She smiled. Kamukhang kamukha talaga ng anak ko si Annika kaya kung makikita sya ng ama nya, yari na talaga ako.

"Mommy, gutom tyan na ko."

"Anong gusto mo?"

"Shikon!"

I laughed. Lahat na lang nakuha ng anak ko sa ama nya, kahit paboritong pagkain.

"Mara, hinahanap ka ni Doc Luke."

"Sige."

"Yung totoo Mara, malaki naman na si Kaela, hindi mo pa ba aaminin na si Doc Luke ang ama ni Kaela?"

"Hindi nga."

"Mara, kahawig ni Kaela si Doc."

I just laughed.

"Kahit pa anong paniwalaan nyo, isa lang ang totoo, hindi anak ni Doc Luke si Kaela."

"Haii nako, binata naman yang si Doc bakit di nyo pa aminin?"

"Haii nako, binata sya, may asawa na ako kaya nga may bulilit na ako. Mga baliw kayo. Osige na, hinihintay na ako ni Doc."

Kung pwede ko lang sabihin na yung kapatid ni Doc Luke ang asawa ko na ama ng anak ko.

"Kuya Luke."

"Mara, upo ka. Kumusta? pasensya na kung dalawang buwan akong di nakapunta dito. Si Kaela?"

"Okay lang Kuya, may sarili kang buhay. Nagpapasalamat na nga ako sa lahat lahat. Tsaka yung pamangkin mo, nako inenroll ko na sa day care. Masayang masaya sya."

"Kumusta naman pagpasok nya? Magkano ang tuition? Yung mga gamit nya sa school? Dapat sinabi mo sa akin."

"Ano ka ba naman, kayang kaya ko na yun. Maliit lang naman ang gastos nya tsaka akin na yun. Ako na dapat ang nagaalala doon. Si Kaela, ayun, lalong dumaldal."

"Sigurado ka ha Mara?"

"Siguradong sigurado. Heto ang pictures ni Kaela sa school."

"Kamukhang kamukha sya ni Annika."

"Kaugali din."

"Mommy will be very happy to see her Mara."

"Kuya Luke..."

"Alam ko, tutupad ako sa kung ano man ang pinag-usapan natin. Eto nga pala pasalubong ko para sa inyo ni Kaela. Galing akong Germany last week."

"Salamat Kuya Luke."

"Anything for the both of you."

"Oh paano, magtatrabaho na ako at baka matsismis na naman ako."

"Sige. Sana maisama mo ulit si Kaela anytime this week. Dito ako nakaduty buong linggo."

"Susubukan ko Kuya."

For more than 3 years, Kuya Luke have been super supportive of us. That night when I run away, I had another bleeding. I had no other choice but to go to any hospital in that area. Fortunately, Kuya Luke was an ER intern sa mismong ospital na yun.

I never wanted for him to help us. I am planning to run again pero pinigilan na ako ni Kuya Luke. He even stayed and take care of me.

In the end, nagkasundo kami. I will stay and let my daughter be registered under Matti's name but he would never let anyone in his family know where we are.

Tuloy, kahit na tapos na ang internship nya rito, hindi nya maiwan-iwan ang clinic nya dito. Isa pa sa nagawa ko sa tulong ni Kuya Luke ay ang makatapos at maging ganap na nurse. Kaya heto ako ngayon, nagtatrabaho bilang nurse sa parehong ospital kung saan kami nagkita ni Kuya Luke.

"Kaela look."

"Wow!!! Sabi ko na barbie!"

"Kaela!"

"Joke joke lang yun Mommy. Pero barbie nga! Sino nibigay neto Mommy?"

"Si Ninong."

"Nibalik na sya?"

I nodded.

"Wow may chocolates! Andami dami Mommy."

"Nagustuhan mo ba?"

"Opo!"

"Bukas ipapahatid kita sa ospital pero bawal maglikot ha. Doon ka lang kay Ninong.'

"Yes Mommy, bebehave ako."

"Oh, pwede na tayo matulog?"

"Mommy, pede po ba si Ninong Daddy ko sa pishyur?"

"Anak, hindi Daddy si Ninong."

"Pero wawa naman ako. Walang Daddy."

"Hindi porke't walang Daddy, kawawa na. Ako nga walang Daddy wala pang Mommy. Ikaw may Mommy."

"Mommy, gusto ko ng Daddy."

"Mikkaela Ysabelle ha!"

Kaela cried. If your father would just love you enough, kahit ikaw lang anak, I would be willing to share you with him.

UnlabeledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon