Chapter 11

5.4K 397 92
                                    

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, 4am pa lang. Dapat antok pa ako ng ganitong oras dahil late din naman ako nakatulog pero ewan ko ba at gising na gising kaagad ang diwa ko. Sinubukan ko ulit bumalik sa tulog pero waepek, nakakaloka.

Nag-check na lang ulit ako ng phone para makita kung may notifications ako. Wala pa ring update si West, tagal niya talaga mag-update minsan. Hindi ko maiwasang mapanguso. Kaso ayoko naman mag-demand. She's my friend na rin, eh, tsaka alam ko mahirap magsulat. Ako nga dati nagsisimula pa lang ubos na agad idea, siya pa kayang marami nang nagawa.

At dahil wala pa akong mabasa, maghahanap na muna ako at baka sakaling may magaganda na ulit na hindi ko lang nakikita Sa totoo lang ang daming magandang stories sa Wattpad, yung iba nga lang underrated, pero mas maganda pa iyon kadalasan kaysa sa mga mainstream na stories.

Bukod kay West-este, kay Nishi_Ishin, iilan lang din talaga yung mga writers na tumatak sa akin. Maraming mahuhusay pero iilan lang yung nag-iiwan talaga ng impact sa akin. Kadalasan pa, hindi sila yung klase ng nakapag-published na ng book o ano man, pero gem talaga yung kwento.

Bigla kong naalala yung story na chini-chika sa akin ni Val last time. Wala sa isip na ni-search ko yung title no'n. Sabi niya maganda raw tapos nakakakilig na nakakatawa. Ang problema, never pa akong nagbasa ng gxg. Hindi ko nga alam bakit ko naalala at bakit ako curious ngayon.

Anong problema ng utak mo ngayon, Ella? Para kang aning. Hindi naman siguro ako mahahawa kay Valeen kung ic-check ko lang naman yung story. Safe naman ako, sure naman ako na lalaki ang gusto ko, eh.

Nahanap ko na rin sa wakas yung story na sinasabi niya, mabuti na lang naalala ko yung name ng author kaya kita kaagad. Bongga naman nitong author na 'to, daming followers! Eleven stories yung nakalagay sa profile niya, marami rin reads. Ang galing.

Mi Amore Series#1 My Mute Maid by jaysanj.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako kahit hindi ko pa naman nao-open yung chapter. Feeling ko hindi ko dapat basahin pero gusto ko. Bakit ba ako curious? Dahil kay Julliana na mahilig mag-pair ng friends as couple? Dahil sa napapansin ko last time kay West at sa way ng closeness nila ni Jamaica? Dahil kay Valeen mismo?

"Ang sakit sa utak mag-isip," Hindi ko na maiwasang i-voice out.

Huminga ako ng malalim. Okay, babasahin ko na lang para period na. I was about to start the story nang mapansin kong may Wattpad notification ako. Out of impulse ay sinilip ko 'yon, kusa na lang talaga gumagalaw daliri ko kapag ganoon.

You awake?

Hala, shit!

Mabilis akong napabangon. Yung kabog ng dibdib ko kanina dahil sa kaba, mas dumoble pa yata dahil sa simpleng message na 'yon ni West. Oh, my gosh, ano ir-reply ko? Ngayon na ba? Maya-maya? Ano na? At saka bakit ba siya sa Wattpad nag-message, eh, friends naman na kami sa Facebook? Pwede na siya mag-chat doon! Kaso naisip ko baka sa taranta ko, ma-click ko na lang bigla yung chat head if ever at ma-seen ang message niya kahit hindi pa ako ready mag-reply.

Teka, Ella, kalma ka muna. Si West lang 'yan, na favorite author mo lang naman-at isa na rin sa girl crushes mo. Ah, maloloka na yata ako!

Ilang beses akong nag-inhale-exhale ng malalim, sinusubukan kumalma kasi ang exaggerated mag-react ng puso ko. Kung bakit naman kasi ang pretty ng writer na 'to, eh. Unfair ni life grabe, pwede namang ako rin kahit kaunti.

Kahit may Messenger ay sa Wattpad na lang din ako nag-reply.

Kakagising ko lang. Whyyy?

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Where stories live. Discover now