CHAPTER 14

11.1K 316 77
                                    

MIRABELLA

Natapos ang hearing ng kalahating araw lang. Wala masyadong nangyari dahil puro limits at paperwork. Magkagayunman ay kabadong-kabado pa rin ako.

Nang matapos ang pre-trial hearing ay agad na inilabas si Itay sa korte. Kumaway ako sa kanya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Kumuyom ang kanang kamay ko sa aking dibdib dahil nakikita ko sa mga mata ni itay ang lungkot kahit na nakangiti ito.

Naramdaman ko na nag-init ang aking likod. Lumingon ako at nahuli si Alesteir na nakatingin sa gawi ko. Madilim ang ekspresyon nito at gumalaw ang kanyang panga.

He is intimidating.

Nag-iwas ako ng tingin at kinuha na ang aking bag upang makaalis. Bukas ay panibagong hearing na naman ag panibagong laban.

Nang makalabas sa gusali ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Tumungo ako sa malapit na convenience store at bumili ng makakain na biskwit.

Paglabas ko ay nakita ko ang isang pamilyar na pigura. Nakahilig siya sa kanyang itim na sasakyan.

Wala na ang suit nito, tanging ang puti na button-up shirt at itim na vest nalang ito. Malinis ang pagkakatupi ng sleeves niya sa siko habang ang mga kamay nito ay nakapaloob sa bulsa.

"We need to talk," malamig ang kanyang salita.

Nilagpasan ko ito. "Wala na tayong dapat pag-usapan. At ayaw kong marinig ang anumang sasabihin mo."

"Mira—"

Hinawakan nito ang aking braso ngunit agad ko iyong binawi. "Huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ko, hindi kita kilala."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmamadali na ako umalis para makauwi at makapagpahinga. Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa aking isipan ang anumang sasabihin nito.

May parte sa puso ko na gusto ko siyang pakinggan at may parte rin na ayaw ko na masaktan.

Nakauwi ako kay Krome at nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay may nadatnan ako na taga-munisipyo. Dalawa sila at nakaupo sa gitna nila si Krome. Ang nasa kaliwa ay may mid-30s na babae at ang isa ay medyo bata pa.

"M-magandang araw po. Ano po ang mapaglikingkod ko sa inyo?"

"Ikaw ba ang kapatid ni Krome?"

Hindi ko na nasara ang pinto dahil sa pagmamadali ko sa pagpasok. "Opo, may ginawa po ba ang kapatid ko?"

Nagkatinginan ang dalawa. "Nahuli namin siya na nakikipaglaro sa gitna ng kalsada."

Napatingin ako sa kapatid ko. "Totoo ba iyon, Krome?"

Yunuko ito at umiling. Umupo ako paharap sa kanila. Ibinukas ko ang aking bisig at tila isang pusa si Krome na kumawala at yumakap sa akin.

"Sumama ako sa mga kalaro ko. Sabi nila, maglinis kami ng windshield ng mga sasakyan tapos kikita kami ng singkwenta sa isang araw. Hindi ako nakikipaglaro, ate."

Nadudurog ang puso ko nang marinig ang hikbi ni Krome. Kasalanan ko ito. Maganda ang intensyon ng kapatid ko ngunit sa murang edad nito ay hindi siya dapat magtrabaho.

"Gusto... gusto ko lang naman kumita para... para makatulong sa iyo, ate. Para hindi ka na mapagod."

Inalo ko ito at sinabihan na lumabas muna at pumunta kila Ate Miranda. Nararamdaman ko kasi na may dahilan pa kung bakit nandito ang mga taga-DSWD.

"Ano nga pala ang pangalan mo, hija?"

"Miranda po. Miranda Cruz."

"Ilang taon na si Krome?"

"Mag-thirteen po sa susunod na buwan."

Tumango ito at isinulat sa hawak na papel ang mga impormasyon.

"Ikaw ay kapatid niya. Nasaan ang nanay at tatay mo?"

Lumunok ako bago sumagot. "Patay na po ang nanay ko at ang tatay ko naman po ay kasalukuyan na nakakulong."

"Bakit wala siya sa school?"

"Nasuspinde po. Nabu-bully po kasi siya dahil nakakulong ang tatay namin. Ayaw po muna niya pumasok at kulang din po kami ng pera kaya sa susunod na school year nalang po siya magtutuloy," paliwanag ko.

"Ano ang trabaho mo?"

"Call centre agent po."

"Night shift?"

"Opo. Para po sa umaga ay nandito ako at may kasama siya. Tapo nag-iiwan po ako ng hapunan bago umalis para hindi siya magbukas ng kalan."

Tumango ito at nagsulat muli. "Pero bakit wala ka kaninang umaga?"

"Unang hearing po ng tatay namin. Pumunta po ako sa korte."

"Gaano katagal ang hearing?"

"Ang sabi po ay pitong araw. Hindi kasama ay Saturday at Sunday." Hindi ko na hinintay ang pagtatapos nito na magsulat. "Mabait na bata po si Krome. Hindi naman po niya hangad na makaabala ng ibang tao. Maganda po ang pagpapalaki ko sa kanya."

"Magkagayunman, Miss Mirabella, may grounds pa rin para ilagay si Krome sa facility for his protection. Sa ngayon ay hindi na muna namin siya kukuhanin."

Namutla ako sa narinig. Bumilis ang tibok ng aking puso at paghinga.

"Mag-iimbistiga pa rin kami at bibisita sa inyo hanggang sa mapatunayan mo na kaya mong palakihin ng maayos ang kapatid mo."

Tumango ako. "Pangako po. Hinding-hindi ko po papabayaan ang kapatid ko."

Umalis na ang dalawa at sa oras na isara ko ang pinto ay tumulo ng masagana ang aking luha. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa hirap sa paghinga.

Napasandal ako sa pintuan at napaupo. Mabilis ang aking paghinga ngunit pinipigil ko ang hagulgol. Kakaibang takot ang nadama ko.

Hindi ko inaasahan ang ganito. Hindi pa ba matatapos ang pagdating ng problema sa buhay namin?

*******
SWEETKITKAT

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Where stories live. Discover now