Chapter 16: Competition

7K 123 24
                                    

Chapter 16: Competition

"On the spot painting contest, oh, Rob!" tulak ni Erin sakin. Andito na kami sa Museo Dabawenyo at napakaraming tao ang nasa paligid. Sinarado ang iilang mga daan para sa celebration ng Davao Day ngayon at bukas.

"Sali ka!" masiglang sabi ni Claudette. Agad agad niyang kinuha ang ballpen na nasa counter at isinulat ang buong pangalan ko.

"Uy, Clau! Baka hindi ako pwede dyan kasi hindi naman ako taga-dito!" pagpipigil ko.

"Naitanong ko na. On the spot painting contest naman kaya hindi pahirapan yung mga requirements!" binigyan siya ng stub ng receptionist at inabot niya naman yun sakin, "Ayan! Contestant number 19 ka! Mamayang 2PM yung start, hanggang 6PM. Judging ng 7 sa People's Park. Okay?"

"Yes, manager."

"Good! Yung theme nga pala ay Phobias," taas noo niyang sabi. Saka ako hinila-hila pabalik sa mga pinsan niyang kumakain ng hotdogs sa tabi.

"Phobias?! Hindi naman halloween ngayon?!" napatigil ako.

Hinila niya uli ako, "Joke lang. Summer talaga ang topic!"

"Ano ba, Claudette?!"

Ngumisi lang siya sakin.

"Hala siya?! Ano nga?"

"A-ano.. About sa.. sa.."

"Saan?"

"Family," napayuko siya sa sinabi niyang iyon.

"Sus, wala yan. Okay lang yan! Kaya ko yan,"

"Talaga ha?"

"Unless pwede mag-back out?"

"Hindi pwede! Kailangan mong manalo!"

"Yes, manager."

Tumawa kami at naabutang nakatingin samin ang magpipinsan. Kunot na kunot na naman ang noo ni Azi.

"What's up?" ngisi ni Josiah.

"You want?" pag-aya sakin ni Azi sa pagkain ng hotdog.

Naibuga ni Rafael yung iniinom niyang soda sa likod ni Azi sa sobrang tawa.

"Problema mo, Raf?!" inabutan ni Erin si Azi ng tissue. "Kawawa naman si Azi!"

Humagalpak ng tawa si Rafael, "Rob? Gusto mo raw ba ng hotdog ni Azi?"

"Gago!" sigaw ni Josiah.

"Wow affected!" tawa muli ni Raf.

"Sira ulo," irap ko na lang saka tinulungan si Azi na linisin ang likuran ng t-shirt niyang nabasa.

"Sorry, dude!" hindi pa rin mapakaling sabi ni Raf.

"High ka ba?!" tanong ni Elijah.

"Natawa lang ako! Tabi kasi silang natulog kagabi!"

"What the fuck?" gulat na sabi ni Erin.

"Anong ibig sabihin non, Azrael?" sigaw ni Ate Klare.

"Calm down, mofos. Rob took our keys with her last night noong nagmadali siya pabalik ng room dahil pinikon yata nito ni Erin," huminga siya ng malalim. "Turned out, yung keys na iyon ay sa room namin kaya doon siya inabutan ng antok at nakatulog sa kama ko,"

"How is that even possible? Hindi mo alam ang room number niyo, Rob?" tanong ni Elijah

"I wasn't sure of it kaya sinunod ko kung ano iyong nakalagay sa susi na hawak ko," I explained.

"Pero teka! Tinabihan mo naman siya, Azi?!" galit na utas ni Klare.

"I was so sleepy, hindi ko nga rin napansin na may tao na sa kama ko." tumingin siya sakin. "Kumain ka kasi ng marami, napakapayat mo!"

"Nanisi ka pa! Ginusto mo rin e," Joss muttered.

"Nothing happened, Josiah. Wag kang mag-alala. Fair fight, hindi ba?" ngisi ni Azi.

By 2PM, agad akong inabutan ng acrylic paint at paint brushes para makapag-simula na. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba, kaya hindi ako makapag-simula kaagad. Huminga muna ako ng malalim at inabot ang pencil na nasa gilid ng stool ko.

Inisip kong mabuti na tungkol dapat sa masayang pamilya ang maging result ng gawa kong ito. Hindi pwedeng maging negative ang dating dahil lang sa personal experiences ko. Ayokong idamay ang mga magulang ko at ang mga pagkakamali nila sa pagpapalaki saakin sa competition na ito.

Sinilip ko yung mga katabi ko at mukhang easy lang sa kanya itong pinagagawa. I checked my watch, I only have 2 and a half hours left at draft palang ang nagagawa ko. Nakita ko si Josiah na kumukuha ng lpictures gamit ang DSLR niya at kumindat siya sakin. Ngumiti ako at sumenyas siyang lalabas muna siya.

Mamaya-maya pa'y nawawalan na ako ng pag-asa dahil hindi ako makapag decide kung anong kulay ba ang babagay. Napaupo nalang ako sa sobrang pag-iisip at nakitang nasa harapan ng crowd si Azi. Kumaway siya sakin at sinabing kaya ko raw iyon. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na uling magpinta.

Natapos ko ang acrylic on canvass painting on time, thank God. Ipinasa ito ng saktong 6PM at papatuyuin ng isang oras. Magkikita-kita ang mga contestanta muli sa People's Park sa di kalayuan para sa awarding.

"I bought you food!" bungad sakin ni Josiah na halos maningkit ang malaking mata sa sobrang ligalig.

"Thanks, Joss! Ano 'to?" kuha ni Azi sa tale out food na nasa plastik pa.

"Not for you, dude!" saway ni Josiah, kaya lang huli na dahil nalantakan na ni Azi ang sandwich na dapat ay para sakin. Ngumiti saamin si Azi nang punung-puno pa ang bibig.

Umirap ako, "Thanks, Azi."

"Oh, by the way, I bought you food!" masiglang sabi ni Azi, saka lumapit si Claudette saakin na hawak hawak ang isang brown bag.

"Wow, may alalay pa," inis na sabi ni Joss.

Humagalpak na naman ng tawa si Rafael sa tabi, "Para kayong highschool!"

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Where stories live. Discover now