19.5

2.4K 75 14
                                    

Wala talaga dapat update ngayon, pero masaya nga kasi ako tsaka natutuwa ako kasi responsive ang readers. Kaya pahabol na update kasi alam ko bitin yung kanina :)

Paluin natin talaga si Matti, napakabad nya no? 


Mara

"Okay ka na hija. Pero pwede ko bang malaman kung ilang taon ka na?"

"19 po."

"Nasaan ang magulang mo?"

"Ulila na po ako."

The doctor sighed.

"Saan galing ang mga sugat at pasa mo?"

I need to lie so I won't be interviewed a lot.

"Na hold-up po ako."

"Gusto mo ba magpatawag tayo ng pulis?"

"Hindi na po Doc. Wala naman pong nakuha sa akin kaya po nila ako sinaktan."

The doctor sighed.

"Do you know your situation right now?"

I nodded while the doctor sighed again.

"Is your partner with you?"

"Hindi nya pa po alam, kanina ko lang din po nalaman."

"Ang bata mo pa para dito hija, but anyway, thankfully, the baby's safe. Mag-iingat ka na ha? No strenuous activities. You need to eat healthy. No stress and take care of yourself very well."

I nodded.

"You will also need to set a check up with an OB."

I nodded again.

"Are you okay?"

I nodded again.

"Would you like to get admitted?"

I shook my head.

"Pero pwede po bang magpahinga lang muna ako saglit? Magpapaumaga na po muna ako bago lumabas?"

"Sure hija, you can catch some sleep first. We're lucky the ER is not that busy today."

"Thank you po Doc."

The kind doctor allowed me. Kaya natulog ako saglit at nagpahinga. Buti na lamang at covered ng health card ang nangyari ngayon.

When the sun started to show up, I went to St. Yves and withdraw money, tsaka lang ako umuwi. Mas mabuting bumalik muna ako sa bahay. Bibigyan ko muna ng pera si Tita Mercy at magiging safe ako ng ilang araw. Hindi muna ako papasok, kailangan ko munang pag-isipan ang mga dapat kong gawin. Kung macoconfine ako sa ospital, malaki laki ang mababawas sa ipon ko. Dapat kong isipin ang priorities ko.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Joan

Habang si Tita Mercy tiningnan lamang ako ng masama.

"Nakahiram ako ng pera kagabi. Apat na libo dapat yan kaya lang dahil sa pagbugbog nyo sa akin kagabi, kailangan kong pumunta sa ospital. Yan na lang ang natira."

Hindi nagsasalita si Tita Mercy pero agad kinuha ang pera.

"Matutulog po ako sa kwarto ko. Joan, akina na yung electric fan ko."

"Ano ka!"

"Kung hindi mo ibibigay, kailangan ko pa ulit bawasan ang pera Tita, kailangan kong bumili ng electric fan ko."

"Ibigay mo na Joan."

"Mama!"

"Ibigay mo na sabi!"

Nagdadabog na binigay ni Joan ang electric fan. Agad akong tumungo sa kwarto ko.

Kinuha ko ang ultrasound film.

"Anak."

Napaiyak ako sa napakaraming emosyon.

I am a nursing student, I suppose to know that I am already pregnant. Mahigit isang buwan na akong buntis at hindi ako aware. Nakakaiyak. Napakapabaya ko.

Matagal kong pinagkatitigan ang ang ultrasound film. Kahit mukha pa lang jelly bean ang baby, lubos lubos nya na agad pinasasaya ang puso ko.

Ang problema ko ngayon ay si Matti. I don't think he will accept this pero kakayanin ko naman diba? I may not be able to finish college anymore, pero may kasama na akong tumanda.

Haiii. Sasabihin ko pa ba kay Matti na buntis ako o lalayo na lang ako? Di naman nya kami tatanggapin eh. Mas mabuti na siguro yung lumayo na lang kami ng anak ko. Pero mabuting tao naman si Matti, pinalaki sya ng mabubuting tao, baka naman kahit papaano ay tanggapin nya ang anak namin.

I sighed again and touched my flat tummy.

Worst case ay itatanggi ni Matti ang anak namin at papalayuin nya kami.

My child may not be recognized as a Seigfreid but I am sure I will love my child more than anything.

"Anak, mahal kita."

UnlabeledWhere stories live. Discover now