8

2.3K 82 5
                                    

Tamara's POV

Masaya at makulay ang St. Yves International School ngayon dahil may school fair sila. Masaya kasi open ang school for families and friends.

At dahil sa may mga pagames ngayon, andito ako sa medical booth for first aid. At kasama ko ang kalahati ng quads na nagvolunteer daw for first aiders.

"Nasaan ang parents nyo? Di ba sila aattend? Kuhanan ngayon ng cards ah?"

"Wala si Ma eh. Si Mommy daw ang pupunta."

I looked at them silly.

"Si Ma, yung real mother namin. Si Mommy yung Mommy ni Annika."

"Pupunta si Tita Nikka?"

The twins looked at me.

"Akala ko ba Ate, hindi talaga kayo ni Kuya Matti? Bakit kilala mo na Mommy nila?"

"Oonga Ate. Tsaka hindi naman yun si Mommy basta basta nagpapakilala ah!"

"Ah, nakilala ko nung camp nila Annika si Tita, kasi diba kasama ako nung camp."

"Ahhhhh. Akala ko nakameet the parents na kayo eh."

"Onga, susunod kasi doon engagement na diba beshy? Ganoon yung mga story sa wattpad!"

"Kayo talaga! Ang babata nyo pa para jan ha!"

"Hindi na Ate ha! Si Ylay nga dami ng manliligaw eh."

"Kayo?"

"Nako Ate! Tama na na si Ylay na lang ang nangstress kay Pa. Behave na lang kaming dalawa."

"Oonga Ate, kahit kami talaga ang mas maganda."

I smiled at this two. Ang sarap siguro magkaroon ng mga kapatid. Yung kagaya nila. Sana may kapatid din ako.

"Ate! Ate! Ate!"

"Wow, ang ganda naman ng face paint mo Annika."

"Butterfly 'to!"

Annika hugged me. Siguro dahil sa dami na ng mga dasal ko, Lord sent me this little girl so I could feel loved. Hindi naman talaga mabait na bata itong si Annika but I know if she loves, she loves so much, so much beyond the capacity of her small being.

"Baby, play ka kaya dun sa mga booth, sayang naman."

"Ayaw, wala ka kasama dito."

"Andito sila Ate Yvie at Ate Ysme oh."

Kumaway kaway pa yung dalawa na kasama ko dito pero inirapan lang sila.

So since wala namang nangangailangan ng first aid, I let Annika seat here beside me and play with the phone her parents gave me. Inayusan ko na lamang sya ng buhok.

Yung dalawa kong kasama dito nagdadaldalan lang.

"Hi"

Napalunok ako kahit wala akong kinakain. Iniiwasan ko na sya eh, dapat hindi na kami magkita.

"Matti."

"Busy?" turo nya kay Annika

I nodded.

"Ui Kuya! Anjan ka pala! May injury ka?" tanong ni Ysme

"Wala. Bakit andito kayo?"

"Nagvolunteer kami dahil mabubuti kaming tao." Yvie

"Tama! Gusto naming maging mahusay na mamamayan ng bansang ito." Ysme

"Tigilan nyo nga akong dalawa."

"Sino kaya ang pinuntahan nya beshy?"

"Ewan ko nga beshy, pero sure akong hindi tayo."

UnlabeledWhere stories live. Discover now