Chapter Two

Mulai dari awal
                                    

"Uy, tingnan mo ang daming gwapo!" Kinikilig na bulong ni Joyce.
Ang gugwapo nila. Ang dami talagang gwapo sa mundo. Di ko mabilang eh. Ang hirap na ngang pumili. HAHAHAHAHA!

Sana man lang sa dinami-daming gwapo sa mundong ito ay may mapasakin... 

Chaaar! Bilbil mo Mika! Hahaha!

Dumiretso na kami ng gym at medyo napanganga dahil sobrang crowded.

"What the... andaming tao!"
Kumento ko.
"What do you expect?" Nga naman. May point. Event nga, diba?

Mula sa iba't-ibang private schools kasi ang mga kalahok. Napatingin ako sa stage. Singing contest pa pala. Yung love song na OPM tapos diet --- este duet ang girl at boy.

"Excuse me po."
"Excuse me."
"Excuse me, ate?"

Napatanga ako at kaagad na nilingon yung mga taong nage-excuse. 

"Ay, sorry!" 

"Ano ba naman 'yan! Kita mong ang laki-laki na eh, paharang-harang pa." 
Napatingin ako sa babaeng bumubulong na akala niya naman ay hindi ko narinig.

Tiningnan ko siya at nginitian nang sobrang lapad. Naniningkit na ang mga mata ko. Sana tulad ng sa code geass eh noh.

Gigil na gigil na 'ko sa'yo ate, ha.  

"May sinasabi ka?" 
Tiningnan niya lang ako't halatang nagulat. "Ah, wala naman. Sabi ko excuse kasi hindi namin makita. Nakaharang ka kasi." 

Aba! Ang taray naman!

Umakyat na 'ko sa stairs. Kung di lang ako mahiyain, nako... talagang tatadyakan ko yung babaeng 'yon! Kakagigil talaga. Napatingin lang naman ako sa mga kumakanta kaya di ako nakaalis kaagad.

Sa grandstand nakaupo ang lahat. Grabe, dalawang grandstand na-occupy nila.

"Mika," tawag sakin ni Joyce. Umakyat pa kami hanggang sa may nakitang vacant. 

"Hay~ salamat, nakaupo rin!"

"Matagal pa ba yung Interpretative Dance?" Tanong ko. Excited na kasi eh. Syempre, kasali ang bestfriend ko! Siya pa yung star!

"No idea. Baka after nito."
Nanahimik na kami at nanuod nalang.

Natapos yung pagkanta ng contestants tapos nagsalita yung emcee. Wala akong idea kung bakit humihiyaw yung mga students from ANHS at may sinisigaw na pangalan especially the girls.

"Hooooooooooo!!!"
"RUSSEL TANAKA! I LOVE YOUUUUUU!"
"GO BABY RUSSEEEEEL!"

Busy na busy ang manang niyo sa panonuod sa mga estudyanteng sumisigaw at kinikilig. May nakalabas pa ng gadgets at ready nang kumuha ng pictures at videos.

Maya-maya lang ay tumunog na ang gitara. Familiar yung intro... Nakatingin pa nga ako sa paligid. Alam niyo ba kung anong ginagawa ko?

BOY HUNTING! MWAHAHAHAHA!

Landi mo talaga, Musika ha. Asa namang may mapapa sayo. Alam ba 'yan ng mga magulang mo, ha? 

"Uso pa ba...."

"KYAAAAAAHHHH!!!!"
"AAAAAAHHHH!!!!!"
"OH MY GOSH ANG GWAPO NIYAAAA!" 
"SHEEEEEEEET!"
"GO BABYYYYYY!"

Sabay-sabay ang paghiyawan ng mga babae. Napatingin na ako sa stage dahil sobrang curious na ako. Parang ang sikat-sikat niya dito sa school nila ah. Ang layo naman kasi, di ko gaanong mamukhaan. Pero maputi naman siya, matangkad. Hmmmm... 

"Ang harana.. marahil ikaw ay nagtataka."

"OH MY GOSH, ANG GANDA NG BOSES NIYA, SIS!" Kinikilig na si Chaldea sa lalaking kumakanta on stage. Tinitigan ko siya dahil wala namang bigscreen at naka side view lang siya.

"Sino ba 'tong mukhang g*g*ng nagkandarapa sa pagkanta. At nasisintunado sa kaba."

ANSGSSGDHAKAOQHDWHHAKDLALAHEHX---

ANG POGI NGA!

Nakatutok na kasi sa kanya ang spotlight. 

"Puno ang langit ng bituin. At kay lamig pa ng hangin. Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw. At sa awitin kong ito. Sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko. Sa isang munting harana..."

Naglakad na siya papunta sa isang babae na nasa loob ng props na bahay-kubo. Hinaharanahan siya nung guy.

"Para sa'yo..."

"KYAAAAHHH!!! RUSSEEEEEEEEEL! ANG GWAPO MO TALAGA KAHIT KAILAN!"
"RUSSEL I LOVE YOUUUU!"
"SARANGHAE OPPAAAA!" 
"DAISUKIIII RUSSEL!"

Luh? Ganon?

Wala na talaga, in love na ata ako. Bukod sa ang gwapo niya, maganda pa ang boses, no jokes! Sobrang naa-attract ako sa lalaki pag marunong kumanta. Bonus na ang mukha! Alam niyo 'yon?
Yung tinatawag nilang CRUSH AT FIRST SIGHT? Grrrrr~!

Yung babae naman ang kumanta at umakto sila na parang magkasintahan hanggang sa matapos ang performance. Ang ingay ng crowd. Ang lakas ng hiyawan at halos mga babae nga lahat, isa na ako doon. 

Ang sarap niyang titigan... Parang ayoko na siyang mawala sa paningin ko. Sa lahat ng gwapong nakita ko at nakilala, siya na nga ata ang Top 1!

Yung habang kumakanta siya, ang sarap lang pakinggan ng boses niya...

"Sh*t, tinamaan ako, mga bes." 

Kinikilig ako. Ahihihi!

Napatingin sila Joyce sakin at nagtataka.

"Ng alin?" Tanong ni Jessa. 
"Nung kumakanta." Nagdrama ako at nakahawak sa dibdib.

"O tapos? Aawit ka na ng Bayang Magiliw niyan?" Natatawang sabi ni Chaldea.

"Lupang Hinirang 'yon. T*nga!" 
"OMG, don't tell me... bi ka?" 
"HA?" Lumaki ang mga mata ko sa tanong ni Joyce.

"Sa kumakanta, yung babae?" 
"Dios mio! Yung guy, grabe ka ha!"

Nagsitawanan kami at nanuod ulit. Sa mga oras na 'yon, wala akong ibang naisip kundi yung mukha ng kumanta sa stage kanina.

Ay wait! Tama, may kakilala pala ako dito. Tinext ko si Lenny na dito nag-aaral. Actually, marami naman akong kakilala dito eh.

Me: Uy sis! Kilala mo yung kumanta kanina? Yung kumanta ng "Harana" OMG teng nainlababo ako dun! Help meeeehhh hahaha! XD

Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko.

From Lenny:

Lenny: Oh yes sissy ^_^ si Russel yun. Classmate ko yun no. Yieeee type mo? Hihi ;D

OMG classmate niya lang pala?! Small world, indeed! Siguro destiny na 'to! Mwahaha!

Me: OMG manghuhula ka na pala ngayon sis! HAHAHA super crush ko na siya! Anong fullname nun? C:

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang