CHAPTER I

50 1 0
                                    

"Honeeey!", matinis na sigaw ni Kelly nakadukwang sa bintana ng reception area. "You have a call from the Philippines." sigaw ulit nito ngunit nakabakas sa mukha ang pag alala.

Napamulagat ang mga mata ni Nadine sa may kalayuan ng lingunin ang kaibigan at marinig ang salitang Philippines. Halos huminto ang kanyang mundo at bigla siyang namutla. Nabitawan ang spade at halaman na hawak kasabay ng pagsirit ng imahe na pilit niyang kinalimutan.

Maririnig ang malamyos na tugtog na bumabalot sa pasilyo ng 35th floor Shangri-La the Fort, Manila, amoy rosas ang kapaligiran at maya maya't may makikita kang hotel staff na paroon at parito. Nagising si Nadine ng may ngiti sa labi. Ito ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw  ng pag iisang dibdib nila ng kanyang kasintahan na si Robert. Magaang katawan na bumangon siya, pumunta ng balkonahe at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Napaka elegante ng kanyang kwartong nakuha. Melokoton ang kulay ng mahabang kurtina na hati ang tabing sa mababasaging pintuan na pumapagitna sa kwarto at balkonahe. Kapareho ng kulay ang dingding at pader ng kwarto, simple ngunit elegante. May isang mahabang sopa na may  maliliit at mapusyaw na gumamela nakaimprinta rito, at mayroon isang maliit na coffee table sa kaliwa nito na mayroon nakapatong na kulay pink na notebook at  puting telepono. Katabi naman ng talahanayan ng kape ang malaking kama na may nakabalot na kumot na may disenyong mga guhit na mahaba at pahalang na ang kulay ay abo na pinagtugma sa disenyo ng pundang nakabalot sa unan. Mayroon isang telivision sa harap ng kama. May isang palumpon ng rosas sa lamesang kainan na may kalapitan sa mahabang sopa at kasama rin nito ay dalawang silya na magkaharap.

Hindi lubos maisip ni Nadine kung gaano siya kaswerte sa araw na ito. Tanaw ang buong lungsod at may magandang sikat sa kaliwang bahagi ang nababadya ng haring araw. Para bang kaliit lang ng langgam ang mga taong naglalakad sa may kalayuan ng hotel, mabibilis ang lakad ng mga ito. Parang iisa ang direksyon at iisa ang pupuntahan.

"Buzzzzz"

Naputol ang kanyang muni muni ng marinig ang ugong na nagsasabing may tao sa labas. Dali daling pumasok siya sa kwarto at isinara ang mababasaging pintuan at pumunta sa pangunahing pintuan.

"Good morning, Darling!" bati ng organizer na kanilang inupahan para sa kasal ng binuksan ni Nadine ang pinto.

"Hello B. Andito ka na pala." ngiting balik bati ni Nadine sa kaibigang bakla.

"Yes! Kailangan maaga tayo," sagot nito at sinuyod siya ng tingin. "Nagbreakfast ka na ba?"

"Hindi pa, sabay tayo?" aya niya sa kaibigan at niluwagan ang pinto upang magbigay ng daan.

"No no, I'm fine. Kumain na ako bago pumarito. Kailangan ko lang ipaalala saiyo," tanggi nito at mayroon inabot na sobre galing sa shoulder bag nito. "Ito yung letter ni Robert saiyo, pre-wedding day letter yan, para bang promise letter at i-assure ka" ,dagdag nito.

"Ay oo nga pala." biglang alala ni Nadine. "Hindi ko pa tapos yung sa akin. Pwede bang ako yung magbigay?" tanong niya dito.

Napaisip ang kaibigan at tumingin sa kanya.

"Hmmm..okay. Kung hindi lang ako busy, ako na ang magbibigay niyan. Kailangan kasi dapat hindi kayo magkita bago ikasal kasi hindi raw natutuloy ang kasal kapag ganoon." mahabang paliwanag nito.

"Naku B. Hindi ako naniniwala diyan," ngiting sabi niya. "Ang tagal na namin ni Robert at isang floor lang naman ang pagitan namin. I know, you have to go to the church early. So let me handle this, no worries."  panigurado niya.

"Okayyyy. Be sure ha, walang magba-back out." pabirong banta nito sa kanya at may kasamang paglaki ng mga mata. "First client ko kayo, I want it to be perfect." may kasamang paghawak sa mga kamay nito na para bang nagi-imagine. "You guys are made and matched by heaven."

AFAM Series No: 01 - Jar of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon