Chapter Fifty Nine

101K 2.5K 680
                                    

Musika's POV

Naglalakad kami nila Jam sa hallway nang may lower year student na lalaki na naman ang nagbigay na naman sakin ng red na rose at wala man lang sinabi

"Umm... What was that?"
Nagulat rin si Jam.
"Actually, kahapon lang ako nakatanggap ng rose nung naghihintay kami ng sundo ni Cha. Secret admirer ko... Daw?"

"Ay, haba ng hair."
"Ang ganda mo kasi."

"Eeehh hindi kaya. Grabe kayo."

"O, o, o! Ayan ulit."

"Ate." Sophomore na babae.

"Teka, ba't parang involved ang lower years? Di kaya... May freshman na nakagusto sayo? Hahaha! OMG, girl ha."

"Grabe, may tatlong roses na siya ngayon."
"Debutant yarn?"

"Hahahaha! Gagi, wala akong alam dito."

Akala ko wala nang magbibigay pero may biglang lumapit ulit. Lower years nga ang mga nagbibigay.

Hala, ano 'to? Yung secret admirer ko ba nasa sophomore, freshman o junior? Hala...

Hanggang sa makababa kami at papunta ng tree house tapos ganon parin. Nakakahiya na, nagsisitinginan na sakin ang lahat.

"Ay grabe, parang debut lang."

Speechless nalang talaga ako.

"Fifteen roses na, o."
Nakatakip lang ang panyo ko sa bibig. Nahihiya na talaga ako.

"Anong meron dun?"

Tinula ni Jammie ang mga nagkumpulang mga studyante.

"What's going on?"

Dahil nga sa curious kami masyado ay nakitsismis rin kami at medyo nahihiya pa nga 'ko kasi may dala-dala akong mga bulaklak.

"Excuse us, padaan mga fellow school mates." Sumiksik pa talaga 'tong si Jammie.

I heard Jam gasped at---

"Nanda... ittai...? Kore wa... hontode wa... arimasen..." (What the f*ck? Hindi' to totoo)

'Musika Mashima ng 4th yr Section A'

biglang itinaas nung lalake yung cartolina. Di ko nga makita yung mukha.

'Will you be my girlfriend?'

Nagulat ako nang mabasa ko ang kasunod na itinaas nung lalake.

"Haba ng hair."
"Nag rejoice ka ba girl?"
"Go girl!"

"Ano 'to..."

May biglang lumabas na naka mascot na pusa.

Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Jammie papalapit sa mascot.

"Go sis!"
"Yiieee! Dyan ka sa mascot! Bagay kayo!

"Yiiieee!"
Naghiyawan ang mga studyante.

Hinawakan ng mascot ang ulo nito at tatanggalin niya na.

.......

..........

WTF?

Nabitawan ko yung mga bulaklak at napaatras.

"Yiiieeeeeeeee!!!" Ang ingay ng paligid.

Si Trystan...

May nag abot sa kanya ng isang red na life-sized teddy bear.

Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi bukod sa naalala ko yung ginawa rin ni Kenji sakin, biglang parang nararamdaman ko na naman na gusto kong pagbigyan si Trystan kaso... Tutol ang mundo samin.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon