Chapter 9: Jerk

7.4K 137 11
                                    

Chapter 9: Jerk

Nagising nalang ako kinaumagahan na hindi na gaanong nilalagnat at nasa tabi ko na ang mahimbing na natutulog na si Claudette. Sa tabi niya ay si Ate Klare tapos sa baba naman namin ay magkayakap si Ate Chanel at Erin. Hindi ko alam kung may idea na ang mga ito sa narinig kong usapan nina Azi at Joss kagabi. Ayaw ko rin muna sigurong malaman nila dahil dalawa lang naman ang pupwede nilang maisip. Either masyado akong nagfeeling o magalit sila kay Josiah. Sana yung una nalang, kesa magkaaway away sila dahil sakin.

Kumalas ako sa mahinhin na pagkakayakap sakin ni Claudette at nagshower na. Pagbukas ko ng pintuan papalabas sa dining room ay agad kong naamoy ang nilulutong bacon ni manang na siyang ginugulo nina Azi at Elijah. Wala sina Josiah, Damon at Rafael dito kaya napagtanto kong baka tulog pa sila. Mabuti na rin at nang maiwasan ko si Josiah nang hindi nila nahahalata.

"Good morning, Robyn." masiglang bati ni Elijah. "Si Klare?"

"Ah eh, natutulog pa. Lahat sila, tulog pa."

"Alright. Ba't napaaga ka yata ng gising?" tanong niya

"Ginugutom na kasi ako," ngiti ko

Nagsimula kaming kumain na tatlo. Ako, si Elijah at Azi. Nagkkwentuhan kami minsan ni Elijah patungkol sa mga bars, kainan, tourist spots at gimikan na napuntahan ko sa States. Nagtatawanan pa nga kami lalo na noong nakwento ko sa kanyang minsan ay may lalaking naghubad ng kanyang pantalon dahil sa sobrang kalasingan. Samantalang ang nasa tabi niyang si Azi ay walang karea-reaksyon.

"Morning, guys." bati ni Damon na kakalabas lang ng guest room. Magulo pa ang buhok niya at naka puting t-shirt at boxer shorts. "Ay Robyn. Sorry, hindi pa ako nakapag-bihis,"

"Nah, it's cool." sagot ko.

Unti-unti nang nag-ingay ang mga boys lalo nung dumagdag pa si Rafael. Pero nung lumabas si Josiah ay naramdaman kong may tensyon pa rin sa kanila ni Azi.

"Robyn," walang gana niyang usal saakin at hinawakan ang braso ko.

Matabang ko siyang sinuklian ng tingin at kumalas sa pagkakahawak niya sakin. Wala naman akong karapatang magalit. I just felt violated na bakit ba niya pinipilit ang sarili niya saakin? Dahil ba young blood? Dahil ba wala akong ideya sa kung sino at ano sila? At bakit kailangan iyon pakialaman ni Azrael?

"Rob. Don't be like this," patuloy niya sa pag-amo sakin. Naasiwa ako lalo na noong nakita ko ang bawat matang nakatitig sa ginagawa ni Josiah saakin. Kinilabutan pa ako nang ma-realize kong halos identical ang mga matang iyon.

"Wow, taray! Don't be like this?? Bakit, Joss? Kayo na ba?" pasigaw na usal ni Azi. Tumingin ako sa kanya at medyo kumalma siya. Seriously, ano bang problema nilang magpinsan saakin?

"Pag-usapan natin 'to, Robyn. Please," nagmamakaaawa pa rin saakin si Joss.

"Wala namang dapat pag-usapan," sagot ko

"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong nang kakagising lang na si Erin. Sinundan siya ng iba pang girls galing sa kwarto ni Ate Klare.

"W-wala," sagot ko saka diretsong pumunta sa sala para makanood ng TV.

Nagpatuloy ang lahat sa kani-kaniyang kain at ligo. Sina Ate Klare at Elijah ay umalis na para sa training yata ni Ate sa kanyang dance troupe. Sumunod na rin na umalis sina Erin at Ate Chanel na sinundo ni Kuya Bryan. Sina Damon at Rafael ay nagpaalam na ring maggym. Ang natira na lang ay ako at si Azi na nakaupo at seryosong naunuod ng Adventure Time dito sa sala. Si Josiah ay nasa mesa pa rin, malalim na nag-iisip. Si Claudette ay kakaligo lang at dumiretso sa arm chair malapit saakin para makinood.

"Cartoons pala 'tong palabas. Akala ko suspense dahil sa mga mukha niyo," hagikgik ni Claudette para basagin ang katahimikan. Wala namang nagreact sa sinabi niyang iyon pero pagkatapos ng ilang segundo ay narinig ko ang mga yabag ni Josiah na papalapit dito saamin.

"Robyn, let me explain."

"Ayos lang 'yun, Josiah. Hindi mo kailangan mag-explain,"

"Kasi Robyn, it's not what you think." tuluyan na akong natawa sa mga pinagsasasabi niya. Para kaming couple na magbbreak dahil nahuli ko siyang nambababae!

"Baliw. Ba't ka tumatawa? Kita mong nagsosorry sa'yo si Joss oh?" sarkastikong sabi saakin ng katabi kong si Azi.

"Eh hindi naman kami pero kung makapagsalita siya parang magbbreak kami," tawa ko pa

"Kuya Azi, tara na nga! Hayaan mo na sila dito," aya ni Claudette. Napansin kong medyo nagdalawang isip pa si Azi bago tumayo at sumunod kay Claudette palabas. Ngayon ay kami na lang ni Josiah.

Itinaas ko ang legs ko para yakapin ito kasama ang isang throw pillow. Yumuko ako at huminga ng malalim. Naramdaman kong tumabi saakin si Josiah.

"Robyn,"

Inangat ko ang ulo ko pero hindi ko pa rin siya tiningnan ng diretso, "Mmhm?"

"I like you. L-let me court you.. Papatunayan ko sa'yong k-kaya kong magbago,"

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon