Chapter Twenty Eight

99.4K 3K 289
                                    

Musika's POV

Hinintay kong dumampi yung labi ni Kenji sakin... pero pagmulat ko, nakangiti na siya at nakalayo na rin pala ang mukha niya sakin.

"Gag* ka talaga!"
"Hinintay mo talaga ah."

Hinampas ko na naman siya nang hinampas hanggang sa tumakbo na siya papalayo sakin. Tatakbo na sana ako para habulin siya pero napatigil ako nang may mapansin akong paa mula sa sahig.

Hala baka mumu!

Pero dahil curious ako, dahan-dahan akong lumapit nang lumapit hanggang sa napagtanto kong schoolmate rin namin at halatang natutulog dun lang sa may gilid ha. Ba't di namin napansin yun?

Ah, malamang nga nakahiga siya. Pero nakataas at nakapatong naman yung isang paa niya sa isang paa niya? Ay ewan ko sayo Mika.

Akala ko naman kung napano. Natutulog lang pala! Kanina pa kami maingay dito eh, di man lang siya nagising?

"Excuse me?"

Yumuko ako para makita nang maayos yung mukha kasi nga natakpan ng balikat niya.

OMG! Si Eazer 'to ah.

Si Eazer Nail Vergara! Yung hottie sa 4th year, Class A! Balita ko matalino 'to tapos Badminton MVP.

Teka, ba't kaya 'to nandito?

"Hmm.." Nagising siya. Hala, anong sasabihin ko? Dapat magmukha akong tao!

Oy, aaminin ko medyo na-attract ako sa kanya ha. Ano ba! Babae din naman ako eh.

"Kuya, okay ka lang?"

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nakasimangot pa siya.

"A-Ah, akala ko kung napano ka dyan. Sorry. Sige tulog ka nalang ulit. Sorry ha. " Tinitigan niya lang ako.
"Oy, anong ginagawa mo dyan at bakit ka nagsasalita mag----"
"Oy, pre! Tae, ba't ka andito! Dito ka pala tumatambay?"

Mas napasimangot si Eazer nang makita si Kenji.

"Di ba halata, tol?" Bumangon siya at tumayo.

Nahiya tuloy ako sa kanya. Ginising ko pa kasi. Ang shunga mo talaga, Musika!

"O, ba't ka naparito?"
"Sinamahan ko lang 'to."
Tapos inakbayan ako ni Kenji. Tiningnan naman ako ni Eazer.
"Ginawa niyo pang motel dito. Shota mo?"

Motel ka dyan!

"Di ah!" Inalis naman kaagad ni Kenji ang akbay niya sakin.
"Magiging pa lang. Hahahahaha!"
"Ano ba naman yan, distorbo. Sarap na sana ng tulog ko eh. Ayokong makakita ng love birds ngayon."

"Hindi kami mag-on, noh. We're just friends." Singit ko naman. Nililinis ko lang ang pangalan ko ha.

"Tae ka pre, nagka-cutting ka para lang matulog? May problema ka ba?

"Gag*. Walang teacher. Tsaka pwede ko namang aralin mga lessons na yan sa bahay. Napipilitan lang akong pumasok para sa diploma."
"Ang humble mo naman pre."
Nagtawanan sila.

"Ehem."

Nilingon naman nila ako. Hello? Kasi naman parang poste lang ako dito sa likod nila o? Di nila ako kinakausap at wala atang balak ipakilala sakin ni Kenji itong ehem.... hihihihihi cutie na 'to?

"Ah nga pala, tol si Musika nga pala."
"Hi." He offered a handshake.

Ang lambot naman ng kamay niya.

"Hi."

Kung makangiti naman ata ako akala mo naman sexy at maganda. Mukha siguro akong clown ngayon. Waaaa!

"Canteen muna 'ko pre." Paalam ni Eazer.
"Sabay nalang kami." Sabi ko naman.
"Nagugutom ka na naman?"
"Kakatakbo at kakahabol sayo!" Natawa sila pareho.

Ayun, pagkababa na pagkababa at pagkalabas namin ng pintuan ay nagsitinginan samin ang mga studyante. Naku, patay. Chismis na naman 'to. Baka ang maririnig ko na naman eh may ginawa ako kasama ang mga campus hotties na 'to! Mga chismis pa naman ng mga bashers kala mo naman nakita talaga nila yung totoong nangyari.

Nang makarating kami sa canteen which is actually a bad idea na sumama ako sa kanila, panay tinginan tuloy saming tatlo. Napagitna pa 'ko sa kanila. Head to foot pa silang makatutok sakin. Jusme.

Umorder kami ng pancit canton na may itlog at dagdag siopao para sakin. Gutom na gutom kaya ako. Nilibre ko nalang din silang dalawa. I owe Kenji a lot naman eh. Syempre ililibre ko na rin si Eazer.

"Thanks, Musika."
"You're welcome."

I smiled back at him. Oh sh*t, ang cute niya kahit slight smile lang yun.

Habang kumakain kami ay sila lang dalawa ang nag-uusap. Nagkwentuhan sila tungkol sa basketball at DOTA at... ah ewan basta puro laro. Ako? Eto kumakain. Kumakain na akala mo naman walang dalawang kasama.

"Hay..."
"Tayo nalang ang mag-usap, pancit. Ilang taon ka na pala?" Inikot-ikot ko ang canton sa tinidor at hinarap ito sakin. Napansin ko naman na tumahimik ang dalawa kaya napalingon ako.

"Pfff--"
"Luh, kawawa naman."
"Hahahaha!"
"Heh." I pouted at inikot-ikot parin ang canton.

"Walang-hiya kayo, di niyo 'ko kinakausap."

"Sorry na Mika, hahahaha! E di makisawsaw ka nalang!"
"Di ako fishball!"
"Eh ano?" tanong ni Eazer.
"Magandang dilag!"

Umaktong parang nabubulunan silang dalawa at humingi ng tubig sa mga studyante sa kabilang table.

"Tuseran, pre! Tuseran!"
Sigaw ni Kenji habang umuubo kuno.

"Hahahaha wala pre, solmux nalang!" Natawa ako kay Eazer.
"Ang saya-saya niyo namang dalawa. Ginawa niyo pa 'kong clown."
"Nakakatawa ka naman kasi talaga. Di ko inexpect yung action mo. Weird pero cute. Hahahaha!"

Napatulala ako sa sinabi ni Eazer.

Weird pero cute.

Totoo ba sinabi niya?
Nako, ano ba nangyayari sakin?

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon