Chapter 42: 2 Years and 6 Months

7.6K 98 5
                                    

Thank you for journeying with me until this part. This is the last chapter before the epilogue & the alternate ending.

PS: Hindi po talaga ako si jonaxx pero maraming salamat sa suporta! :)

--

Chapter 42: 2 Years and 6 Months

(Third Person's POV)

"Skype? Gago ka ba? Iistorbohin mo pa sila doon eh honeymoon part 2 nga!" inis na utas ni Josiah kay Azi. Binato pa niya ang kadarating lang na pinsan ng throw pillow na nasa gilid niya kanina.

Ibinato sa kanya ni Azi ang throw pillow, "Sa bagay. Pero I miss them!"

"Sobrang bakla mo na, dude," tawa ni Josiah. "Babalik din naman na sila next week, with my brand new Jordan 11!"

"Asa ka pa, si Elijah pa eh kay Klare lang naman hindi kuripot yung taong yun. Gas nga lang nung papunta tayong airport para ihatid sila, ako pa pinagbayad," halakhak ni Damon. Buhat buhat niya sa kanyang balikat ang tulog na tulog niyang bunso na si Zia. Pagkatapos ng apat taon ay nasundan na rin si Xian. "By the way, we're gonna go. Tulog na itong prinsesa ko at baka magwala pa kapag nagising sa ingay ni Azrael," nagpaalam siya sa iba pang pinsan at sumunod na sa asawang si Eba papunta sa kanilang kotse.

Nang makaalis si Damon at ang kanyang pamilya ay nagsimula na ring mag-inuman at maglaro ng Xbox ang magpipinsang Montefalco. Present ang magkakapatid na si Chanel kasama si Brian, Josiah at Erin na kasama si Hendrix, si Azi at Claudette, si Rafael at si Josiah. Konti na lang silag ppwede sa mga ganitong pagtitipon dahil pare-pareho na silang busy sa mga trabaho o kaya sa pamilya. Noong nakaraang taon ay nagpropose na si Brian kay Chanel kaya by the end of May o June ay ikakasal na rin ang dalawa.

"Oy mga hinayupak, Elijah's calling me on Facetime!" bulalas ni Azi. Agad agad naman silang nagtipon sa couch kung saan nakaupo si Azi.

Nang sinagot ang tawag ay hindi mukha ni Elijah o ni Klare ang bumungad sa kanya.. o sa kanilang magpipinsan.

"Si Robyn!" Claudette squeaked. "Ang igsi na ng hair niya!"

Hindi ito nakatingin sa camera kaya malamang ay hindi niya alam na siya ang may hawak ng cellphone.

Tumatawa ito at parang hinahampas ang braso ni Elijah, ilang ulit din nitong binanggit si Klare na hindi naman kita sa screen.

Tumayo si Azi mula sa couch na kinauupuan at ipinasa kay Chanel na iyang pinakamalapit sa kanya iyong cellphone.

Bakit pagkatapos ng dalawang taon at anim na buwan ay ganon pa rin ang epekto sa kanya ni Robyn?

He's never had any other girl pagkatapos siyang iwan nito para bumalik sa States. Naghintay siya kahit a hindi man lang siya kinausap ni Robyn sa nakalipas na mga taon na iyon. Bilang na bilang nila maging hanggang sa araw na wala ito sa tabi niya dahil iyon din ang mga panahon na hindi siya nito kinausap. Napakaraming means of communication pero bakit parang sa Jupiter siya pumunta, eh sa kabila lang naman ng mundo? Ganon ba kahirap ang i-add at i-chat siya sa Facebook man lang?

Hindi naman sa hindi siya sumubok na kausapin si Robyn. Sinubukan niya pa ngang kumbinsihin ang mga magulang niyang pasamahin siya ka Elijah a year ago papuntang New York para doon ay mas malapit na siya kay Robyn at doon naang siya lilipad papuntang LA. Pero tumutol ang mga ito dahil baka magkaroon na naman ng cause ng away ang mga Ty at Montefalco. Nakakailan na sila sa mga Chinese na iyon.

Una ay si Klare pagkatapos ay si Erin noong nakaraan dahil kay Hendrix. Pati si Claudette at Pierre ay parang hindi rin magpapapigil. Bakit parang ang mga Ty at Montefalco ay magkaugnay na talaga kahit anong mangyari?

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon