Chapter Fifty Two

98.7K 2.5K 495
                                    

Musika's POV

Sunday, 1:00 PM

Buti pa si Kuya, bibilhan ng bagong kotse next year dahil sineseryoso na raw niya ang school. Baka nga latest Lamborghini pa yung ibibigay ni Papa!

Nasa gaming room kami at naglalaro ng videogame. Gusto ko sanang imbitahin si Trystan kaso... Hindi pa sila okay. Ewan ko kung magiging okay sila.

"Ne, Oniichan." (Kuya)
"Nani." (Ano?) Nagdadalawang-isip akong i-open up ang tungkol kay Trystan. Baka mabadtrip siya, baka magalit ulit or worse, baka isumbong niya kila Mama.

"Ano..." (Ummm)
"Nande." (Bakit?) Focus na focus pa siya sa game. Wag na nga lang muna. Pagkatapos nalang siguro?

"Aish! Kuso..." (F*ck)
Hindi ako makapag focus. Kanina niya pa 'ko inaasar at boring daw akong kalaro. "Hara hetta." (Nagugutom ako)
"Gusto mo pizza?" Pag-aalok ko naman.
"Hmmm... Sige. Ikaw na umorder." Nag cellphone ulit siya. "Okay."

May idea ako. This might be the good time to make my brother and Trystan talk. Hmm...

Dahil nagpaalam ako kay Trystan na naglalaro kami ni Kuya, malamang naghihintay yun ng chat ko sa messenger. Lumayo ako kay Kuya at lumabas na muna ng game room. Tinawagan ko si Trystan.

Ring... Ring...

["Mika? Tapos na kayo?"]
"Opo. Kasi... Ano Trystan... Kung okay lang sayo..."
["What's up?"]
"Pwede ba akong makisuyo?
["Basta ikaw. Ano yun?"]
"Magpapabili sana ako ng pizza sayo. Nagugutom kasi si Kuya. I mean-- I can order right now pero... Gusto kong makapag-usap na kayo. To make things clear. Ayokong magkaaway kayo ng Kuya ko. Please? For the better?"

Hindi siya nagsalita.

["Okay lang bang pumunta ako dyan?"]
"Oo naman. Wala ulit si Papa dito eh, business trip. Si Mama, na kila Tita. May yoga class kasi sila."
["Sige. Anong toppings?"]
"Hawaiian ang favorite niya. Yung sakin naman, all meat. Gusto mo rin ba yun?"
["Definitely my favorite. Sige, tatawagan kita kung nasa labas na 'ko, ha?"]

YEHEY!!!

"Okay! Thank you, Trystan. Babayaran kita dito. Mag-iingat ka, ha?"
["Libre ko na. Apology gift sa kuya mo."]
"Ha? Ano, naabala pa nga kita eh."
["It's on me. I love you, bye na."]

Sheeesh.

"Okay, bye!"

Nahihiya akong sumagot sa "I love you" niya... I hope he doesn't mind.

***

Bumalik ako kay kuya na nakangiti.
"Para kang aso dyan." Asar pa niya. "Umorder na ako. Excited akong--- kumain ng pizza eh." Muntikan pa 'kong madulas. Baliw ka, Mika!
"Ilang minutes ba?" "Thirty."
"Sou." (Ganun ba)

Naglaro ulit kami ng ibang game.

Trystan Calling...

I paused the game at tumayo.
"A-Andyan na yung pizza."
"Do you have cash?" Tanong niya.
"Yup."

Lumabas ako ng room, tumakbo papuntang gate. Nakita ko si Trystan at may dalang pizzas, ang gwapo... Arggh!

Kinausap ko si Kuya Guard na papasukin siya dahil bisita namin siya ni Kuya.
"Mika, kinakabahan na naman ako. Tae talaga." Kinurot ko siya sa pisngi.
"Baliw, andito ako, okay?" "Okay, sige."

Nginitian ko muna siya bago ko buksan ang pinto. "Ako muna ang papasok."
Binuksan ko ang pinto at lumingon si Kuya. "Asan na yung pizza?"

Nilingon ko si Trystan at pumasok na siya. Hindi niya alam kung anong magiging expression niya pero nakangiti lang siya.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon