"Mas makapal mukha mo pabigat- aray"

"Tama na yan babe" awat nito kay isabella.

"Ayuk-o aray cassandra, hindi kita bi-bitawa-n bwiset ka!"


"An-g kapal ng mukha mo pagtapos mo mag inarte na gusto mo maging juliet ngayon aalis ka" bigla nitong sinampal at nginudngod ang mukha ni isabella sa lamesa.


Bigla silang hinila ng mgacrew at staff. Pinaglayo sila nito at tuloy parin ang bangayan at matatalim na titigan.


"Talaga, hindi kita uurungan"


"Warfreak, tss. Ano ba bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni isabella at tinulak ang staff. Nauna silang lumabas ng boyfriend nya.

Inayos naman ni cassandra ang buhok nya at umirap sa kawalan.

"Bwiset! bwiset talaga yang babae na yan. Nagtitimpi aaaargh bwiset!"

Sinundan ko lang ito at nagmadali kaming bumalik ng theater club. Nasa pinto si erin at nakaabang ito sa'min.

"Saan kayo galing?" bungad na tanong nito.

"Syempre saan pa ba? pinuntahan namin ni isabella. Alam mo ba ang kapal ng mukha ng babaeng yun." Tuluyan itong pumasok sa loob " Talagang pinapainit nya ulo ko. Bukas na erin 'diba? tapos wala pa akong natatahing damit dahil sa kanya. Akala mo naman kung sinong kagandahan-"

"hephep tama na yan, nag request na ako na hindi na natin itutuloy"

"What? Hindi pwede!" sabay naming sigaw ni cassandra.

"I'm sorry rysee and sandra. Nakiusap ako sa theater head na hindi na natin itutuloy. Malabo yun and i'm sure pag tatawanan lang tayo bukas, thankyou sa inyo." naiwan kami dito ni cassandra sa gilid ng stage.

"Paano yan?" tanong nito.

Itinaas ko lang ang balikat ko bilang tugon. Disappointed din ako sa ginawa ni erin 'no. Pinag puyatan kaya namin ito, pero tama rin naman kase sya pagtatawanan at magkakalat lang kami bukas. Sabay na kami bumalik sa likod ng stage ni cassandra habang inayos naman ni erin ang bag nya at aalis na sana.

" Don't be sad rysee, thankyou sa effort nyo at pagtulong sa club natin."

"Sure ka na talaga dun erin? as in?" tumango lang si erin "Wala na tayong play?"

"Hey, oa.hahaha" lumabas na ito ng tuluyan at nagkatitigan lang kami ni cassandra.

"Ano ibig sabihin nun?" tanong nito sa akin.

"Baka yung play lang na ito yung cancelled." Umupo na ako sa may vanity table.
"Madami rin akong gagawin today, daming kong iniiskip dahil dito."

"So kelan natin ito itutuloy bago isara tong club na ito?"

"Hoy!, Hindi tayo maalis no. No way! Wala man tayong mapeperform babawi naman tayo tska hindi hahayaan ni erin yun."

"Eh, ano pa ba ito?"

"See?" sabay pakita ko ng phone ko sa kanya. "Gagawa ng paraan si erin, papalitan nalang natin ng main characters kaso wala tayong romeo?" nakabusangot akong tumingin dito.

"Ahh, sina trent? si jackson? michael? dan? dave? Oli? ang dami dami eh."

"Si Oli kasama mo sa props hindi ba? si trent alam ko kasama ni michael at dan sa pag aayos sa line ng mga characters and deliver. Si dave at jackson hindi eh, alam mo naman na sila yung nag audition sa role na yun kaso hindi talaga."

"Asan ba ibang members natin?" napasapo lang ako ng ulo.

"Nakalimutan mo atang madaming nag backout dahil sa ginawa ni isabella. Si Scarlet dapat ang juliet natin at ang romeo ay si aaron ang kaso-"

"Oo na, ayuko na maalala. grr! bwiset talaga yung babaeng yun,so paano na?"

"No choice for another audition and dagdag pa ng ibang members. Kulang pa kaya tayo." tumnago lang ito sa'kin.

"Dali, ask mo nga si erin kung paano?" dali dali ko namang chinat si erin.

"Hindi, ganito nalang. Bukas gumawa ka ng poster para idikit sa labas ng club at sa announcement board."

"Okay, gagawin ko pag uwi ko. Sige na, cass mag a-alas dos na may klase pa ako." nagmadlai lang akong kunin ang iba kong project at gamit.

"Ingat."

—————————————

"Hey rysee!,pay attention first. Alam kong busy ka sa club nyo pero please need natin magpausapan ng maayos tong project natin."

Napatigil ako sa pag tatype at iinom ang ice coffee ko.
Kasalukuyang nasa starbucks kami ng kagrupo ko, uh busy ako sa isa kong club. Bale dalawa kase yung club na dapat mong salihan. Madami akong sinalihan huhu tatlo.

"Sorry, avy." ngumiti lang uli ito.

Naisip kase ng prof namin since hindi naman daw kami ganun ka busy gagawa na daw kami ng design plan palang para sa tulay. So ito kami nag uusap usap kung paanong design ang gagawin namin.

The day you said goodbyeWhere stories live. Discover now