Chapter 22

7 1 0
                                    

CONFESSION

Vanilla Pov*

Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad o kung ilang oras na akong tumatakbo para lamang makalayo muna sa bahay. Napatingin na lang ako sa paligid ko at napabuntong-hininga. Siguro, okay na itong lugar na ito para mabuhos ko lahat ng galit ko sa araw na ito.

Hindi ko na talaga mapigilan...

"BAKIT?!!! PAANO NIYO NAGAWA IYON SAAKIN?!!!"


"GANON NA LANG BA AKO KADALING LOKOHIN? AKALA KO KAIBIGAN KO KAYO!!!"


"ANG SAKIT NG PINARAMDAM NIYO! MGA P*TANG*NA NIYO!!!"


Bumuhos ang mga luha kong gustong-gusto nang kumawala. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung may nagawa akong kasalanan sakanila para gawin nila iyon saakin. Ang sakit sakit! Akala ko hindi ko ito mararamdaman. Maganda na ang buhay ko eh kahit na may mga ups and downs kasi alam kong kaya ko naman iyon. Pero ang betrayal na naramdaman ko sa ginawa nila Troy at Sage? Hindi ko nakayanan.


"Bakit naman ganon... Sana sinabi niyo na lang saakin.... Oh baka wala kayong balak na sabihin saakin? Grabe ang sakit ng pinaramdam niyo..." pabulong kong sabi dahil wala na akong lakas para sumigaw.

Ang sakit ng ginawa nila. Nilaro nila ang damdamin ko.


Pinupunasan ko ang leeg ko nang maramdaman ko ang kwintas. Iyong kwintas na binigay saakin ni Sage sa may kweba noon.


Hinawakan ko ito at mabilis na tinanggal sa leeg ko. Wala na akong pakialam kung naputol ko dahil wala din namang saysay iyon. Props lang ito sa pagpapanggap nila. Kaya pala sabi niya saakin noon na kahit anong mangyari ay huwag ko daw tatanggalin itong kwintas na bigay niya. Tinutukoy pala niya iyong katarantaduhan nila ni Troy.


Kitang-kita ko ang pagkislap ng kwintas na nasa kamay ko na ngayon. Maganda na sana pero naalala ko ang ginawa ng nagbigay kaya tumayo ako at itinapon iyon.


"I HATE YOU SAGE!!!" Sigaw ko kasabay ng pagtapon ko sa kwintas. I don't need it anymore.


Tinapon ko ng malayong-malayo na hindi ko alam kung may makakakita pa ba. At bumalik ako sa pagkaupo at nilagay ko ang ulo ko sa tuhod ko.


And there, I started crying and crying and crying. Naiisip ko lahat ng mga magagandang alaala ko kasama sila at imbes na matuwa sana ako ay mas lalo akong naiyak dahil lahat ng iyon ay purong pagpapanggap lamang. Hindi ko kailangan ang panghingi nila ng tawad dahil alam ko sa mga sandali na ito ay hindi ko iyon maibibigay.


I cried till I run out of tears at natuyo na lang sila. I felt weak, physically and mentally kaya hindi ko alam kung paano ako uuwi. I think I drained all of my energy sa pagtakbo kanina.



And then when I thought wala akong kasama ay may bigla na lang yumakap saakin. At kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ay kilala ko na kung sino. At dahil sa ginawa niya ay napaiyak nanaman ulit ako.


"Shhhhh, my princess. Don't cry... Your king will be sad if you continue doing that." Sabi niya at hinahaplos-haplos ang buhok ko.


"Wala na akong king, Thorn... Nagsinungaling siya saakin. I can't believe it." pabulong na sabi ko dahil pati boses ko ay nanghihina na.


Dinamdam ko ang yakap niya saakin dahil sa ngayon iyon ang pinaka-kailangan ko sa mga sandaling ito. I'm very thankful dahil andito siya ngayon sa tabi ko. Hindi ko na kasi alam kung ano ang magagawa ko kapag wala akong karamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck Between Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon