Chapter 31: Don't Know

19 0 0
                                    

Shock, hatred, and disappointment. That's what I'm feeling right now. Nakatingin ako sa may stage pero wala doon ang isip ko, nasa ibang bagay.

Ginagago ba ako ni Berlin?

Maybe. He's courting me, but he chose to be my sister's partner tonight. My sister whom he knows I suspect he has a thing with.

Kung nanliligaw siya, dapat kinukuha niya ulit ang loob ko. Pero hindi, kabaliktaran ang ginagawa niya. Kaya baka pinaglalaruan niya lang talaga ako.

My eyes unconsciously went to them. They are two tables away from us. Kahit dim ang ilaw, kitang-kita ko ang tingin sa'kin ni Berlin. He did not break our eye contact even while he's sipping from his drink. Ipinakita ko naman sa mga tingin ko ang samu't saring emosyong nararamdaman ko ngayon.

Lumapit sa kanya si Anie at may kung anong ibinulong. Dahil sa sobrang lapit niya ay muntik niya nang mahalikan si Berlin. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.

The place is so wonderful. Para talaga kaming nag-time travel sa 50s. Dagdagan mo pa ng mga taong nakasuot ng classic 50s dresses and clothes. However, I just couldn't appreciate all of it.

Tumayo ako nang maramdaman ang sakit sa aking dibdib.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dion.

"Kukuha lang ng maiinom."

"Ako na kukuha. Anong gusto mo?"

"No. Ako na lang. Babalik din ako agad."

Hindi ko na siya inantay sumagot. Umalis na agad ako sa table namin at dumiretso sa likod kung nasaan ang hilera ng mga inumin.

Kukunin ko na sana ang isang cocktail drink nang may nauna sa'kin.

"Hi, sis." It's Anie. Dire-diretso niyang nilagok ang inumin habang nakatitig sa'kin. "Sorry, nauna ako. So, this is basically mine."

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"You're lovely tonight," sabi niya. "You look perfect with Mr. Clemente."

Nagulat ako nang hinawakan niya ang pendant ng necklace na suot ko. Agad kong hinawi ang kamay niya.

"Tell me, bakit ayaw mo pang sagutin ang boss natin?" malamig niyang tanong. "Hindi ka naman siguro tanga para patagalin pa ang panliligaw niya. Kaya bakit?"

"It's none of your business, Anie."

"Talaga? I think it's my business too if your reason is the person whom I'm in love with."

Malamig ko lang siyang tinignan. Samantalang mga matatalim na titig ang ibinibigay niya sa'kin. She looked at me as if we're not blood-related but nemesis.

"Bakit, Ives? Bakit bumalik ka pa?"

"I'm looking for a job---"

She hysterically laughed. "You have a great career on Australia for fucking sake. Tapos babalik ka dito sa Pilipinas para maghanap ng trabaho? Don't shit with me."

"You're drunk," sabi ko nang maamoy ang whiskey sa kanya. Tinignan ko ang suot na relo. Malalim na rin pala ang gabi. "Let's go home, Anie."

"No. Uuwi lang ako 'pag sinagot mo na si Dion."

I glared at her. Hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi niya 'yon.

"Please lang, huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay Berlin. Kung umaasa kang magkakabalikan kayo kaya ka umuwi ng Pilipinas, wake up." She laughed again. "Huwag mo na rin palang ipagsiksikan ang sarili mo dito, you have no home here. Just go back to Australia."

What she said struck me like an arrow. Kinuyom ko ang kamao ko.

"You don't really care if you hurt me with your words, Zephanie?"

The Candle of LoveWhere stories live. Discover now