Lumipas pa ang isang oras ang operasyon ay may lumabas na isang doctor, kasabay nun ang pagtayo ng lahat sa kinauupuan upang salubungin ito.



"H..how was the operation doc?" Tanong ni Chris sa doctor



"I.im sorry" naiinis na siya dahil parati lamang iyon ang pambungad ng doctor. Sa tuwing nakakarinig siya ng ganitong salita ay mas lalo siyang kinakabahan.


"We tried to save your child. But, the mother had severe blood loss"

"How come doc? How come..how..how come that she bled that much? Eventhough, the impact seems not that strong"

Hindi gaano kalakas ang pag katama ng ulo ni Maggy sa vase sapagkat nakakapit pa nga eto bago ito tuluyang matumba at mawalan ng malay.


"I know, but the patient is a bleeder.. we've detected that she has hemophilia, a rare condition which blood doesn't clot normally. We tried to administer clotting medication, fortunately, the bleeding lessen and eventually stopped, but unfortunately, as I've told you, she had massive blood loss earlier before the operation, leading to some episodes of dropping of her blood pressure, that also aggravated by the anesthesia, that affects the baby. We tried to resuscitate but the baby was premature, that is why it was hard for him to survive.. im sorry but we tried.."

Sa dami ng ipinaliwanag ng doctor, ay wala itong naintindihan. Ang naproseso lamang sa isip niya ay wala na ang kanyang anak.

Napaluhod ito sa harapan ng marami. Sa harapan ng doctor. Kahit anong pilit niya maging malakas ay bigla na lamang gumuho at nawala ang iniipon niyang lakas. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin. Wala na ang anak nito. Wala na..

Hindi niya maisip kung ano ang magiging reaksyon ng asawa niya kapag nalaman nito na wala na ang kanilang anak. Nasasaktan siya sa pagkawala ng anak niya, ngunit wala nang mas sasakit pa sa pwedeng maramdaman ng isang ina ang mawala ng isang anak. Ilang buwan nitong inalagaan sa sinapupunan, tapos ay bigla na lang itong maglalaho na parang bula.

Bukod sakanya, narito dn ang mga magulang at kaibigan ni Maggy, kasama niyang nagluluksa.


"H..how about.. my wife? Is she.. iiis..she alive?"

"Yes. Eventhough she had a massive blood loss and had an intracranial hemorrhage, we save the other collateral blood vessels of the brain from being ruptured."

"Diyos ko. Salamat po salamat po" iyak na sabi ng ina ni Maggy.

Kahit na may nawala sa dalawa, laking pasasalamat pa din nila at nabigyan ng pagkakataon mabuhay ang anak. Hindi nila kakayanin mawalan pa ng isang anak.

Ngunit hindi nila magawang maging masaya dahil sa pagkawala ng anak ni Maggy. Hindi nila maisip kunh paano ito sasabihin, kunh kailan nila sasabihin ito sa oras na magkaroon ito ng malay. Hindi nila alam kung ano ang magiging reaksyon ni Maggy, natatakot sila na baka saktan ang sarili nito at sisihin ang sarili matapos nitong malaman ang pagkawala ng anak.



...


Isang oras muli ang lumipas bago natapos ang operasyon ni Maggy.


"We already transferred her in the recovery room. We need to monitor her as long as there is still anesthesia"


"How long she will be staying there doc?" Tanong ni Leila.

"After 1- 2 hours, she will be transfered in her room, but still under observation"

....





Nakalipas mahigit isang oras ay inilipat na si Maggy sa kanyang silid, ngunit wala pa din  itong malay.


Purposed MarriageOnde histórias criam vida. Descubra agora