Chapter 28: LOVE

71 20 0
                                    

Bibilugin mo na naman ba ang ulo ko? Hindi! Hindi na ako muling magpapadaig sa damdamin ko. Aalis na muna ako at lalayo sa presensya mo na nagpapasakit lang ng damdamin ko.

Binuksan na ni Kyle ang pinto dahil hindi naman pala ito naka-lock.

Nakita niya si Kate sa harapan niya pero tumalikod ito at umiwas sa kanya.

"Kate, let me explain please?" Sambit ni Kyle at pumasok na din sa loob ng kwarto niya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Ayaw kitang makausap kaya please lang umalis ka na!" Tinutulak niya si Kyle palabas ng kwarto.

"Kate pakinggan mo naman ako," Pakiusap nito sa kanya.

"Sinabi ko naman sayo diba na hinalikan ako ni Cindy pero hindi ko alam ang dahilan at bigla ka naming nakita."

Hinawakan siya ni Kyle sa balikat niya.

"Wag mo na ngang banggitin na naghalikan kayo at umalis ka na dito. Naiinis lang ako," Tinaggal niya ang pagkakahawak ni Kyle sa balikat niya.

Hindi na nakapagpigil si Kyle at hinalakan na niya ito sa labi.

Halatang nagulat si Kate pero hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang halik ni Kyle kahit pa masama ang loob nito sa kanya.

Ramdam niyang hinihigop siya ng bawat halik ni Kyle at hindi niya ito maiwasan.

Hinigpitan ni Kyle ang hawak nito sa bewang niya at pinagpatuloy ang maiinit na halik.

Napahaliling si Kate kaya ikinatuwa naman ito ni Kyle at pinaupo na ito sa kama.

Pinutol ni Kyle ang kanilang halikan at dahan dahan nitong hinubad ang mga saplot ni Kate.

Malagkit siyang tiningnan sa mga mata ni Kyle at wala itong makita na tumututol siya sa ginagawa nito.

"I love you, Kate," Bulong nito sa kanya.

Ngunit hindi pa man nakakapagsalita si Kate ay hinalikan na niya ulit ito.

Inihiga na niya sa kama si Kate at mas lumalim pa ang kanilang halikan.

Pinulupot ni Kate ang mga braso niya sa leeg ni Kyle.

Hindi nagtagal ay naglikot na ang kamay ni Kyle sa katawan niya pati na rin ang labi nito.


"Kate, ayos na ba tayo?" Tanong ni Kyle matapos nilang angkinin ang isat-isa.

Nakayakap siya ngayon kay Kate at nakapatong ang ulo nito sa dibdib niya.

"Nagpaliwanag ka naman na, tinawagan ako ng ate mo kanina ang sabi niya kinompronta niya si Cindy. Galit na galit nga siya. Mali ang matuwa ako pero ganon ang nangyari dahil hindi ko din akalaing gagawin niya yon. Kilala ko si Cindy at alam ko ang mga issues sa kanya. Hindi sa akin nanggaling pero marami na din ang nagsabi sa akin."

"Sorry love, I love you. I didn't mean it," Hinalikan niya sa noo si Kate at niyakap.

Baliktad na ang pwesto nilang dalawa at ang ulo naman niya ang nakapatong sa dibdib ni kate.

"Okay lang, nakapag-explain ka naman na. Masyado lang akong nadala ng emosyon ko, Sorry."

Sinusuklay ni Kate ang buhok ni Kyle gamit ang daliri niya.

"Sorry din. Alam mo namang ayokong mawala ka sa akin diba? Kaya hindi ako gagawa ng ikasasakit ng damdamin mo. Mahal na mahal kita Kate."

Napatingala naman ang ulo ni Kyle at tinitigan si Kate.

"Mahal din naman kita Kyle kaya ganon ang naging reaksyon ko."

Pinagsalikop niya ang kamay niya kay Kate habang hinahalikan ito.

"Ikaw nga kasama mo ang pinsan ko kagabi at binuhat ka niya. Sige ngayon ka mag-explain."

"Pinsan? Pinsan mo si John? Paano mo kami nakita?"

"Yes, pinsan ko siya sa mother ko. Kaya ko kayo nakita dahil sinundan kita kagabi diba? Nung nakita ko kayong magkasama ay sinundan ko na din kayo. Mabait naman yung si Vin kaya palagay ang loob ko na wala siyang gagawing masama sayo." Paliwanag niya kay Kate. "At siya din pala ang magiging asawa ni Cindy soon."

Nagulat naman si Kate.

"Nakita mo pala kami kagabi, sorry Love nasprain kasi ang paa ko tapos ay nandoon din pala siya sa kinalalagyan ko kqya tinulungan na niya ako. Sasakay sana ako ng taxi pero walang dumadaan at hindi din ako makalakad. Kaya inaya nalang niya ako na ihahatid niya ako. Pumayag naman ako dahil masakit ang paa ko at walang ngang taxi," Sabi ni Kate.

"Saka kaya niya ako binuhat dahil idadaan nalang sana niya yung kotse at hihintayin ko siya dun pero hindi ako pumayag dahil ayokong abutan mo ako," Dagdag pa niya.

"Kahit kailan ka talaga ang kulit mo," Pinisa naman niya ang ilong ni Kate.

"May surprise nga pala ako sayo Love," Sabi ni Kyle.

"Surprise? Again? What?" Tanong naman ni Kate.

Inilabas na ni Kyle ang singsing at laking gulat naman ni Kate.

"Love, totoo ba to?"

Hinalikan siya ni Kyle sa labi at isinuot na ang singsing.

"You will marry me Kate, I love you."

"I love you more, love."

Bigla naman silang nakaramdam na may something sa paa nila.

Sabay silang natawa dahil tumalon pala si Cannon sa kama.

This Kind Of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now