Chapter 19

16 2 3
                                    

Vanilla Rose*

At sa wakas nakarating na din kami sa bahay. Pagkapark ni Kuya Dyran ng sasakyan ay bumaba na din kami. Inalalayan ako ni Thorn na bumaba habang hawak ni Sage naman iyong dextrose. Habang sila Troy ay binaba na rin iyong mga gamit namin.



Nang nakaupo na ako sa sofa sa aming sala ay nilagay na ni Sage iyong dextrose sa hook stand na buti nalang hindi pa nila tinapon noong ginamit ko din noon.


"Ilagay niyo na lang sa kwarto ni Thorn iyang mga gamit Troy." sabi ko. Tumango naman sila. 


"Nagpaalam kayo kila Mommy Flo na dito kayo mag-iistay?" Tanong ko kay Thorn. Tumabi naman siya saakin at sinandal ang kaniyang ulo sa balikat ko. " Oo nagpaalam na kami noong habang tulog pa kayo nila Lili." sabi niya. Balak pala talaga eh noh.


Hinahaplos ko naman ang ulo niya. Pagod na pagod siguro sila kababantay saamin. Kita ko rin ang bakas ng eyebags sa ilalim ng mga mata niya eh. Natulog ba sila ng maayos?Kailangan kong bumawi sakanila.



"Here." sabi bigla ng nasa likod ko. Nang lingunin ko ito ay si Sage na may hawak na kung ano man. Kinuha ko naman ito." Thank you." sabi ko. Umupo siya sa gilid ko at tinignan si Thorn. 


" Feeling ko tulog na yan." sabi niya habang nakafocus ang tingin niya kay Thorn.


Nakikita ko na ngayon iyong dating Sage na nakilala ko noong mga bata pa kami. Iyong Sage na palaging inaalala ang kapakanan namin ng kaniyang kakambal. Maalaga talaga si Sage kahit hindi ko na masyadong maalala iyong ibang mga naging memories namin, naalala ko palagi iyong pagkuha niya ng pagkain ko, siya palaging kakampi ko, at laging talo si Thorn noon kasi dalawa kami ni Sage habang mag-isa siya kaya sa huli nagkukulong si Thorn sa kwarto nilang magkambal. At kami naman ay dadalhan siya ng pagkain para suyuin. May pagkasaltik din kasi minsan si Thorn eh.


"Oo din. " sabi ko naman habang tinitignan din si Thorn. Ang hahaba talaga ng mga pilik-mata nitong lalaking ito. Naiingit tuloy ako.


"You know what? Lagi ka niyang binabantayan noong tulog ka." pagkwekwento niya kaya napatingin ako sakaniya habang nakakunot ang noo ko.


"Nakikita ko na nga lang minsan natutulog na din siya sa gilid mo habang nakayuko eh." Sabi niya pa.


"Nagpapanggap pa siyang kaya niya eh noong isang araw, umalis ako ng ilang saglit tapos noong bumalik na ako, ayon tulog na pala." pagpapatuloy niya at natawa pa. Napatawa rin ako dahil sa sinabi niya.



Kaya tinignan ko ulit si Thorn, I'm touched. 'Pretending to strong ihh noh'. Hindi ko alam ang sasabihin ko. At feeling ko tulog na talaga si Thorn dahil nararamdaman ko nang bumibigat ang kaniyang ulo. Kaya dahan-dahan ko sana siyang ihihiga sa lap ko ng biglang lumapit si Sage. Namumula naman ako panigurado.


"Let me." sabi niya at kinuha si Thorn at inihiga sa sofa. At ang loko tulog na nga.

Stuck Between Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon