10

2.4K 85 7
                                    

Tamara's POV

Napagpasyahan kong magmaaga sa birthday party ni Annika para makatulong ako sa kanila dito. Nakakahiya kasi hindi mamahalin ang regalo ko.

Naabutan ko pa ngang nagaayos si Ma'am este Tita Nikka ng mga cupcakes na super cute! Binake nya pa raw yun para sa baby girl nya. Bilib din talaga ako sa mga mayayaman, bakit ba hilig nila ang pagbabake?

"Mara, wag ka na masyado jan sa kusina! Baka madumihan ka." Puna sa akin ni Tita Nikka kasi tumutulong ako sa pagaayos ng nga ihahain

"Okay lang po talaga ako dito Tita." Kasi mukha naman talagang madumi ako kumpara sa mga tao dito

"Sigurado ka talaga hija?"

"Opo."

"Ma'am Nikka, madami na pong dumadating na bisita."

"Ah, osige. Mara, hindi kita inoobliga dito sa kusina ha? I am happy you are helping because I am feeling like you are a family. Pero please, do not work hard. You are a family okay? Liza, ikaw na ang bahala dito kay Mara."

"Sige Ate."

Tita Nikka left me with the helpers.

"Oh narinig mo si Ate ha, tigilan mo na yang pag gawa mo dito sa kusina, wala na kaming tatrabahuhin nyan."

"Manang Liza talaga."

I am currently helping refill the candy jars when someone came in.

"Hi Ate maid! Saan ba dapat ilagay ang gifts? Mejo fragile kasi ito. Para sa only sister ng boyfriend ko!"

Mukhang mayaman ang babaeng ito pero tama bang pagkamalan nya akong maid?? Sino kaya sa mga anak ni Ma'am Nikka ang boyfriend nito?

"Ay sorry po, hindi ko rin po kasi alam." Mahirap na baka magkamali pa ako

"Ang stupid naman ng maid na 'to! I wonder why are you here? Sasabihan ko nga si Luke na mamili sila ng maid hindi yung gaya mong estupida. Haii. Kuhanan mo na nga lamang ako ng tubig! Warm ha. Ibig sabihin yung hindi malamig! Tsaka sugar free na biscuit!"

Saan naman ako kukuha nung mga gusto nya? Mukha lang naman akong katulong pero hindi naman ako katulong. Grabe sya.

"Manang, saan po kaya ako kukuha ng tubig na hindi malamig? Nahingi po ang bisita eh." Sabi ko kay Manang Liza

"Ay heto oh, ito na lang ang ibigay mo." binigyan nya ako ng isang bottled water

"Heto po Ma'am." bigay ko ng bottled water

"Ay! Nakakaloka ka. Stupid! I said warm. Oh God! Go get me warm water and sugar free biscuit. Wag tanga ha ate maid. Hindi ako humihingi ng bottled water." grabe naman itong bisita nila

Kanina pa ako dito pero si Ma'am Nikka hindi naguutos ng ganito sa mga katulong nya. Lagi nga syang may please at pakisuyo. Sayang naman kung isang gaya nya ang mapapabilang sa pamilya nila Ma'am Nikka. Hindi ata talaga marunong pumili ng girlfriend itong magkakapatid.

"Hey! Anong sinasabi mo jan ha stupid maid??" puna na naman nitong bwisita nila Ma'am Nikka

"Wala po Ma'am, iniisip ko lang po kung saan kukuhanin ang iniuutos nyo."

"Sa kitchen natural! Oh you are so stupid talaga ate maid!! Arggg!"

Tinalikuran ko na lang sya at bumalik kay Manang Liza.

"Manang, hindi daw po ito. Warm water daw po at tsaka daw po sugar free na biscuit"

"Sino ba yang bisita na yan at napaka arte? May nakahain na sa labas ah?! At bakit ka nga pala inutusan? Naku! Malalagot kami kay Ate Nikka talaga kapag nalamang inuutusan ka lang dito. Ako na ang magdadala duon ng hiningi nya."

UnlabeledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon