Chapter 7: Day

43 9 0
                                    

Dumilat ako at kinuha ang cellphone para tignan ang oras. Nagulat ako nang makitang alas dos na ng madaling araw. Bumangon ako at huminga ng malalim. Kanina pa ako nakapikit pero hindi talaga ako makatulog. May pasok pa ako mamaya pero gising na gising pa rin ang diwa ko.

Ilang oras na rin ang lumipas mula nang hinatid ako ni Berlin. He even checked on me if I got in my unit safe. Kahit siya itong dapat t-in-ext ko ng una kung nakauwi na ba dahil siya itong malayo ang bahay.

Berlin:
Are you home?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasalandal lang sa sofa pagka-akyat ng unit. Natauhan lang ako dahil sa text niya. Ilang sandali ko muna iyong tinitigan bago nag-type ng reply.

Zeph:
Yes. Ikaw?

Berlin:
Yup. Good night, Zeph.

Zeph:
Good night.

Napabuntong-hininga ako. I get my hand mirror to check my face. And I rolled my eyes because of what I saw. Puyat na puyat ako.

Makakatulog pa kaya ako?

I hate what's keeping me awake now. It's not the possible fact that my parents abandoned me. Pinilit ko kanina na iyon ang isipin nang isipin pero lumilihis talaga ang isip ko kay Berlin. Yes, kay Berlin.

First, I don't know how am I going to face him tomorrow. Tama nga ako na baka pagsisisihan ko ang pag-iyak-iyak ko sa kanya kanina. Uhh. Well, I don't regret it that much because I felt better after that. Nahihiya lang ako.

Second, I keep thinking on what he said to me. That... that he still find me beautiful even when I'm crying. Iyon nga ang mas iniisip ko ngayon kaya hindi ako makatulog.

Humiga ulit ako at tumitig sa kisame, waiting for myself to fall asleep. And I'm glad that after a minute, I did.

I kept snoozing my alarm because I'm still sleepy. Nang mag-alarm ulit iyon ay nasulpayan ko na ang oras at napabangon ako agad dahil doon.

Shit. It's already 6:30! At ang klase ko ay magsismula na ng 7!

Dali-dali akong nag-ayos. Mga sampung minutong ligo lang yata ang ginawa ko. Hindi ko nga alam kung ligo ba 'yon. I was like a lightning because of my quick moves. Nagsuot agad ako ng uniform nang matapos habang kagat-kagat ang isang tasty.

I can't believe that I managed to prepare myself and my things for only 20 minutes. At ngayon ay tumatakbo na ako papuntang school.

As far as I remember, ganito rin ako dalawang beses last year. Dahil naman iyon sa pagpupuyat ko sa isang project at baby thesis namin na kinabukasan ang defense.

Chine-check ng guard kung suot ba ng ng mga istudyanteng pumapasok ang I.D nila. I mean, they are not really checking it. Masuri lang nila kaming tinitignan at kapag walang I.D ay sisistahin.

They are probably thinking that I'm not wearing my I.D because I ran passed by them. May I.D naman talaga ako. Kailangan ko lang talagang tumakbo dahil maaga lagi ang first subject teacher namin.

'Yan, Zeph. Puyat pa nang puyat.

Nanlaki ang mata ko nang makitang lumabas na si Mrs. Ledesma ng faculty room nila. Obviously, she's going now to our room.

Mas binilisan ko pa ang takbo. Uunahan ko siya sa room namin. Ako pa naman ang unang natatawag sa attendance niya.

Pagkatungtong ng 5th floor ay dumiretso na agad ako ng room.

"N-nandyan na s-si Mrs. L-Ledesma," hinihingal kong sabi.

Nagsibalikan naman sa upuan ang mga kaklase kong may kanya-kanyang ginagawa. Kinuha ko ang tumbler ko at uminom ng tubig dahil sa ginawang pagtakbo. Wala pang isang minuto ay pumasok nga ang teacher namin at nagsimula na sa attendance.

The Candle of LoveWhere stories live. Discover now