Chapter 2: Gusto lang

52 8 1
                                    

Break time nang pinuntahan ako nina Ey at Blaine sa room. Tumambay muna sila sa loob.

I noticed Blaine's badtrip face.

"What happened?"

"Pinagsabihan daw siya ng teacher tungkol sa eyeliner niya," si Ey ang sumagot.

Kumunot ang noo ko. Hindi na mahigpit ang school sa mga senior pagdating sa make-up. Hindi katulad nu'ng junior na bawal talaga. That's why Blaine was always in the guidance office. But then again, she has her reasons.

"Pero hindi naman na bawal ang make-up sa atin, 'di ba?"

"Oo. Pero agaw pansin daw 'yung akin."

Napabuntong-hininga ako.

We've decided na sa lunch na lang bumaba ng canteen dahil maiksi lang ang break.

My next subject is Personal Development. Our teacher gave us a question we need to answer in front. Ang tanong ay kung bakit itong strand ang pinili namin.

Huminga ako nang malalim nu'ng ako na ang sunod.

"The reason why I chose humss as my strand is..."

Bakit nga ba? Is it only because I want to be a journalist? No. Hindi lang dahil doon.

"My heart belongs to people. I'm fond of humans—our complicated nature. I want to delve deeper into politics, philosophy, society, and everything involving humans. Because... don't you think there are still many things to unravel about us? Are you not curious about how our mind works and how it affects our actions? And I believe that being called a humanista is an honor. Being humanista means being the future leader, teacher, voice of the people, and warrior of justice. We are actually more than a humanista."

Narinig ko ang palakpakan nila sa sinabi ko.

"That's a nice answer, Miss Abello."

Nginitian ko ang teacher namin. "Thank you po."

We are the students that don't study much numbers and science unlike the other strands pero hindi ibig sabihin no'n ay nasa bottom line na kami. I hate it when people say that our strand is just a piece of cake. Being a lawyer, politician, and teacher is not a piece of cake.

Magkikita-kita na ulit kaming magkakaibigan pagdating ng lunch after ng subject na 'to. Saktong paglabas ko ng classroom ay ang pagdaan din nina Berlin.

He looked at me and gave me a small smile. Gano'n din ako.

Pagbaba sa canteen ay sobrang raming tao. Ni hindi ako makabili ng pagkain dahil siksikan. Dalawa ang canteen ng school. Itong kung nasaan kami ngayon ay snacks at street foods ang itinitinda. Sa kabila naman ay rice meals na ang haba rin ng pila ngayon.

"Sabi na nga ba at dapat nagbaon tayo ng packed lunch. Hindi na tayo natuto sa first day."

Sumimangot kaming tatlo at umalis na roon. Tumambay muna kami sa may stage ng school kung saan hindi mainit.

"So, wala tayong kakainin ngayon?"

"For sure, Ey."

Dumaan ang isang delivery boy ng yellow cab. Mas nagutom kami nu'ng naamoy namin ang dala niyang pizza.

Saang faculty kaya 'to dadalhin?

Tumigil siya sa harap namin habang may kausap sa cellphone.

"Nasa loob na po ako, Sir."

The three of us are just watching the delivery boy.

"Okay po. Nakikita ko na po kayo."

Sinundan namin ng tingin kung saang direksyon siya papunta. Which is sa gilid lang nitong nitong stage kung saan may bench na napapailaliman ng malaking puno.

The Candle of LoveWhere stories live. Discover now