Chapter 18

8 1 0
                                    

Vanilla Rose Pov*

Nasa isang madilim na parke ako ngayon nang biglang may nakita akong nakaitim na isang lalaki. Nasabi kong lalaki dahil sa tikas ng kaniyang katawan.


Hindi ko siya mamukahan dahil nakasuot siya ng itim na face mask. Sino siya? Anong pakay niya saakin?


Nakatingin lang siya saakin. Iyong tipong sinusuri niya buong pagkatao ko gamit ang kaniyang mapanuring tingin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sisigaw ba ako o hindi kaya tatakbo?

Natulala lang ako doon nang biglang hindi ko na maramdaman ang katawan ko. My whole body froze. I couldn't move para bang naparalyze ako bigla. Paano na ito? Mayroon pa iyong lalaki papalapit na saakin.

Hindi talaga ako makagalaw kaya sisigaw na sana ako pero biglang tumakbo iyong lalaki. At hindi ko alam pero biglang may yumakap saakin.

"Are you okay??Nilla?" sabi bigla.

"S-si-sino iyong la-lalaki iyon?" Nauutal kong sabi.

Nagising ako dahil sa napakaliwanag na ilaw. Napakurap-kurap pa ako upang makaadjust sa liwanag. Una kong nakita ang puting kisame tapos sunod din ang puting dingding.

Pero mas nagulat ako nang maramdaman ko ang yakap ni Sage. Shet kagigising ko lang baka ang baho ng hininga ko. Nagsalita pa naman ako kanina o em geeh.

"Easy Nilla. Nanginginig ka..." mahinahong sabi niya nang maramdamang nanginginig ako.

Bakit ako nanginginig?

Baka siguro kinakabahan ako. Buti na lang talaga panaginip iyon.

Hindi pa gaanong nagfufunction ang utak ko kaya hindi ako masyadong nagsalita.

"Troy tawagin mo si Doc."sabi ni Sage habang yakap ako. Nginitian naman ako ni Troy bago lumabas ng silid ko. Nasa hospital pala ako kaya naman pala puting kisame, dingding at kung anu-ano pa ang nakikita ko ngayon.


"Sinong lalaki ang tinutukoy mo?" Tanong ni Sage habang hinahagod iyong likod ko. Napailing naman ako sakaniya bilang sagot.
" Sige humiga ka muna." Mahinahong sabi niya at inalalayan niya akong humiga at sakto biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito.


"Are you okay?Saan masakit? Your head?" nag-aalalang sabi niya at kitang kita ko sa mukha niyang wala pa siyang gaanong tulog dahil sa napalaking eyebags niya ngayon.


"Yes I'm okay. Ikaw okay ka lang?" nag-aalalang sabi ko. Kasi feeling ko binantayan niya ako magdamag. Hindi sa pagiging feeling ah baka sabihin niyo eh.


"I'm okay as long as you are.." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Itong lola niyo naman kinilig nanaman. Crush na crush ko talaga itong lalaking ito eh. Lakas ng epekto niya saakin at hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nililigawan niya ako.

"Ilang oras akong tulog?" I asked para kahit papaano hindi niya mahalatang kinikilig ako.

" Mga tatlong araw lang naman kayong tulog." Sabi niya na naging dahilan ng paglaki  ng mata ko. 3 F*CKING DAYS?!!


"TOTOO?!" hindi makapaniwalang sabi ko. At saglit sabi niya kayo it means may kasama ako. Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakahiga din katulad ko si Lili at sa tabi niya si Jam.

And realization hit me, Bago ako nawalan ng malay noon nakita kong natumba din itong dalawa. Nahimatay din siguro katulad ko dahil sa pagod noong araw na iyon. Buti na lang nasalo nila Sage itong dalawang babaitang ito.


Stuck Between Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon