04

110 60 35
                                    

Pangako, ikaw lamang ang pakamamahalin ko. Buong buhay ko ay iaalay ko sa'yo hanggang sa ang katawan ko'y maging abo. Ikaw at ako lamang kahit pa magunaw ang mundo.

A bittersweet smile escaped my lips as I read the anniversary card you sent me for the nth time today. Tila ba bawat titik sa mga isinulat mo'y nagmistulang palaso at punyal na tinuturok ang aking luhaang puso.

I slumped on the wooden floor at the end of my bed surrounded by the gifts you have given me over the years we were together. Pictures from when we first met to the very last day we swore our love would never end.

I sprayed the half-emptied bottle of your favourite scent and hugged the Mickey Mouse stuffed toy you gave me on my last birthday as tears came rushing down my cheeks once more.

Memories flooded my head as I rummaged over the scrapbook I made — a gift I was supposed to give you on our wedding day to remind you how far we've come.

Hindi lamang ang video ang nakita ko, marami pang ibang litrato. Maging ang larawan ninyo na kumakain sa isang 5-star restaurant ng gabing namatay si papa ay nakita ko na rin.

Naalala ko na kung sino si Anna, sya ang kaklase mong tinawag ka noon para dumaan sa bahay nila. You rejected her because of me, and look at the odds! Ako na ngayon ang halos i-reject mo para lang makasama sya.

Ni isa sa mga messages ko ay wala kang sini-seen. Kahit ang mga tawag ko'y lagi mong kina-cancel, madalas pa nga'y patay na ang cellphone mo.

I stalked your facebook profile which I never do at ang huling post mo pa rin ay mula sa construction site ng building na ginagawa ninyo sa Batangas. Hindi ko man lang alam na nandyan ka pala. Ang caption mo pa nga ay building for the future.

Pinusuan ko yun pero mukhang wala ka ng pakialam dun.

Kinuha ko ang cellphone ko ng makita kong online ka na ulit. Kanina ko pang binabantayan kung magrereply ka na ba sa akin pero mukhang wala kang balak talaga.

Naglakas-loob na akong tawagan ka sa messenger habang online ka pa ngunit nasaktan lang ako ng makita ko ang message na nag-pop up.

Mikael Gonzalez is on another call.

At sa muli, trinaydor na naman ako ng mga luha ko. "Si-siguro mama nya lang kausap nya... O-or yung tita nya sa US." pagpapaniwala ko pa sa sarili ko kahit na kinukutuban na akong sya talaga ang kausap mo — si Anna.

Dumarami na rin ang nakakakita sa paglabas-labas ninyong dalawa. Kahapon lang ay sinend sa akin ang litrato ninyo na magkasamang nagsho-shopping.

Na-insecure tuloy ako ng makita kung gaano kalaki ang hinaharap nya at napakaganda ng hubog ng katawan nya. Maiksi ang pananamit at makapal ang kolorete sa mukha, bagay na ayaw na ayaw mong isuot o gawin ko.

Binasa kong muli ang mga messages kong hindi mo man lang tinitignan.

To: 💖LoveOfMyLife💕
1 week ago:

Love, kumain ka na ba?
Wag papagutom ha?
I love you.
──────────
Wag mo kalimutan vitamins mo.
Umuulan pa naman.
──────────
Good morning sa pinaka-
mamahal ko. I hope you
have a great day.
I love you.
──────────
4 days ago:

Love, kausapin mo
naman ako oh. :(
──────────
Sorry na. :(
──────────
Love, di na ako sumama
sa team building. Wag ka
na magalit pls.
──────────
Love....
──────────
I love you.
──────────
2 days ago:

Happy 7 years & 9 months
to us, Love! I can't wait to
be waking up next to you.
I love you. Ikaw lang at
wala ng iba. 💕
──────────
Yesterday:

Love, nakakita ako ng wishing
star kagabi. Hiniling ko na
sana maging okay na tayo. :(
──────────
Love, may iba ka pa bang
ikinagagalit? Tell me and
I will make it up to you. :(
──────────
I miss you, love.
Wag kang magpapagutom,
wag mo ring kalimutan na
mag-take ng vitamins mo.
──────────
Love... Can we please talk?

Napako ang tingin ko sa huling mensahe ko kahapon. Ginusto ko ng sabihin sa'yo na alam ko na ang tungkol kay Anna at handa na rin akong papiliin ka dahil umaasa akong ako pa rin ang pipiliin mo.

Pero hindi ka talaga nag-reply. Naging matigas ang puso mo sa hindi ko malamang kadahilanan. Pero para akong sinampal dahil agad na nasagot ang tanong ko ng may nag-send ng screenshot sa post ni Anna. Naka-private ang account nya kaya hindi ko iyon nakikita. Marami pala kayong pictures ninyo na na-upload na nya.

Anna del Pilar:
Sabi ko sa inyo sarapan nyo.
That's how you can trully keep a man.
You should satisfy all his needs from stomach to bed! 😉👌

Halos mawalan ako ng hininga sa nabasa ko. Ilang beses mong tinangkang may mangyari sa atin pero lahat iyon ay tinanggihan ko. Para sa akin, sagrado ang bagay na iyon at dapat ibinibigay lang sa asawa mo. At dahil hindi pa tayo mag-asawa, hindi ko pa kaya ang makipagtalik sa'yo.

At ito pala talaga ang dahilan kung bakit bigla kang nanlamig sa akin, kasi may pinag-iinitan ka ng iba.

Sinubukan kitang tawagan sa number mo pero cannot be reached lang palagi ang sinasabi ng operator, sinubukan ko ulit sa messenger ngunit ganun pa rin ang sinasabi:

Mikael Gonzalez is on another call.

Habang ang iba ang kinakamusta ako, ako naman ay nag-aalala sa'yo. Iniisip ko kung inaalagaan ka ba nya sa tuwing sinisipon ka? Kung ipinagluluto ka ba ng sopas o lugaw kapag nilalagnat ka? O kung pinapaalala ba nyang inumin mo ang vitamins mo dahil mababa ang immune system mo?

Mikael Gonzalez posted for the first time in a while...

Agad kong binuksan ang notification box na iyon na syang pinagsisihan ko ng husto. You posted a picture of you wearing a safety hat while you are in the construction site with another man and Anna in the middle, her hand wrapped on your waist.

'Cheers to a new beginning.'

Iyon ang caption mo.

Agad na tumulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa relasyon natin. Hindi ko alam kung bakit lumayo ang loob mo sa'kin gayong ginawa ko naman lahat ng gusto mo at iniwasan lahat ng ayaw mo.

Buong linggo ng bakasyon ko ay wala akong hinangad kundi ang makausap ka ngunit hindi natitigil ang isip ko sa kakatanong kung ano ba ang nagawa kong mali?

Bakit mo ako niloko?

Bakit hindi ka na lang nagpakatotoo?

At bakit hindi mo na lang sinabing ayaw mo na kaysa hinayaan mong humawak pa ako sa'yo gayong gusto mo na palang bumitaw?

──────────

Your reads, votes, and comments are very much appreciated!

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now