Chapter 27: At Long Last

6.1K 99 2
                                    

Chapter 27: At Long Last

Dumating ang Linggo ng umaga at nagkaroon ng huling misa para kay Ama bago siya dalhin sa crematorium, sa taas lang nitong matayog na building ng memorial chapel.

Marami pa ring mga tao, mga kakilala o kaibigan ng pamilya na galing pa ng Surigao. Ang ashes na lang kasi ni Ama ang dadalhin doon.

Ang sabi kasi ni daddy ay masyado nang napagod si Ama sa naging mga operasyon bago pa siya binawian ng buhay, at sana ay bigyan na siya ng katahimikan kaya hindi na ibbyahe pa ang kanyang katawan papuntang Surigao.

Nasa pinakaunahang pew kaming magpipinsan dito sa chapel habang ang mga magulang namin ay nasa katapat nito. Bukas ang mga bintana at mataas ang sikat ng araw pero katamtaman lang ang init.

Maya-maya pa ay sumenyas na ang pari na simulan na ang last viewing bago isara ang casket. Luminga linga ako sa mga bisita sa likod at nakita ko ang mga nagtatayugan at nagkikisigang mga Ty - si Hendrix at si Pierre kasama ang mommy nila at si Tito Ricardo. Hindi nila ako nakita dahil sa dami rin ng nasa unahan nila.

Nang silipin ko si Ama na nakahimlay ay hindi ko napigilang umiyak. Alam kong hindi kami naging ganoon ka-close pero kahit anong mangyari ay lola ko pa rin siya, at ginawan niya ng paraan na maisalba ako sa kahihiyan kaya niya ako ipinaubaya kay mommy at daddy. Kahit na mali iyon at hindi dapat, naiintindihan ko kung bakit niya ginawa. Para rin naman sa kapakanan ko.

Pinaupo ang lahat matapos isara ang casket ni Ama at tinawag ng isang reader kaninang mass ang daddy ko at mga kapatid niya para sa huling mensahe.

Nang nasa pulpito na sila ay yumuko ako at naglakad palabas para hanapin si Hendrix at Pierre. Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Hendrix sa gilid at pinaupo sa tabi nila.

Ngumiti siya sakin at naramdaman kong tinapik niya ang balikat ko. Maging si Pierre ay ganon rin.

Tumikhim si daddy at nagsimulang magsalita sa mic, "As the eldest of the Cojuanco siblings, I was, I think, the most loved kid," nagtawanan ang lahat. "Dahil panganay eh, I get my own way, kaya kong pasunurin ang mga kapatid ko. Pero my mama put my feet on the ground by reminding me that she's always gonna be here to boss me around. Pero ma, wala ka na eh. Ikaw kasi. Kaya ako na ang boss nilang talaga," ngumiti siya. Maya maya pa'y nagulat ako nang naglabas siya ng panyo at nagpunas ng mga luha.

Nagpatuloy siya sa pagkukwento tungkol sa childhood nilang magkakapatid. Minsan pa nga ay isa sa kanila ang nagsasalita para mag-agree o disagree kay daddy.

Nang nagseryoso na ay patuloy siyang nagpasalamat kay Ama. "As you all know by now, I was not able to produce and give my wife a child. But my mama did. She gave us our very beautiful daughter, Cristina Robyn, 24 years ago, noong nagpasaway itong si Rafaela. And ma, hindi ko man po nasabi sa inyo iyon bago kayo lumipas.. but I am really thankful for what you have done for me, especially to my family. I love you and you will remain forever in our hearts," he ended his message, at pagkatapos non ay iniabot niya kay Tita Milan ang microphone. Nagpasalamat naman si Tita sa mga bumisita at bumyahe pa ng halos apat na oras para makiramay.

Lahat sila ay bumaba ng stage na namumula at namumugto ang mga mata. Maging ako ay sumisinghap na lang sa sobrang lungkot.

"Crybaby pa rin si Tin-tin namin," pang-aasar ni Pierre. Inabutan niya ako ng tissue. Nang subukan ko itong kunin ay inilayo niya at siya na ang nagpunas ng mga luha ko.

"Hindi pa rin pwede mag-boyfriend," dugtong ni Hendrix.

"What? I'm almost 25 na! Anong gagawin niyo sakin? Pagmamadre?" bulong ko.

"Maybe," Pierre winked. Hinampas ko siya sa braso.

"Oh by the way, Tin. We haven't kicked Josiah's ass yet, but we heard he's sorry," Hendrix said.

Umirap lang ako, "Hayaan ninyo siya. Oh by the way, where's Klare?"

"She's a bit busy with the wedding," sabi ni Pierre.

"Wedding?!?!!" I gasped. Mabuti ay mahina lang ang boses namin.

Dinadala na si Ama sa crematorium. Hindi rin naman kami pupwedeng pumasok doon kaya dito lang maghihintay lahat, kahit ang immediate family.

"She's engaged to Elijah, don't you know?" Hendrix muttered.

"She.. she's not talking to me yet," sabi ko.

Sinaway kami ng mommy nila kaya napilitan kaming putulin ang catching up namin.

Matapos ang isang oras ay nagpaalam na ang mommy at daddy nila na mauuna na, sila namang dalawa ay nagpaiwan. Anila'y magpapasundo na lang sila sa driver mamaya.

Lumabas kami para makapag-usap ulit tungkol sa mga nangyari.

"Wait so for four years, hindi ka kinausap ni Klare?" tanong ni Pierre.

"No, hindi ko rin naman kayo kinausap hindi ba?"

"But we tried to contact you. Alam naming tatlo ang office mo sa New York," Hendrix exclaimed.

"I didn't want to be reached, ahia. Ayokong malaman ang kahit ano tungkol sa Cagayan,"

"I guess Josiah did hurt you that much," kumunot ang noo ni Pierre. "I'll kick his sorry ass,"

Napailinh na lang ako.

After almost 5 hours ay tinawag na ang pamilya para sa paglilipat ng ashes at pagsseal ng lalagyanan nito. Ang pinili nila ay iyong white na porcelain na may brass detailing sa gilid.

Naghanda na ang lahat para sa byahe patungong Surigao. Ako, si Cas at si Juls ay sa Ecosport na imamaneho ng driver namin.

Hinintay pa talagang matapos ni Hendrix at Pierre ang cremation bago sila nagpasundo sa driver nila. Kaya hinintay rin namin na makaalis sila bago kami tumungo ng Surigao pero nauna nang bumiyahe ang iba pa naming kasama.

Dumating ang isang gold na Fortuner at agad akong kinabahan.

Bakit siya andito? Sa kanya ba ito?

Nang bumukas ang pintuan ay bumaba ang isang napakagandang Klare Desteen Ty mula dito. Sinundan siya ni Elijah na nanggaling sa driver's seat.

Tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit. Pagkabitaw niya ay hindi ako agad nakapagsalita dahil pinuno niya ng halik ang pisngi at buong mukha ko.

Tumawa si Elijah sa likod, "Baka magselos ako niyan Klare,"

Tumalikod siya para sapakin si Elijah ngunit napigilan ko ito nang sumigaw ako, "Klare!"

"I missed you baby bunso!" she exclaimed.

"I missed you too!" sagot ko at muli naman kaming nagyakap.

"Ang ganda ganda mo!!!" she squeeked.

"Eh Ty na, Cojuanco pa," sagot ko naman.

Nakita ko na lang na umiiling ang mga lalaki sa gilid namin.

Matapos naming maging touchy at sappy ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat para tumulak na kami papuntang Surigao. Kung ma-late pa kami ay baka mapagalitan kaming tatlo. Iyong dalawa ko namang pinsan ay sumaglit lang ng hello at hi pagdating nina Klare at pumasok agad ng sasakyan. I think Elijah recognized Cas dahil kay Rafael. Kaya nagtago silang muli sa sasakyan. May hiya rin pala.

"We have a lot of catching up to do. Make sure you're gonna stay here for good," sabi ni Pierre bago tuluyang isinara ang pintuan ng sasakyan namin.

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Where stories live. Discover now