Chapter 32

1K 118 133
                                    



Chapter 32: Shattered Glass


Nagbulagbulagan siya dahil lang napalapit ng kaunti sa kanya si Jungkook, kaya't sinasampal na ni Taehyung ang sarili niya sa utak niya hanggang sa may mapansin siya.

Naiwan ni Yoongi ang sapatos sa kaninang pwesto niya, nakatulala si Taehyung doon, hindi niya alam kung ano yun pero parang may nagtutulak sa kanya na kunin yun, pero kapag kinuha niya yun paniguradong makikita siya ni Jungkook.

"Yoongi-hyung~" Sweet na sabi ni Jungkook na para bang sinasadya niya iyon para mas lalo itong mainis, napakunot ang noo ni Taehyung, iyon ang unang beses na tinawag ni Jungkook si Yoongi na hyung.

Naguluhan sinTaehyung, nagtataka siya kung bakit nalaman ni Jungkook ang totoong pangalan ni Yoongi.

Napakagat si Taehyung sa kuko niya habang nag-iisip ng mabuti pero sa sobrang kaba niya ay hindi siya makapag-concentrate para umisip ng plano.

"Hindi talaga kayo lalabas? Ang boring nyo naman." Malungkot na sabi ni Jungkook na ngayon ay papalapit na kay Jimin.

"Ang boring nila bumbum." Mahinang sabi ni Jungkook habang tinutulungan niya itong tumayo sa kanina nitong kinauupuan,

"J-Jungkook?" Naguguluhang tanong ni Jimin.

"Ang boring kako nila bumbum, ayaw nila lumabas sa pinagtataguan nila." Kwento ni Jungkook na parang bata.

"Ano kayang gagawin ko para mapalabas ko sila?"

Dahan dahang sinandal ni Jungkook si Jimin sa lamesa pagkatapos ay marahas na hinawi ni Jungkook lahat ng mga laboratory glassware na may mga lamang kung anu ano, wala siyang pakealam kahit mga lason iyon basta lang mabigyan niya ng bagong mauupuan si Jimin.

Narinig na lang ni Taehyung ang pagkabasag ng mga ito, dahil nakapiring ang mata ni Jimin ay hindi niya alam kung anong ginagawa ni Jungkook sa kanya hanggang sa maramdaman niyang hinawakan nito ang hita niya para maiupo siya nito sa isang metal na lamesa.

"Ano sa tingin mo bumbum?" Bulong ni Jungkook kay Jimin, halos mapangiwi si Jimin dahil sa amoy ng halos natutuyong dugo sa balat ni Jungkook.

"Ano sa tingin mo yung dapat kong gawin?" mas mahinang bulong ni Jungkook, halos madikit na ang labi niya sa tenga ni Jimin.

Halos mapanganga si Taehyung nang makita niya ang pwesto ng dalawa ngayon pero mabilis niyang itinikom ang kanyang bibig, hindi ito ang tamang panahon para umarte na parang hindi pa nakakakita ng ganun.

"Jungkook, tama na, hindi na nakakatuwa." Mariin na sabi ni Jimin.

Napangiti si Jungkook nang marinig niya ulit ang boses ni Jimin, mariin ang pagkakahawak ni Jungkook sa hita ni Jimin habang nakapatong ang ulo niya sa balikat nito, nang hindi na matiis ni Jungkook ay hinalikan na niya ang leeg ni Jimin dahilan kung bakit muntik na siyang itulak nito, mahigpit ang hawak ni Jimin ngayon sa balikat ni Jungkook na para bang itinutulak niya ito papalayo pero dahil mas malakas si Jungkook ay wala itong magawa.

"J-Jungkook!" Naiinis na sigaw ni Jimin, pero hindi tumitigil si Jungkook sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ni Jimin.

Maiingay si Jimin, iyon ang nasa isip ni Taehyung habang nakatulala siya, rinig na rinig niya ang bawat malalim na hininga ni Jimin, well hindi iyon malalim na hininga pero ganun nalang niya tatawagin iyon.

Hanggang sa hindi na talaga matiis ni Taehyung, nagtakip na siya ng tenga niya, hindi niya talaga kayang pakinggan, nasusuklam siya.

Pero napansin ni Taehyung na abala si Jungkook, para bang nakalimutan na nito ang paghahanap niya kila Yoongi kaya naman napabalik ang tingin ni Taehyung sa sapatos.

Cute Girls with Guns (BTS Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon