Chapter Fifteen

115K 3K 348
                                    

Musika's POV

"Sayang talaga. Akala ko date natin ngayon eh."

Naiinis na 'ko sa mga sinasabi ni Russel ha. Parang pinapaalis niya talaga ako eh. Naiiyak na talaga 'ko sa inis.

"Mukha mo. Never noh." Sagot naman ng magaling kong bestfriend.
"Eh ba't ka nakipagkita saken?"

Di umimik si Melody at alam kong nag-iisip yan ng tamang isasagot. Hahaha!

"Yiieee! Sabi ko na nga ba eh." Natatawang sabi niya.
"Ang kapal mo talaga, Russel. May inisip lang ako."
"Ano? Mukha ko? Hahaha!"

Pwede naman sigurong tumayo nalang at umalis? Parang nakakalimutan nilang may kasama sila eh. Ginawa pa ata talaga akong chaperone.

"Sinama kita para may kasama kami ni Mika." Di ko siya tiningnan man lang.

Ano ba ang masasandalan mo pag nao-OP ka? (Out of Place)

CELLPHONE!!!

Magtetext nalang ako ng kung sino dito para di ako mahalatang OP kahit sobrang halata na kanina pa.

"Ahh... So gagawin mo kong bodyguard?"
"Pwede rin naman."
"Dito lang ba tayo?"

Hala... sige, mag-usap lang kayo nang mag-usap. Oks lang ako.

"Gala tayo sa mall. Boring dito eh."
"Okay. Tayong dalawa lang?"

Ouch ha. Sige, uuwi nalang talaga ako.

"Asa ka. Syempre tayong tatlo."
"Tayong apat, kamo. Hahahahahaha!"

Biglang uminit ang ulo ko at tiningnan siya nang masama.

"Ako ba Russel eh talagang iniinis mo?"

Tumingin rin siya sa mga mata ko.

OMG.

Napaiwas agad ako kasi baka namumula ang mga pisngi ko.

"May sinabi ba 'kong ikaw?"
"Eh... nahalata ko. May problema ka sakin?"

Di ko siya magawang tingnan at di niya na rin naman ako pinansin at naglakad na 'ko paalis.

"Ang sungit naman ng kaibigan mo, Melody. Kung maka-asta eh kala mo naman—"
"Ikaw naman kasi Russel, itikom mo nalang kaya bibig mo. Your jokes are too much."

Nasasaktan ako sa mga nasabi niya. Hindi niya ba naiisip na nao-offend ako? Oo na, katawa-tawa na 'ko sa lahat. Hindi bagay sakin ang ituring na isang babae rin.

"Sige, chii kayo nalang. Uuwi na 'ko. Ayoko namang sumabay sa ayaw akong kasama. Text ka nalang kung nakauwi ka na ah? Bye."

"Hoy, chii! Wait!"

Naglakad na ko palabas ng park na nakatakip ang panyo sa bibig para di mahalatang mangiyak-ngiyak na.

***

Melody's POV

Hahabulin ko pa sana si Mika nang pinigilan ako ni Russel gamit ang kamay nya.

"Hayaan mo na yun. Baka may gagawin pa." Tinanggal ko ang kamay ko mula sa kanya.
"Ano bang problema mo? Ba't mo sinabi yun sa kanya?"
"Eh joke ko lang naman yun eh. Ang OA naman kasi ng kaibigan mong yun."
"Hindi joke para sa kanya yun. Babae yun, Russel. Be careful with your jokes paminsan-minsan kasi wala na sa lugar eh."

Natawa siya.

"So mag-aaway tayo dahil lang sa bagay na yun?"
"This is a big deal for me, Russel. Kaya mo palang mam-bully ng babae? Nakaka turn off. Sige, uuwi na 'ko."
"Melody naman."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon