Chapter 25: Ngiti

6.1K 83 8
                                    

Chapter 25: Ngiti

After almost 19 hours ay nag-land na ang eroplanong sinakyan ko mula JFK papuntang Cagayan.

Pagdating sa Cagayan de Oro airport ay agad akong sinalubong ng mga pinsan kong si Cassey at Juliana na parehong walang kaayos-ayos.

Siguro ay galing pa sila ng ospital para makibalita kay Ama.

Yumakap sila sakin. "How was your flight?" Cas asked.

"It's okay, my ass hurts." ngumisi ako at muli silang niyakap. Nang magbitiw kami ay tinanong ko sila kung kumusta ba si Ama.

"She's.. she's far from okay, Tin. She came out of the operating room, 6 hours after and just before we left, Tito Kier was talking to the doctor at ang sabi ay hindi siya stable," paliwanag ni Juls. Nakita kong nagpunas ng luha si Cass sa aking peripheral view kaya niyakap ko silang muli.

"She's gonna be fine," ngiti ko. "Gagaling iyon kasi kailangan niya pa tayong pagalitan for wearing short shorts," tiningnan ko isa isa ang mga suot na short nila at tama nga ako, Ama shall live to slap our legs for wearing tiny shorts like these.

Ngumisi silang pareho at tinulungan na ako sa mga bitbit ko. While waiting for my flight at JFK, I picked up some of my cousin's favorite snacks at naparami ang bili ko kaya nagbayad pa ako ng extra luggage weight.

"How's the empire going?" napatigil si Cas at nag-isip. "Ay I mean, how's YOUR empire going?" humalakhak siya ng kaunti at tiningnan ako.

"It's still my parents' empire, ano ka ba!" hampas ko sa braso niyang parang gatas sa puti. Ito yatang mga ito ay hindi naglalalabas sa mga bahay nila. Tumikhim ako, "But yeah, the company's doing great,"

"Isn't it lonely sa NYC? I mean, your parents are in LA, right? And Tita Rafa is here," tanong ni Cas habang nilo-load ang iilang paper bags sa trunk ng kanyang itim Chevrolet SS.

"Hindi naman. My friends from UCLA lives in NYC na rin at palagi rin namang bumibisita si mom o si dad." I shrugged. "Ito yung bago?" I asked. Noong huli ko kasing Facetime sa kanya ay nakwento niyang kotse ang ni-request niyang grad gift.

"Yup, it got in yesterday lang," she smiled. Sobrang high tech nito dahil lumapit lang si Cas sa trunk ay agad itong nag-unlock. Ganon din ang ginawa niya sa driver's seat bago tuluyang pumasok.

I settled down at the back while Juls is seated at the passender's seat. Nagtetext siya at iniaangat lamang ang tingin kapag nasisilawan siya ng ilaw galing sa headlights ng sasakyan sa labas.

Tumikhim ako, "Juls, you have a boyfriend na?"

Ngumisi siya at tumango, "Yeah."

"Kaya lang hindi Chinese," sabi ni Cas noong papaliko na kami sa may Limketkai.

Memories.

Napabuntong hininga ako at pilit na ibibalik ang huwisyo ko sa mga kwento ni Julianna tungkol sa boyfriend niya. Hindi alam ng mga magulang nila iyon, lalo ni Ama dahil hindi nga Chinese iyong lalaki. Marco Vasquez yata ang pangalan.

"Where did you two meet?" I asked.

"Cousin siya nina Vera sa side ni Tito Max tapos noong birthday ni Jas last year kami nagkakilala," Juls explained.

Vera is 14 years old, my eldest half sister from my real mom & her husband. Si Jasmine naman ay ang bunso nila na ngayon ay 7 years old na sa pagkakaalala ko. Hindi Chinese si Tito Max pero pumayag naman si Ama na ipakasal sila dahil mayaman ito, isa sila sa may-ari ng pinyahan sa Surigao.

Wow, what an alike pattern we have there, Juls.

"Wag mong sabihin na pati si Vera ay may boyfriend na ha," tawa ko.

"Nako, she's guarded. 14 palang iyon. Ako naman ay 23 na," halakhak ni Juls.

"How about you, Cas?" I asked. Nakita kong papasok na kami sa isang ospital dito sa Cagayan. Nagbayad si Cas ng parking bago sumagot.

"Manliligaw palang," sinabi niya at agad na tumingin sa side mirror.

"Oh? Sino?"

"Nako, hindi ba't may pinsan kang Montefalco, Tin?" Juls asked.

"Ty iyon. Si Klare. Oh bakit?" napakunot ako ng noo.

"Eh kasi si Rafael Montefalco ang bumabakod diyan kay Cas!" pagpapatuloy ni Juls.

"Talaga?" I gasped. Small, small world nga naman. "Notorious play boy ang mga iyon. Be careful, Cassandra."

"Walang pag-asa, atsi. I asked my mom about him, ayaw niya. Maski daw Chinese iyong si Rafael ay aayawan niya dahil mukha ngang bad boy," sabi ni Cas.

Nilingon ako ni Juls. "How about you, Tin?"

"Wala eh," simple kong sagot.

Nakarating na kami sa hospital room ni Ama at naabutang inililipat siya sa stretcher para muling operahan. Nang madaan siya sa harap ko na nakahiga sa stretcher ay parang nakita kong kumurba ng kaunti ang bibig niya na nakatakip ng breathing apparatus. Napagtanto kong ngumiti si Ama saakin.

Nagkita na kami nila mommy at daddy dahil 13 hours lang ang byahe nila mula LA. Sila na rin ang nagbalita saamin na nagkaroon ng slight seizure si Ama kani-kanina lang kaya ngayon ay irrush siya sa operating room para sa isa na namang open heart surgery.

She's already 73 years old and I can't help but think na baka hindi niya kayanin ang series of operation na ginagawa sa kanya ngayon. Not being a pessimist but I have to consider realities such as this.

Nilingon ko si dad na nakaupo at kausap si Tita Rafaela sa kanyang kanan at si mommy na tahimik na nag-iisip sa kanyang kaliwa. Hawak niya ang kamay ni mommy at mahinhin na inaalo si Tita Rafaela na walang tigil ang pag-iyak mula noong dumating siya just minutes after we arrived.

Pumunta ako sa kanila at niyakap si Tita Rafaela. Ngumiti siya sakin, "Oh andito ka na pala." humikbi siya at nagpunas ng luha. "How was your flight?"

"It was fine po. Do you want me to buy you water?" alok ko.

"Hindi na, anak." sagot niya.

Ngumiti ako at inalo siya sa likod. Paglingon ko sa aking kanan ay nakita kong nagmamadaling lumalakad ang doctor ni Ama papunta saamin.

"Felicia Cojuanco?" tanong nito.

Agad namang tumango ang mga tito at tita ko na nasa paligid lang namin.

"I'm sorry but we did everything to save her. She's now with our Creator. May she rest in peace," usal nito at nagpunas ng kanyang noo. Nag sign of the cross siya at muli niyang pinagmasdan ang buong Cojuanco dynasty na ngayon ay lugmok sa pagkawala ng nag-iisa nilang sandigan ng maraming taon.

Natulala ako sa pagkabigla at nagising nalang uli sa katotohanan nang marinig ko ang sabay-sabay na pagdaing ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko namalayan ay pati ang mga mata ko ay basa na rin sa pag-iyak.

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Where stories live. Discover now