihin kay Kate na dito sya nakatira”- Saad ko. Tumungo naman sila.

“Pwede ko bang puntahan si Samantha?”-Tanong ni Theron. Nag isip muna ako baka sabihin masyado akong Obvious!

Tumungo na lang ako, Nakita kong ngumiti sya.. Tsk! Ang panget nya pag kinikilig!

Tumayo na sya at nag madaling umalis. Pshh! Tama ba ginawa ko? Slave ko lang naman yun. Kaya okey lang Tsss.

“Naay nakakadiri si Theron pag kinikilig mukang may gusto kay samantha!”-Saad ni kit habang na kain pa.

Tumawa lang ako.

“Psh! Isa ka rin naman kadiri ka rin pag kinikilig kay Kate”-Pang aasar ni kit, sinamaan ko naman sya ng tingin.

“Di ka kasi kinikilig, Womanizer! ”pang aasar ko rin. Tsaka umalis.

Nag lalakad ako ngayun papuntang kwarto ko ng may naka agaw ng pansin ko. Nasa harap ako ng kwarto ni Sam.

“Haha!Ang laki naman nyan”-Rinig kong sabi ni Sam.

Anong ginagawa nila.

“Syempre!”-rinig kong wika ni Theron.

Tss! ano bang ginawa nila?

“Masarap kaya yan?”-Tanong ni Sam. Teka anong ginagawa nila?

“Tikman mo”-Rinig kong Utos ni Theron.

Anong masarap? Anong titikman? Agad kong binuksan yung pinto ni Sam.

“Boss lexus?”-Gulat na sabi ni Sam.

Naka hinga naman ako ng maluwag.. Hays kumakain lang pala ng prutas. Ano ba kasing Nasa utak ko.

The Gangster SlaveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum