Chapter 20: THIS CAN'T BE

72 28 0
                                    

Si Kate lang ang gusto ko, siya lang ang pakakasalan ko at ang mamahalin ko habambuhay.

Kyle Kennedy V. Hernandez
29 years old
Doctor of Medicine (Pediatrician)
Business Man

Tumawag si daddy kanina kay ate dahil may dinner daw kami mamaya with partnership sa ibang company. Business related na naman as usual. No choice dahil isasama na naman nila ako.

Nakakaboring naman palagi. Mukha lang silang nagpaplastikan sa kapakanan ng pera. Palagi kaming sinasama nila mommy sa tuwing may kainan na ganyan at puro business stuffs naman ang laging pinaguusapan.

Ang kulit, syempre business nga.

Kaya minsan nagpapanggap nalang ako na masama ang pakiramdam para makalusot at hindi makasama.

Minsan nga lang akong makarinig na magkukwentuhan sila related sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Buti nalang talaga at masasarap ang pagkain na inoorder nila. Kinakain ko nalang at hindi nakikinig sa kanila.

Mahalaga daw kasi dapat na nandoon ako mamaya sabi ni daddy kanina. Ano naman kayang gagawin ko? Hindi nga ako nakikinig. Kaya ngayon walang akong magawa kundi mag-ayos tuloy ng susuotin ko pati na ng mukha ko para maging presentable sa kanila.

Narinig ko nang tinawag ako ni ate.

Ready na siguro siya kaya lumabas na ako ng kwarto ko.

Magkikita-kita nalang kami sa sikat na restaurant na napag-usapan kanina dahil sila mommy at daddy ay galing sa office kaya hindi namin kasabay ni ate.

"Ang gwapo naman ng kapatid ko!" Bati sa akin ni ate.

"Niloko mo pa ako, pero ang ganda mo din ngayon ate," Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

Bakit ano bang mali sa sinabi ko?

"Ngayon lang?" Tanong niya.

Natawa naman ako bigla.

"Palagi at araw-araw di ka naman mabiro," Bigla akong nagpakawala ng tawa. Nauto ko na namqn ang mahal kong kapatid.

Nagpaalam na kami sa mga bata na naglalaro pa. Naiwan sila dahil babantayan naman sila ni Maine. Kiniss nila kami bago umalis. May laway la nga ni Leo.

Ako ang nagmaneho at mabilis lang naman ang byahe patungo doon. Medyo malapit din kasi at chill lang.

Nakita ko agad si mommy na nakikipagkwentuhan kaya pumasok na kami sa loob dahil parang kami nalang ang hinihintay nila.

Pagpasok palang namin ay binati na kami ni mommy. "Buti naman at nandito na kayo anak, kanina pa kami naghihintay," Beso niya sa amin ni ate at sabay turo niya sa mga tao na nasa table.

Naka-upo na yung business partner nila daddy at may nakahanda na ding pagkain sa mesa.

Nagugutom na ako sana kumain na kami. Nararamdaman ko na kasi ang mga bulate sa tummy ko na nagwawala.

"Ang tagal kasi ni Ken mag-ayos mommy mas babae pa sakin."

Tinakpan ko naman bigla ang bibig niya. Ako pa talaga? Pero totoo naman.

Tumawa naman sila.

Napaka-ingay talaga nito nakakahiya tuloy sa mga kasama namin.

Dumiretso naman na si mommy sa table para umupo na at naupo na rin kami para maumpisahan na ang dapat nilang pag-usapan. Bakit pa kasi kailangan ng ganito?

"Amiga, this is my son Kyle and my daughter Samantha she was my first born," Pagpapakilala ni mommy sa amin ni ate.

Ngumiti nalang ako para hindi magmukhang suplado at ganun din si ate.

Kilala niya ako na ayoko sa mga okasyon na ganito.

"Nice meeting you both, hindi ko akalaing ang ganda at gwapo ng mga anak mo amiga," Ang lakas naman magbiro nitong business partner nila.

"Hello Kyle and Sam, meet my only daughter Cindy," Pagpatuloy naman niya.

Pero oo napakagwapo ko naman talaga di na yun maipagkakaila. Napangisi tuloy ako sa mga naiisip ko.

Napatingin naman ako sa kanila at ngumiti.

"Nice meeting you po," Lahad ko ng kamay sa kanila at iniabot naman nila yon.

Nagpatuloy naman ang kwentuhan at biruan nila at nagsimula na kaming kumain. Buti naman.

Dahil gutom ako, wag na kayong magexpect na kaunti lang ang kakainin ko. Habang kumakain ay hindi ko nalang pinapakinggan ang kanilang kwentuhan. Marami akong kinuha dahil hindi nga pala ako nakapag-lunch kanina.

Kumuha ako ng maraming kanin at ulam. Bigla naman akong tinabig ni ate. Ano na naman kayang problema nito?

"Magdahan-dahan ka nga, nakakahiya ka," Bulong naman niya sa akin.

Sinunod ko naman siya dahil narealize kong nakakahiya nga talaga. Wala akong dala-dalang etiquette. Kaya inayos ko na ang pag-kain ko.

Napatingin naman ako sa anak nilang babae na kanina pa din nakangiti at patingin-tingin sa akin. Habang nakiki-joyride siya sa pamilya ko.

Pansin kong matangkad siya, maputi, at mukha namang mabait. Model yata to e.

Bigla namang nagflash ang larawan ni Kate sa utak ko.

Mas maganda si Kate.

"So ayun na nga, kaya tayo nandito dahil I propose an arrange marriage," nabilaukan naman ako sa sinabi ni daddy. Napatingin naman ako kay ate at ganun din siya.

Arrange marriage? Kanino? Sino?

This Kind Of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now