Chapter 2 (Break Up Scene)

140 6 1
                                    

Ano ba yan! Wala akong maintindihan dito sa mga binasa ko! Kainis kasi si Lance hanggang ngayon naalala ko parin yung pamumula ng mukha nya kanina, ewan ko ba sa lalaking yun, akala nya siguro katulad ako sa ibang babae na patay na patay sa kanya.

Puwes nagkakamali sya, kahit na gwapo pa sya, sikat, mayaman, varsity player, at isa sa mga heartthrob ng school na ito ay wala parin akong pakealam sa kanya, paano naman kasi napaka playboy, ewan ko ba sa mga babaeng yan bakit nahuhumaling sila sa mga lalaking katulad ni Lance.

Actually, sa pagkakaalam ko, may top 5 heartthrob ang paaralang ito, hindi lang daw sila sikat dito sa amin, kundi pati sa ibang paaralan, isa na doon si Lance Montegro at si Marion Alonzo ang photographer namin sa SP Club. Yung tatlo di ko kilala, di naman kasi ako interested sa kanila eh!

Basta ayon sa mga kasamahan ko sa SP club yung top 5 heartthrob ay galing lahat sa criminology department, apat sa kanila ay varsity player at ang isa ang nasa SP club at si marion yun.
Sabi pa nila sa akin, wala pang babaeng nakakuha sa attention ng limang naggwagwapuhang lalaking yan, wala pa daw silang sineryoso at pormal na niligawan, indeed they have never been felt falling inlove in a girl, ewan ko kung totoo.

Puro lang kasi daw fling fling ang ginagawa nila. Ang mga girls kasi daw ang humahabol sa kanila. Kumbaga yung mga babae na mismo ang nanliligaw sa kanila.
Pero sa pagkakaalam ko si Marion ay walang girl friend. Hmmp,

Sabi pa nila ang top 1 ay nagtataglay daw ng napakagwapong mukha at makalaglag panty pag ngumiti, kaya no wonder daw na madaming babae na ang umiyak at nagkakandarapa sa paghahabol sa kanya, at sabi pa nila siya rin daw ang tinaguriang number1 playboy sa buong paaralan dito sa syudad.

Naku! kahit saang paaralan ka daw pumunta pagbinanggit mo ang pangalan niya ay uulanin ka kaagad ng tanong ganyan sya kasikat dito sa syudad na ito. Di naman sya anak ng mayor ah. Well di ko pa yun nakikita dito sa school ewan ko kung gaano yun ka pogi. Mas pogi pa kaya sya kay Coco Martin? Kung ganun masabi ko ng gwapo sya, eh anu naman ang pakialam ko doon? ay! ewan,

At ang sabi pa nila isa sya sa pinakamagaling na basketball player sa buong syudad kaya popular sya, at sya daw ang team captain ng basketball dito sa paaralan namin. Kasali nga raw sya sa Philippine Basketball League eh.

At ito pa, hindi daw sya dito lumaki sa Pilipinas, galing daw sya sa London, half British and half Pinoy. Pero fluent daw sya magtagalog, napakaswerte mo na daw kapag kinausap ka nya or nakita mong tinititigan ka nya, ganyan sya ka sikat.

Grabe naman sila, sino ba sya isang artista? Isang Prinsipe? Eh Studyante din naman sya ah? Wala din namang pinagkaiba yun ah? Katulad parin sya sa amin, mag aaral ng paaralang ito.

Ay! Naku,.. Ewan ko sa kanila bakit nahuhumaling sila sa mga heartthrob na yan.

Hmmp,... Nagtataka siguro kayo siguro kung sino ako noh at bakit napaka chismosa ko, este ang dami kong alam about sa nangyayari sa paaralan namin, at sa buong syudad, ganito kasi yun.

Ay! Ang dami dami ko ng sinabi di pa ako nagpakilala.

By the way, I'm Jesse Jane Mirafuente, 17years old, first year college, taking up Mass communication, in short Mass-com student ako. Member ng SP club yung organization ng School Paper magazine ng school namin.

Mahilig ako sa mga kwento, kaya sa library ako kadalasan makikita, tambak din ang mga libro sa bahay namin, mahilig din akong sumulat ng stories, poems and etc. At minsan nakikipagtitigan ako tv at lap top. Gayunpaman hindi ako nerd noh!

Habit ko na talaga yun, independent din ako, walang pakialam sa'kin ang parents ko busy silang dalawa sa mga business eh. At kung ano man yung business nila mama, di ko alam basta about yata sa Franchising transaction. Sabi nila malaki na daw ako alam ko na daw ang ginagawa ko, indeed they trust me, kaya nga di ako umaasa sa kanila eh!

Crazy Action called OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon