Chapter 4: Girlfriend

24 2 0
                                    

(Xuan as Gray Tonagawa ☝️☝️❤❤)

Trishia's POV

"Trish, watch out!"

I tried to stop the car but it's too late.
All i know is that my body was already covered with blood.
I crawled over to get out pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Naipit ang paa ko sa ilalim ng upuan.

Nilingon ko sila sa likod pero hindi na rin sila gumagalaw.

"I--I need to get out. I need to--"

Isang malakas na pagsabog ang sunod ko'ng narinig dahilan para mapatigil ako.
Tears started to fall from my eyes.

"N--no."

"No. M-mom--Mom! Dad!"

"No!"

"No!"

Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon. Kinapa ko ang pisngi ko. May naramdaman akong basa. Mapakla akong napangiti.

That dream---until now, why do I still can't forget it?

*
Parang umikot ang paningin ko nang tumama ang sipa ni Sheila sa panga ko.
She lift her right leg and before I know it, her foot landed right in my head dahilan para matumba ako sa sahig.

"Gonzales, are you in your right mind? Do you think this is some kind of a joke?" Galit na sigaw ni Mr. Kim.
Ang taekwondo instructor namin.

Yumuko ako.

"Kung gusto mo pang sumali sa competition, umayos ka!"

Sheila offered her hand. Tinanggap ko ito at tumayo.

"You can dodge that kick. Bakit hindi ka umiwas? May problema ba?"
Tanong niya.

Umiling ako.
Hinubad ko ang suot kong protective gears at nilagay sa locker.

"Malapit na ang competition, nasa Bodan ka na. Kapag natalo ka dito 'yong effort mo para mapunta sa Dan level ay baka mapunta sa wala."

"Ayos lang ako. Wag kang mag-alala."

Bodan is a special rank between kup and dan. Ibinibigay ito sa mga candidate na lalaban para maging black belter. Nakasuot ang mga Bodan ng isang special black belt na may markang white band.

Isa ako sa mga nasali sa Bodan, sa susunod na buwan na ang competition. I know I can make it kaya lang kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
O baka dahil lang ito sa napaginipan ko kagabi?

Sana nga dahil lang do'n, matagal ko ng pinangarap maging black belter. Ayokong masayang ang pagkakataong 'yon.

Nakaramdam ako ng gutom kaya napagdesisyonan kong pumunta sa cafeteria. Nag-order ako ng pagkain saka naghanap ng pwedeng mauupuan.

Isang mesa na lang ang natitirang bakante, nasa likuran ito. Lumapit ako dito at uupo na sana nang may biglang tumaob ng mesa.

"You're Trishia?"

Bumungad sa akin ang mukha ni Trinity. Kasama niya ang tatlo niyang alalay.

Sumulyap siya sa dalawa. Nabitawan ko ang hawak kong pagkain nang hinawakan nila ako sa magkabilang balikat.

"Anong ginagawa niyo?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Bago pa ako makakilos ay malakas na niya akong sinampal. Tiningnan ko siya ng masama.

"What? Do you want to fight me?"

Sinubukan kong  magpumiglas pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng dalawa sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

L I E S Where stories live. Discover now