Chapter 28: Zephorah

33 5 0
                                    

Kalma, Zeph. Hindi naman siguro 'yan magtatagal dito. You saw the list of the volunteer doctors, right? And his name was not there. Kaya baka ngayon lang 'yan dito.

"Dr. Acosta!"

The doctor in front of me tapped Berlin's back.

"Sorry, I'm late."

"No, it's okay. We asked you a favor to replaced Dr. Charles for 1 week. Pupunahin pa ba namin ang pagka-late mo ng 30 minutes?"

Ngumisi lang si Berlin.

Parang nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ang sinabi niya. 1 week. He will also be there for damn 1 week?!

"Right. This is Miss Zeph, the journalist who'll cover this medical mission."

"I know her."

Matalim kong tinitigan si Berlin. Nagtaas siya ng kilay sa'kin.

"Are you friends?"

Pilit akong ngumiti doon sa doctor. "Acquiantance."

Nu'ng tinawag ako ng team ko para tignan ang tutuluyan namin ay bigat na bigat ang paa ko. Yeah. I'm pissed. Hindi ko inaasahan 'to. Buong week akong excited sa documentaryong 'to tapos ngayong mismong araw na, dahil lang sa pagdating ni Berlin, parang bula nang naglaho ang excitement ko.

But why would I let him affect me? Or my job? Hindi pupwedeng buong 1 week akong iritado dahil sa presensya niya. Maapektuhan no'n panigurado ang trabaho ko.

"Ito pala ang tutuluyan mo, Miss Zeph," iginiya ako ng cameraman namin sa isang maliit na bahay na gawa sa kawayan. Sa labas pa lang, makikitang pang-isahang tao lang 'to.

"Saan po kayo, Sir. Joseph?"

"Doon kami sa kubong dalawang bahay ang layo dito. Doon lang kasi kasya ang camera'ng dala natin."

"Sige po. Salamat."

Ibinaba ko na ang mga gamit ko. Walang kung anong dekorasyon itong bahay. May lamesang gawa lang din sa kawayan pero bukod doon ay wala na. May single mattress na tutulugan ko pero dala lang din iyon ng team namin.

Siguro'y para lang talaga sa mga bisita itong kubong ito.

Nagpalit na ako ng damit dahil magsisimula na kaming bisitahin ang mga tao dito. Simpleng yelow t-shirt at jeans lang ang isinuot ko para hindi intimidating tignan. As much as possible, I need to look friendly at the people here.

Isang maliit na pamilya ang una naming pinuntahan. Pagdating namin sa kubo nila ay naka-ready na ang camera nina Sir. Joseph. Nasabi nilang nakapagpaalam na sila sa medyo bata pang mag-asawa na kukuhaan sila pero bilang journalist na magtatanong sa kanila, personal din akong nagpaalam.

Totoo nga ang sinabi ng doctor kanina na wala silang maayos na healthcare system dito.

"Sa baba pa ang health center na ilang oras pang lalakarin. Kaya hindi na rin kami nagtityaga dahil minsa'y wala din naman silang gamot na kailangan ng anak namin."

"Wala po bang mga sasakyan dito?"

"Mayroon namang mga motorsiklo pero mahal ang bayad. Mauubos lang din doon ang pambili namin ng gamot."

"Ano ho ba sakit ng anak niyo at bakit walang gamot doon ang health center?"

"Pneumonia, Ma'am. Sa botika raw nabibili ang gamot. Hindi naman namin kayang bumili doon dahil mahal."

"Nasaan po ang anak niyo?"

May tinawag siyang bata sa kabilang kwarto. Napaawang ang bibig ko nang lumabas ang isang maliit at payat na payat na batang babae. Halos buto't balat na lang siya.

The Candle of LoveWhere stories live. Discover now