Chapter 8

6.8K 491 77
                                    

"Good morning!"

Nagulat ako nang biglang mag-greet si Via. Akala ko pa nga sa akin dahil kararating ko lang ng room pero kay East siya nakatingin. Buti na lang hindi ako nag-greet back or else pahiya Ella ako.

"Good morning din, Via."

Narinig kong sagot ng hyper na Hansen pagkalagpas ko sa kanila. Automatic na hinanap ng tingin ko yung kambal niya habang paupo ako sa armchair. No'n ko lang nakita si West, katabi niya si Jamaica. Nagkukuwentuhan sila pero panaka-nakang lumilingin ito sa kambal na si East.

Ipinatong ko ang bag sa upuan ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanila. Bigla siyang napatingin sa akin, sa gulat ko ay biglang kumabog ng mabilis yung puso ko. Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili pero mas lalo lang yatang nagwala ang dibdib ko nang ngumiti siya at tanguhan ako ng slight.

Nginitian ko si West pero natawa lang siya. Funny yata itsura ko, alam kong ngiwi ginawa ko, eh. Feeling ko nagtaka si Jamaica sa reaction ng kaibigan kaya pati siya ay lumingon na sa akin. Nagtaas siya ng kilay, para bang nagtataka pero ngumiti rin naman siya. Tumango lang ako at gumanti rin ng ngiti bago mabilis na umupo. Shit, feeling ko na-corner ako bigla. Kung kailan naman wala si Valeen, oh!

Nag-inhale at exhale ako ng mabagal, ginawa ko 'yon ng ilang beses. Kapag nagf-flash sa isip ko yung ngiti ni West ay nagugulo na naman ang ritmo ng puso ko. Nakakaloka, kalma, Ella!

Kinuha ko ang phone at nag-open ng data. Sakto namang nag-pop yung chat head ni Valeen. Binasa ko yung message niya at nanlumo nang sabihing hindi siya makakapasok dahil nilalagnat daw. Matapos ko mag-reply na magpahinga siya at magpagaling ay pinatay ko na ulit ang data. Napa-face palm ako. Malas.

Ngayong araw ko pa naman sana aayain sina West at Jamaica na mag-lunch kasabay namin. Kung wala siya edi sa susunod na lang siguro. Marami pa namang araw para gawin ang plano namin na maging close ang best friend ko at ang crush niya.

Naalala ko yung reaction ni Jamaica. Ngumiti siya pero ang gara ng dating, parang hindi friendly. Nakakailang siya, lalo na no'ng nagtaas siya ng kilay. Feeling ko masungit siya pero ang bait-bait niya tingnan kapag kausap niya si West, eh. Baka judgmental lang talaga ako. Hay.

Nilingon ko si East. She was smiling pero parang ang tamlay niya today. Iba kasi yung vibes niya ngayon, usually sobrang genuine ng pagka-hyper niya pero ngayon, kung hindi siya ngingiti iisipin kong si West siya. Napansin ko yung bakanteng upuan sa tabi nito. Walang Lucy Gamboa. 

Absent yata siya. Parang pagkakaalala ko, um-absent din siya last time. I think she was sick no'n kasi namumutla siya at matamlay as usual. Pakiramdam ko tuloy may sakit na naman siya at iyon ang rason kaya mukhang matamlay din si East. Ang dami kong napapansin sa paligid ko. Nakakaloka!

"Good morning, class."

Nagulat pa ako nang may magsalita sa harap, yung teacher na pala iyon na hindi ko man lang namalayang dumating dahil sa kalutangan ko. Nakisabay na lang ako sa pagtayo ng mga kaklase ko.

"Good morning, Ma'am!"

Maingay ang langitngit ng upuan nang makaupo kami, nakakangilo sa totoo lang. Tuloy ang daldalan ng mga kaklase ko habang nag-aayos naman ng gamit sa harap yung teacher. Hindi nagtagal ay sumenyas din si Ma'am na tumahimik kami.

Napatingin ako sa bakanteng upuan ko. Hay. Sinong kasama ko mamaya kung wala si Valeen? Wala naman ako masyadong close dito. May nakakausap ako pero nahihiya naman kasi ako sumama sa kanila.

Minsan napapaisip ako kung saan na napadpad yung friendliness na ginamit ko no'ng first year pa lang ako. Mas okay talaga kung bata ka lang, walang kailangang intindihin. Ngayon minsan bawat kilos ko pakiramdam ko laging kailangan may ayusin ako. Pakiramdam ko si Valeen lang talaga makaka-gets sa akin.

Jonah Complex [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon