PROLOGUE

353 14 3
                                        

Masalimuot ang hangin sa sementeryo kung saan naglalakad ang isang binata. 

Hindi niya alintana ang dugo na dumadaloy sa ulo at sakit sa kanyang katawan. 

Hindi niya pinansin ang mga uwak na umaligid na wari mo ay nakatitig na sa kanya at naghihintay sa kanyang sunod na gagawin. Nag liparan lang ang mga ito noong tumulo na ang ulan na kanina pa nagbabadya.

Tumingin siya sa langit at mahinang napangiti, mukhang kahit ang ulan ay kalaban niya ngayon.

Malalim siyang huminga at naglakad sa isang lapida na may bubong, pinoprotektahan ang mga namatay na. Natatawa siya sa sarili nang maramdaman ang inggit sa mga nahimlay.

Noong mapansin na nakasirado ito gamit ng isang lumang padlock, marahas niya itong sinipa upang masira ang pinto. Wala na siyang pakialam kung mabuhay nga ang mga patay dito o dumating ang mga tao na may pumipintig pa na puso.

Taimtim siyang naglalakad hanggang sa mapansin niya ang isang manika na wari mo'y hinuhusgahan siya. Malaki ang mata nitong nakatingin sa kanya at pula ang mga labing laging nakangiti.

Ngumisi siya sa manika at mariing hinalikan ang noo nito. Palihim siyang napangiti nung mapansin na para bang nagbago ang itsura ng manika.

Na para bang nandidiri ito.

"Puta. Mamamatay na nga yata ako. Susunugin kita mamaya lagot ka sa'kin." Takot niya sa manika. 

Tinawanan niya ang sarili dahil para na siyang nababaliw.

At baliw ang tinawag niya sa sarili, gaya ng tawag ng iba.





Arcanum: Polymaths of TimeGeschichten, die süchtig machen. Entdecke jetzt