CHAPTER 24

631 41 5
                                    

MIRABELLA CRUZ

Lumipas ang ilang buwan, ngayon ay ginaganap ang pagtatapos ni Krome ng grade school. Sa Japan niya ipagpapatuloy ang high school. Isang taon lang siya roon dahil ganoon lang katagal ang permitted ng government, unless i-allow siya na mag-extend.

Hindi madali para kay Krome ang ipasa ang entrance exam doon ngunit nagsumikap siya. Naging fluent din ito sa niponggo dahil sineryoso nito ang mga lessons.

Ilang beses ako umakyat ng stage dahil sinabitan ito ng mga recognition awards. Halos hindi na nga kami umalis sa stage dahil sa dami ng medalya nito. Ang iba ay kay Donat na niya sinabit.

Hindi na rin ako ginulo ni Alesteir. Ang huling pag-uusap namin ay ang pagpilit nito na magsama kami sa iisang bubong.

Nagpapalitan nalang kami ng emails habang kinukumpleto ang requirements ni Krome at ng host family na magiging guardian niya.

Dalawang araw matapos ang recognition awards ni Krome ay kinatok ko ang pintuan nito.

Binuksan niya iyon agad. "Bakit, ate? May ipapabili ka sa tindahan?"

"Mahaba na ang buhok mo. Tara sa salon," aya ko sa kanya.

Sinuklay ng nga daliri nito ang buhok at lumingon sa study table niya. Tila nag-iisip ito kung mag-re-review o sasamahan niya ako.

Bumalik sa akin ang kanyang tingin at ngumiti.

"Tara, ate."

Nagliligpit-ligpit muna ako habang hinihintay na matapos si Krome sa pagbibihis kay Donat.

"Kuya, may pilpil ka sa noo," rinig ko sa usapan nila.

Sumilip ako at nakita na sinusuotan ni Krome si Donat ng sapatos. Nakatalikod ito sa akin.

"Pimple."

"Pilpil," ulit ni Donat ngunit utal pa ito.

Umiling si Krome, "Pim."

"Pil."

"Mmm," pagtatama niya sa huling letra.

"Pimmm."

"Pol."

"Pol," ulit ni Donat.

"Pimple."

"Pilpil."

"Bobo naman nito," natatawa nitong sambit.

"Thank you."

"Hoy! Bakit nag-thank you iyon after mo sabihan ng bad words?" Tanong ko habang nasa ibabaw ng bewang ang mga kamay. "Tinuruan mo?"

Lumingon sa akin si Krome at bumaba si Donat sa inuupuan. Tumakbo ito palabas habang malaki ang ngiti sa labi.

"Hindi, ah. Baka sila Tiya."

"Ikaw ang laging kasama tapos isisisi mo kila Tiana ah."

Nag-tricycle kami papunta sa salon nila Tiana. Nagtataka man si Krome kung bakit doon ko siya dinala kaysa sa barber shop ay tinikom nalang niya ang bibig.

Binuksan ko ang pinto at tumunog ang chimes na nasa sabit roon.

"Congratulations!" Sabay-sabay bati nila Tiana at ng mga stylist niya na sila Sana, Jill, at Rani.

"Napakagaling ng pamangkin ko!" Sinalubong kami ni Tiana at mahigpit nitong niyakap si Krome. "Ang tangkad mo na. Pangarap mo ba maging basketball player?"

Niyakap siya pabalik ni Krome at masaya lang akong nakatingin sa kanila. Krome is very lucky to be able to receive the love from everyone.

"Naglalaro ako, Tiya. Pero hindi iyon ang gusto kong maging career. Saka nga pala, kinukumusta ka na Paulo," panunukso nito nang maglayo ang dalawa.

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon