20

2.6K 80 18
                                    

Kung galit na po kay Matti, huwag nang basahin ito dahil nakakahigh blood po syang talaga :)

Mara

Pinagisipan kong mabuti ang mga dapat kong gawain at napagdesisyunang kailangan kong magtrabahong mabuti habang hindi pa halata ang pagbubuntis ko. Kahit na napakahirap itago ng paglilihi ko dahil lagi akong naduduwal at inaantok. Itong anak ko, di pa man lumalaki nagmamana na sa ama nya sa kakulitan. Pinakiusapan kong wag masyadong pahirapan si Mommy, lalo naman akong nagduduwal.

"Ate!!!!"

"Annika! I missed you."

"I missed you too Ate!! I have so many pasalubong! Mommy said she will fetch us later so you need to come with me okay?"

"Talaga ba?"

"Yes! Mommy said she's cooking for you because she missed you too!"

I hugged Annika. Pinigilan ko lang ang sarili ko kasi naiiyak na talaga ako.

Etong anak ko, parang napakasayang makita ang Tita nya. Kasi parang ang saya saya ng puso ko nung makita ko si Annika. Tapos hindi ko na natiis at kinain ko na agad yung dala nyang pang lunch ko dapat. Sa panahon ngayon, gutom ang di ko pedeng tiisin dahil bukod sa akin may isa pang dapat busugin ng husto.

"Ate!!! are you ready?"

I am still fixing my bag when Annika came.

"Why are you so excited?"

"Kasi kasi kasi I have gifts for you! And Mommy too! And Kuya Matti! Yiii, I am so happy I see you again."

Niyakap ko na lamang ulit si Annika. Baby, sya ang kaisa-isa mong Tita. Kung malalaman nyang anjan ka sa tummy ni Mommy, matutuwa ang Tita mo at mamahalin ka din nya ng husto.

"Ate, dun tayo sa may gate. Niiinip na kasi ako dito. Tagal tagal naman."

Natatawa talaga ako sa batang ito. I oblige to her kasi mukhang excited na excited na talaga sya.

Nung nasa gate na kami, I unexpectedly saw Matti with Trish. Napahawak ako bigla sa tyan ko. Kapit lang anak.

"Ate is that Matti!?"

"Baby, I told you, ano dapat ang itatawag kay KUYA Matti?"

"Haii. But was that Kuya Matti?"

"No, I don't think so."

"Sya yun eh, car nya yun. May kasama syang other girl?!!"

"Hindi Annika, hindi yun si Kuya mo."

"Talaga?"

I nodded.

Patawarin mo ako Annika, kahit na si Matti talaga yun, hindi ko pwedeng hayaang magalit ka sa Kuya mo ng dahil sa akin.

Ilang minuto lamang ay dumating na ang driver nila Annika. Hindi ko alam kung bakit nga ba sobrang excited nitong batang ito. Sa sasakyan pa lamang kwento na sya ng kwento.

We arrived safely at the Seigfreid Mansion. Annika excitedly jump out of the car.

"Mommy! Daddy! I am home!!!! Ate Mara is with me!"

Tita Nikka came out of the kitchen and kissed Annika and me.

"Mara, it's been awhile."

"Opo nga Tita."

I was surprised when Tita Nikka stared at me then hugged me again. She looked happy?

"Alam mo bang miss na miss ka ni kulit. At siguro ni Matti na din kasi mas nauna syang umuwi kesa sa amin."

UnlabeledWhere stories live. Discover now