Chapter 5: Josiah

9.3K 154 15
                                    

Chapter 5: Josiah

Nagising ako sa ingay na mula sa baba. May mga bisita kami? Sino naman kaya? Humilig ako sa pinto para makinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko naman maintindihan. Tinamaan ako bigla ng kaba dahil baka ang mga kamag anak namin sa mga Ty ang bisita na 'yon.

Sinubukan kong sumilip ng kaunti galing sa kwarto ko at nakita ko si Erin na nakaupo sa may hagdanan namin. Nakapangalumbaba siya at nakakunot ang noo sa mga sinasabi. Bumuntong hininga ako. Akala ko kung sino na!

Nagtoothbrush at hilamos lang ako saka ako bumaba. Inaantok pa ako kaya wala pa akong balak maligo. Baka aalis naman na kasi ang mga 'to maya-maya at makakabalik na ako sa pagtulog. Nagpalit naman ako ng puting tshirt pero naka grey harem pants pa rin ako na pantulog.

Ngumiti si Josiah nang makita akong pababa, "Damn this girl," rinig kong sabi niya.

"What, Josiah?" pagtataka ko.

"Nagagandahan sayo, Rob," ngisi ni Clau sa gilid ko.

"Josiah ha!" saway ni Ate Klare. Natawa ako sa pagiging protective niya. Mukhang bukod sa mga mata at kilay ni Hendrix at Pierre, isa pa iyon sa mga nakuha niya sa kanila.

"Bakit, Klare? Something wrong about being stunned with Robyn?" tanong ni Joss.

"Sana hanggang stunned lang iyan," warning ulit ni Ate Klare. Alam kong seryoso siya kahit nakangiti. Oras na dumating ang mga kapatid niya panigurado magsasabi siya sa mga 'yon tungkol dito.

"Anyway, ano na ba talagang car assignments natin?" bumaling ako ng tingin kay Erin na mukhang bored talaga sa kakahintay.

"Car assignments? Saan kayo papunta?" inosente kong tanong.

"More like, saan TAYO pupunta," pa-irap na sagot ni Azi sakin. Nanunuod siya sa living room ng cartoons. Old hag na, cartoons pa rin?

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paghihintay ng sagot habang kumukuha ng cereals at gatas sa fridge.

"Kasama ka, Rob. We're still deciding where to go kaya hindi pa kita nagising. Road trip lang," simpleng sagot ni Ate Klare

"Ah oh, sige. Tulong na rin ako sa kanina pa iniisip ni Erin na car assigments,"

"Mabuti pa nga! Kasi parang ako lang ang nag-iisip. Time's ticking, guys!" ani Erin. Tumabi siya sakin habang kumakain ako ng breakfast.

"Wala si Ate Chanel, so wala rin si Kuya Bryan. Wala rin si Damon kasi may sakit iyong si Xian tapos papunta na sila Hannah, Liza at Julia," panimula niya. Tumango lang ako at hinintay siyang magpatuloy. Nag-isip siya sandali, "So, 11 tayong lahat tapos meron lang tayong dalawang sasakyan na pwede,"

"Trailblazer saka?" tanong ko.

"Trailblazer ni Elijah saka yung BRZ ni Joss,"

"Andyan iyong Ford Everest, pwede naman 'yon pero kailangan driver namin. Itatawag ko na lang," ani Ate Klare na nakaupo na sa harap namin ngayon.

"So, we have 3. Car assignments na lang," kumunot ang noo ni Erin.

"Sa'kin si Klare," malamig na sagot ni Elijah na nakaupo sa tabi ni Azi.

Tumikhim muna si Erin at parang pinigilan niyang mairita, "O-okay. Ang kay Elijah ay si Klare, Azi at Robyn? Okay sayo?"

Umiling ako, "No way in hell."

"Alright, Clau ikaw ang kila Elijah."

"Copy!" ngisi ni Clau.

"Josiah? Sinong sayo?"

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Where stories live. Discover now