Chapter 1 (Library)

308 10 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:

(Avoid plagiarism, masama po yan.
This story is based on the imagination of the author. Pagpasensyahan nalang po ninyo ang mga wrong grammar ng author.)

______________________________________________________

Obsession - the state of being obsessed with someone or something.-an idea or thought that continually preoccupies or intrudes on a person's mind.

______________________________________________________

PROLOGUE:

"ANO? ito ang ipapasa mo?"

"Yeah yan nga" at nakangiti ako sa kanya
" Nababaliw ka na ba jane?"

"Thianee please sige na please." pamimilit ko.

"Jane you're like crazy, aren't you?"

"Eh! anong magagawa ko? Crush ko lang talaga sya"

."Jane your Crazy action is called OBSESSION..."

__________________

Writing starts: December 5, 2014
Writing ends: on going

______________________________________________________

CHAPTER 1 -(Library)


Nagbabasa ako ng libro sa library nang makaramdam ako nang antok kaya nag nap nalang ako. Total konti lang ang tao dito buzy kasi sa labas eh, foundation anniversary ng paaralan. Pinikit ko na ang aking mga mata at naidlip na sana ako nang may humablot sa kamay ko at hinila ako.

"Ano ba thianee! bat mo ba ako kinakaladkad." Sabay hablot ko sa aking kamay at hinimas-himas ang sakit kasi.

"Halika na kasi dali" at hinawakan na naman ako sa kamay at akmang lalakad na ulit.

"Sandali!" At lumingon naman sya sakin na tila papatayin ako sa tingin.

"Ano?" Nakataas ang kilay nya.

"Eh! Saan ba kasi tayo pupunta, at ganyan ka nalang makahila sakin?" Nakapamewang ako sa kanya.

"Alam mo ba ano ngayon?" Tanong niya.

"July 22 bakit ba?"

"Hindi yan-" sabay kamot sa ulo niya. "-Hoy ikaw! Dito ka ba talaga nag aaral hah?"

Ano naman kaya yun?

"Ahmp ano palang meron hehehe." Tugon ko sa kanya sabay ngiti at nag peace sign pa kasi nakakatakot na ang mukha nya at nakapamewang parin sya at halatang inis na. Ano naman kaya ang dahilan nya?
Hay! Naku! mahirap magkaroon ng bestfriend na ganito kamoody hay!

"Foundation anniversary ng NorthWest University po at pang 3rd day celebration na po ngayon. It means last day na ng foundation anniversary celebration kaya bilisan mo at baka wala na tayong maabutan na parlor games." Hinila na niya ako papalabas ng library.

At ayon nga napakabait talaga ng bestfriend ko, biruin mo yun kinaladkad ako pababa ng hagdan, the best talaga sya AS IN. Hindi ako napagod promise.
Hinihingal lang ako at masakit lang naman ang binti ko.
Pagdating namin ng ground floor ng anu tong nasa labas? Napanganga nalang ako, at amaze na amaze sa nakita ko, grabe di ako makapaniwala. Parang mga langgam na yata sa dami ng tao dito sa labas, at ayun nakipagsiksikan na naman kami sa labas.

Crazy Action called OBSESSIONWhere stories live. Discover now