Chapter Fourty Five

117K 2.8K 441
                                    

Musika's POV

Humiga ako sa kama pagkatapos kong maligo. 

Ma-search nga sa Facebook si Trystan.

Tinype ko ang pangalan niya at bumulaga sakin ang napaka maamo niyang mukha.

Haaayyyy....

Medyo nagulat ako sa notifications ko. Yung first profile picture ko ngayon ay nagkaron ng 3k likes and counting?! Oh shoot, naka public pala ang post? Akala ko automatic "friends" list lang. Gagi. Ilang months walang balita ang mga facebook friends ko sakin. Kasama na dyan ang mga kamag-anak at kaibigan namin dito at sa Japan. Nag-deactivate ako diba.

Ang famous naman pala netong lalaking 'to. Bawat pictures, libo-libo ang likes at shares. Model ba 'to? Artista?

Nang matapos ko siyang ma-stalk ay nag-selfie ako tapos nag-upload nalang ulit ng picture. Wala lang, trip ko na mag-selfie. I gained lots and lots of confidence na kasi eh. Tatanggapin ko na talaga na sa mundong ito, may pakialam lang sila sayo kung maganda, gwapo, matalino, talented at mayaman o sikat ka. Pero bahala na sila. Wala akong pakialam, basta masaya ako sa kung ano ako ngayon. I did this for myself.

***

"Good morning, Musika!"

Ang pa-plastic naman ng mga tao dito. Hmph! Nung mataba pa 'ko, di naman nila ako pinapansin at parang hangin lang ako sa kanila. Isang malaking NOBODY. 

Isang literal na NOBODY.

Walang katawan! Hahaha! Ay, di pala masyadong literal. Meron ako nun eh, malaki pa nga. Hahaha ewan ko sakin!

Pumasok na ako sa room. 

Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi ko nakita sa Trystan, ah. Saan na kaya yung lokong 'yon? First day na first day niya, male-late ulit siya? Three lates lang sa school na 'to, absent ka na ng 1 week!

Umupo na ako at nakinig na muna ng music sa iPod. Makapag facebook na nga rin muna.

Now Playing: "Hand In My Pocket" by Alanis Morissette

"OMG, girls! May transferee student raw na hottie!"

Naka earpods na nga ako, ang lakas pa rin ng boses ng kaklase ko. Jeez. Kinuha ko ang isang pair para marinig ko.

"OMG! Anong year?!"
"Senior rin! Sana nga kaklase natin eh!"
"Waaaah! I'm so excited! Madadagdagan na naman ng campus crush 'tong school natin!"
"So true! Ano kayang name nun?"
"Tara makichismis tayo sa kabilang section!" 

At ayun, nagsilabasan sila. Nako. May kutob akong si Trystan yun. Napangiti nalang ako.  

Isinuot ko ang isang pares ng earpod ko at pinagmasdan ang langit sa labas ng bintana. Ang lamig pa ng aircon. Kaya nga wala talagang nagtatanggal ng blazer ng uniform dito samin. At inaantok na ako.

Nagulat ako nang may kumalabit. 

Napangiti ako nang makita ko kung sino yun. Tinanggal ko ang earpods ko. Nakipag fistbump siya.

"Mukhang nage-emote, ah?" 
"Baliw. Inaantok lang ako."
"Puyat ka ba? Sobrang nakakailang pumasok dito. Ganito ba sila lagi pag may transferee?"
Umupo siya sa tabi ko at pumwesto ng maayos. 

"Sus, famous ka kasi kaya ganon."
"Uy, di ah! Malay ko ba sa kanila."
"Pa-humble si kuya, hahaha!"
"Siya nga pala." Parang may kinuha siya sa bag niya't nakita kong isang maliit na lunch box ito.
"Dinalhan talaga kita neto, ha."

Para ba sakin? Hala... Ang sweet!

"Wow! Talaga? Mukhang masarap 'to!"
"Talaga! Special recipe yan ni Mama. Gusto kong ipatikim sayo."  

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon