Chapter 26

5K 464 101
                                    

"Ang gulo mo, West." Hindi ko na napigilang sabihin.

Sinigurado ko na siya lang ang makakarinig no'n. May mga kasama kami na may mga sariling mundo sa kwentuhan, maingay ang mga estudyante, kaya okay lang naman siguro magsabi ng nararamdaman ko.

"Nakaka-frustrate ka," dagdag ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi ako sanay na maging ganito ka-straightforward kaya parang feeling ko anytime iiyak ako. Parang naluluha na nga ako kaagad. Kainis. "Anong pursue? Nililigawan ka ni Val, 'di ba?"

Wala siyang reaction. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pagkasabi ko no'n. Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to, wala naman akong ginagawang kahit ano, yung mga naiisip ko hindi ko naman nilalabas o kahit pinapakita. Kasi pinakaayoko yung makaka-offend o makakasakit ako ng tao.

Pero ngayon parang ayoko na lang pigilan, pakiramdam ko last straw na yung naging tanong niya. Ano gusto niyang isagot ko, na enough yung ginagawa niya? Saang part? No'ng nagpaligaw siya kay Val? O yung kahit ganoon, eh, ako pa rin ang mas nilalapitan niya?

Gusto ko makakita ng kahit anong emotion sa kanya pero wala akong mabasa. Ewan ko ba kung ako lang ang affected sa aming dalawa o masyado lang talaga akong nag-iisip.

Napahinga ako ng malalim. Shit, hindi maganda 'to, parang maiiyak nga talaga ako. Ang dami ko pa namang kasama tapos anytime ay dadating na si Val at East. Parang ayaw gumalaw ng paa ko maging ng buong katawan ko pero pinilit ko ikilos kahit isang daliri ko man lang. Dinaig ko pa nagka-sleep paralysis.

Napakagat ako sa ibabang labi at napapikit, hindi nagtagal ay nakuha ko yung timing para tumayo ng mahinahon, nang hindi nagugulat yung mga kasama namin sa table. Pinilit ko kumalma nang tiningnan ako nina Lucy.

I smiled at them. "Cr lang ako."

"Sure!" Masiglang sagot ni Jo habang tumango lang naman yung kaibigan ni East.

Hindi ko na tinapunan ng tingin si West dahil baka kung ano lang ang mangyari. Kaagad akong tumalikod at naglakad ng mabilis, umiiwas sa mga dumadaang estudyante. Gusto ko na nga lang mapag-isa, ang dami pang obstacle.

Unti-unting tumahimik ang paligid habang papalayo ako sa canteen. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung magkukulong na lang ba ako sa cr o babalik ng classroom, pero baka may tao ro'n. Hindi ko namalayan na tinatahak ko na pala ang daan papunta ro'n sa vacant room kung saan madalas kaming nag-uusap ng solo ni...West.

Napatampal ako sa noo ko. Bakit nga ba dito ako nagpunta? Dahil naiisip ko siya? Parang lalo ko lang pinapahirapan sarili ko. Since classmate kami, kahit ayoko siya makita, wala pa rin akong choice. Parang gusto ko na lang mag-half day pero paano naman bukas? Edi ganoon din.

Pagkatapos ng sinabi ko sa kanya parang wala na akong mukhang ihaharap. Ngayon mas na-realize ko kung anong kapalpakan ginawa ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin kung gaano ka-awkward yung haharapin ko mamaya o bukas-Lord, why!

"Ella."

"Ay, Lord!"

Napalingon ako sa kanya. Napahawak ako sa bandang puso ko at ramdam ang bilis ng kabog no'n sa pinaghalong gulat at kung anu-ano pang pakiramdam. Wala na ba akong katahimikan dito sa school?

Ngumiti siya, yung parang natatawa kasi naaaliw siya pero pinipigilan lang. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya, lalo akong nataranta nang humakbang siya ng isang beses palapit.

Lord, ano na? Bakit naman ganito?

"Okay ka lang ba?" Sobrang gentle pakinggan ng boses niya, para akong nanlalambot dahil lang do'n. Yung pagkakasabi niya, parang gugustuhin mo na lang magsumbong pero-

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon