7

2.3K 68 7
                                    

Tamara's POV

Ilang araw na ba ang nagdaan mula nung foundation day? 5? 6? Isang linggo. Isang linggo na mula nung huli kaming magkausap ni Matti. Panandalian kasing bumalik sa normal ang buhay ko. Andito na kasi ulit si Trish at di na muna kailangan ng substitute girlfriend ni Matti.

"Tamara!"

"Juancho?!"

"Ui! Nung isang araw ka pa namin hinahanap ni Pareng Matti!"

"Ah, bakit naman? Busy kasi ako."

"Birthday ko kahapon eh! Isasama ka sana namin."

"Naku belated happy birthday pala."

"Gusto mo ngayon na lang? Tara, treat kita."

"Huwag na Juancho! Ano ka ba. Nakakahiya."

"Sumama ka na, diba kaibigan mo din naman yung girlfriend ni Matti? Ayun sila oh!"

"Matti!"

"Naku Juancho, duty ko na sa kabilang school. Uuna na ako. Malalate ako. Next time na lang ha? Sorry."

Ang totoo? Nahihirapan akong huminga sa t'wing nakikita ko silang magkasama. Umiiwas ako. Iiwas ako. Nasasaktan ako kahit di naman dapat. Kailangan kong lumayo. Isipin ang priority. Kailangan kong makatapos. Kailangan kong bumangon dahil malupit ang mundo at mag-isa lang ako. Isa pa, ang gaya ko ay dumi lamang sa paligid, hindi ako dapat na kumakapit sa kanila. I should be more cautious now.

Kapag makakasalubong ko kahit sino sa kanilang dalawa, nagtatago ako. Sadyang hindi ko na binubuksan ang cellphone ko. Yung cellphone na dati kong ginagamit.

"Hi Miss Nurse!"

"Ui, andito pala ang paborito kong quads."

"Ay! Twins lang po kami ngayon! Ako po yung pinakamaganda sa amin. Ako po si Yvie."

"Ay hindi po sya, ako po talaga yung pinakamaganda Ms. Nurse! Ako po si Ysme!"

Napatawa naman ako. Magkamukha naman sila eh! Break daw nila at wala silang magawa kaya andito sila dahil mainit sa labas. Mga pasaway talaga.

"Bakit dito kayo?" Tanong ni Annika sa kambal

"Friend namin si Ms. Nurse Baby Girl! Ikaw bakit andito ka?? May masakit?" Sabi ni Ysme

"Ate ko sya eh!" Sagot ni Annika

Annika came near me and sat on my lap. This had been Annika's routine after class. Pinupuntahan nya ako dito sa clinic. Madalas kasi late ang sundo nya. Minsan nagawa na kami ng assignment nya o di kaya nagcocolor kami. Binilihan ko sya ng coloring book and yes, hindi ako kumain para mabili ko yun but it made me happy. Really happy. And all I can say is it's worth it.

"Bakit mo sya Ate?" Tanong naman ni Yvie

"Girlfriend kaya sya ni Kuya Matti! ! At hindi sila magbebleak ever!" Sagot naman ni Annika

Kapag nalaman ni Annika ang totoo, mawawala sya sa akin kaya hindi ko kayang itama sya. Mahal ko ang batang ito eh. Bihira kasing may magparamdam ng pagmamahal sa akin at si Annika lang ata ang nakagawa nuon. Kaya naman kahit ayaw kong magsinungaling sa kanya, hindi ko magawang itama ang alam nya. Ayaw kong mawala si Annika.

"Wow! Kuya mo na si Kuya Matti ngayon ah??" Ysme

"Mas napansin mo pa talaga yun no?! Di mo narinig? Girlfriend daw si Ms. Nurse ni Kuya Matti!!" Yvie

"Talaga ba Ms. Nurse???? Wow! Ate-in-law ka na pala namin!"Ysme

"Dapat 'Ate' na pala ang tawag namin sa'yo Ms. Nurse!" Yvie

"Infairness! Sanay na sanay na si Annika sa'yo Ate! Haha. So saya naman this. Ngayon lang tayo magkakaroon ng Ate! Hahaha!" Yvie

"Naku! Ang swerte mo Ate! Ikaw pa lang ang approved new girl sa pamilya! Napakapili nyan ni Annika!" Ysme

I was to ask something nung dumating ang guard at sinabing andito na ang sundo ni Annika. Before leaving, Annika kissed me. Lagi naman na kaming ganito after nung camp. She grew fondness in me while I really have fallen inlove with her. Then I bid bye.

"Totoo talaga Yvie!" Ysme said

"Oonga! Totoong totoo talaga!!!" Yvie said

"Teka nga ano bang mga sinasabi nyo?" tanong ko

"Close talaga kayo ni Annika! Such a surprise!!"

"Grabe naman kayo kay Annika." Sabi ko sa dalawa

"Hindi Ate! Surprising talaga! Ikaw pa lang ang kaclose nya ng ganyan! Napakamaldita ng batang yan naku!!! Kaya walang makipaglaro sa kanya sa village eh, inaaway nya lahat. Kung di nga lang halos kapatid na namin ang batang yan naku!"

"Siguro kasi nakasama nya ako sa camp. Pero girls, hindi talaga kami ni Kuya Matti nyo. Joke nya lang yun kay Annika."

"Naku Ate! Hindi pwedeng hindi kayo ni Kuya Matti! Naku talaga! Magwawala yun si Annika! Naku!" Sabi ni Ysme

"Kaya Ate! Naku talaga! Grabe pa naman yang si Baby Girl kapag nagwala ate!" Sabi ni Yvie

"Eh si Matti naman ang may sabi eh. Sinabi nya lang yun para makadalaw sya nang hindi nagagalit si Annika."

"Ay Ate! Very wrong ang ginawa ni Kuya Matti! Very very wrong talaga!" Ysme

"Kaya dapat maging very quiet ka na lang Ate! Malay naman natin Ate talagang magiging Ate-in-law ka na namin" biro ni Yvie

***bell rings***

"Time na! Babye ATE!!!" sabi ng dalawa at lumabas na

How I wish totoo ito. Sa pagdating ni Matti sa buhay ko, maraming nabuksang emosyong nararamdaman ko. Isa dito ay ang kasiyahang taglay ng pagmamahal na bigay ni Annika. Dahil sa batang iyon, naging masaya ako sa araw araw. Bigla akong nagkaroon ng ibang taong aalalahanin gaya ng pagaalala ko sa kuya nya. Biglang mayroong taong nagmamahal at nagpapahalaga sa presensya ko.

 Biglang mayroong taong nagmamahal at nagpapahalaga sa presensya ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
UnlabeledWhere stories live. Discover now