Chapter 17: Who's Winning?

6.2K 118 0
                                    

Chapter 17: Who's Winning?

"Aren't you done eating? Napaka-bagal mo naman, Rafael!" iritang sigaw ni Josiah sa katabing si Raf na tatawa-tawa lang.

"Kalma dude," sagot ni Azi na nasa tabi ko at nagsstretching nalang. "Maririnig naman natin if ever the show's starting,"

Naghihintay na kami ng 7PM para dumiretso na sa may stage ng park para sa awarding ng on the spot painting contest na ginawa kanina. Kumain muna kami ng dinner sa isang restaurant malapit sa park at ngayon ay si Rafael na lang ang hinihintay dahil ang dami niyang inorder na pagkain. Nagutom yata siya kakahintay.

"Competetive ka talaga, ano. Hindi naman ikaw ang sumali pero gustung gusto mo nang mauna," tawa ni Ate Chanel.

"Ano ka, ate. Participant yan! Sa laban nila ni Azi," sagot ni Erin sa tabi niya.

"Ay, oo. Kanino ka ba boto?" tawa muli ni Ate Chanel.

"Kay..." tumikhim siya at nakita ko si Azi pati na rin si Josiah na tinitingnan siya ng masama. "Kuya Joss, syempre."

"What?!?!" utas ni Azi.

"I'm his brother! Hanap ka nang kapatid mo," tawa ni Joss.

"If if weren't for my brother, Knoxx, you won't even be here," irap ni Azi at tumayo na. Hinatak niya ang kamay ko palabas ng restaurant.

"U-uy,"

"Tara, Rob! Let's go get that gold medal," kindat niya.

"Wag kang madaya, hoy!" pagpprotesta ni Joss.

"You'll get an alone time, too. But for now, akin muna si Robyn," sagot ni Azi sa nagngingitngit na si Josiah.

"Tigilan niyo nga akong dalawa, ha!" bitiw ko sa kamay ni Azi na nakahawak sa braso ko kanina pa.

"Wag niyo naman kasing ipamukha don sa tao na para siyang game," iling ni Claudette.

Inirapan lang siya ni Azi at patuloy na nakipagtalo sa isa ring napakakulit na si Josiah. Hinayaan ko nalang sila at tumungo na ako sa harap ng stage kasama si Ate Klare at si Elijah.

"Who's winning?" malamang ngiti sakin ni Klare.

Kumunot ang noo ko sa tanong niyang iyon, "Ha? Kararating ko lang din naman, hindi pa yata nai-aannounce,"

"Pero sa tingin mo, sino kaya?" pumungay ang kanyang singkit na mga mata sa tanong niyang iyon. Napagtanto kong hindi pala ang painting contest ang tinutukoy niya.

"Umpisa palang, alam ko naman na kung sino," ngiti ko sa kanya pabalik.

"Oh bakit mo pa pinapahirapan ang --" naputol ang sinabi niyang iyon ng i-announce ang grand champion sa painting contest.

"Cristina Robyn Cojuanco!"

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon