Everything happened so fast. Until now hindi siya makapaniwal that their marriage crashed just like that. Masakit pa rin isipin na hanggang dito na lamang ang relasyon nila. At hindi niya pa rin matanggap that he cheated on her. Tapos sila pa ni Cj ang babaliktarin nito.

Nasaktan rin siya sa isipin na sinampal siya ni Zey dahil sa pag-aakalang may relasyon sila ni Cj. After that day ay hindi na sila nagkita ng lalake. Ganun  rin kay Zey. But she texted her and explained her side that she wasn't able to express noong araw na sumugod ito sa condo. She did not respond to her message. But what important is she cleared her name from the issue. Kahit na masakit para sa kanya na pinagdudahan siya nito.

Hindi niya alam kung saan nasagap ng best friend niya ang balita na iyon. It could be from Migiel or Meryll. Either or wala na siyang pakialam pa. Kahit na gustong-gusto niyang sugurin at sampalin si Meryll bago umuwi. But she made a decission to just walked away. It will not change anything anyway. Dahil nagdesisyon na rin naman siya na uuwi na ng Pilipinas for good. Magsisimula siya ng bagong buhay dito. Malayo kay Migiel.

She took a deep sigh and she carried her luggage going to the exit. Nakita niya si Megs na kumakaway sa kanya sa hindi kalayuan. Nagpasundo siya rito. Tinawagan niya ito sa facetime bago siya pumunta sa airport. Ipinaliwanag niya ang lahat nang nangyari rito. Nagtampo ito na hindi niya kaagad ipinaalam dito ang mga peoblema niya. But at the end ay open arms pa rin naman siya nitong winelcome.

" I miss you, gurl. I know you need this." sabi nito nang makalapit siya. Then she hugged her tight. Yumakap rin siya nang mahigpit dito. She said she will not cry anymore. Pero nang magyakap silang dalawa ay sunud-sunod na naman na tumulo ang mga luha niya. It feels so good to finally have her bestfriend on her side. Ganito ang gusto niyang gawin nang makita niya si Zey. Pero sa halip na mahigpit na yakap ay sampal ang isinalubong ng kaibigan niya sa kanya.

" It'll be over. Pakatatag ka, gurl. Kaya mo 'yan." sabi nito nang maghiwalay sila. Basa na rin ng luha ang mga mata nito.

" I'm sorry. I couldn't hold my tears."

Kumuha ito ng napkin sa bag nito saka iniabot sa kanya.

" Okay lang 'yan. Iiyak mo na lahat. Lilipas rin 'yan." 

Nang mapunasan niya ang mga mata niya ay naglakad na sila papunta sa kotse nito.

" Where's Kuya Jei?"

" Nasa bahay. May sakit si JM. Kaya ako lang sumundo sa'yo. We'll go to my resto first. Para makakain ka. Alam ba ni Tita na uuwi ka ngayon?"

" Yup. Pero hindi niya ako masundo kasi lately hinahapo siya. Dahil yata sa sobrang init ng panahon."

" Did you tell her about what happened?"

Umiling siya. Ang sinabi niya lang ay magbabakasyon siya. Ayaw niyang biglain ang Mama niya. Saka na lamang niya sasabihin dito ang totoong dahilan ng paguwi niya kapag na-finalized na ang divorce nila.

" Saka ko na sasabihin kay Mama. Ayokong mabigla siya. Wala silang alam ni kuya."

" Uhm, about your brother. May nabanggit ba sayo si Tita?"

" Nabanggit niya sa akin last time na na-scam daw si kuya."

Sandaling tumahimik si Megs. Bigla siyang kinutuban.

" Bakit? May probelama pa bang iba bukod do'n?"

Hindi muna ito sunagot at sa halip ay nag-parked muna dahil nakarating na sila sa restaurant nito.

" Actually, ayoko sanang sabihin 'to sa'yo ngayon dahil may problema ka rin. But I think you need to know." sandali itong huminto.

" Nasa rehab si Kuya Mark. He's been using drugs for like a year now. Nalulong rin siya sa casino. At hindi totoong na-scam siya. He used all the money to gamble. Hindi 'to alam ni Tita. Last week lang niya nalaman nung pinasok na siya ni Jeihard sa rehab."

Life After MarriageWhere stories live. Discover now