Chapter 22: TRUST ME

69 21 0
                                    

Hindi ko hahayaang masira na naman ang naging pangako ko kay Kate.

"Kung ganon din naman pala. Sige, pinapayagan na kita na pakasalan mo si Kate. Balita ko ay mayaman naman sila at may farm ang pamilya niya. Tourists spot din ang farm nila dahil inihiwalay nila ito sa sakahan. Na-checked ko na ang background nila," Natuwa naman ako sa sinabi ni daddy.

Nawala ang tinik sa puso ko. Mabuti naman.

"Pwede tayong magtayo doon ng restaurant dahil kilala ang farm nila. Nafeature na yon sa news diba? At talagang dinadayo ng mga tao," Dagdag pa niya.

Umalis na sila at nagtatatalon ako sa tuwa. Aasikasuhin ko na ang marriage proposal ko kay Kate. Pero bago yon, maglilinis pa pala ako ng mesa at maghuhugas ng pinagkainan. Grabe, hindi na ako makapaghintay.

Tinawagan ko lahat ng contacts ko para maayos na ang lahat. Sa online nalang ako namili ng singsing para sa kanya. Sa online na din ako nagpareserve ng mga lobo at bulaklak. Wala pang exact na date dahil tetyempo muna ako gusto ko kasing maging memorable ang lahat sa kanya sa araw ng proposal ko.

Magiging Mrs Hernandez ka na, Kate.


Magtatanghali na kaya naisipan kong pumunta sa shop ni Kate pero sabi ng staffs ay nasa hospital na siya. May dala-dala kasi akong pagkain for lunch para sa aming dalawa.

Nasa hospital na ako pero si Stacy agad ang bumungad sakin.

"Hoy, Kyle! para samin ba yan ni Joy?" Tanong naman niya sabay turo sa dala-dala kong pagkain.

"Bumili ka ng sayo dahil sa amin to ni Kate, wala kang pagkain dito hanap ka muna ng jowa mo."

"May asawa na ako no para sabihin ko sayo. Tse! Kayo nalang naman nagpag-iiwanan na ni Kate. Magpakasal na kasi kayo."

Alam ko naman na may asawa na siya iniinis ko lang dahil pikon siya. Nakakatawa kasi yung mukha niya kapag napipikon sa pang-iinis ko.

"Wait mo lang, malapit na," ngiti ko sa kanya.

"Sige na tatawagin ko na si Kate," Naglakad na siya papalayo.

"Pakisabi kay Kate hihintayin ko siya dito!" Sigaw ko dahil malayo na siya.

Medyo marami din ang pasyente na nandito. Maglulunch break na din ang mga doktor kaya maghihintay pa sila.

May yumakap naman sakin sa likod.

Nangiti ako dahil alam kong si Kate na to.

Paglingon ko bigla akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na si Cindy ang yumakap sa akin.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Sa sobrang gulat ko ay napahakbang pa ako nang malayo sa kinaroroonan niya.

Para kasi akong nakakita ng nakakatakot na mangangain na clown.

"A-anong anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako niyakap?"

Napaka feeling close naman nito. Kagabi lang kami nag-meet tapos ganito na siya. Baka makita kami ni Kate at kung ano pa ang isipin non.

"Masanay ka na magiging mag-asawa naman na tayo soon," Sambit niya.

Hindi ko muna sasabihin na irereject siya ng pamilya ko. Saka hindi naman ako dapat ang magsabi non.

"Pinsan ko ang may-ari nitong hospital, dinalaw ko siya kaya ako nandito. Hindi ka ba masayang makita ako?" Malanding wika niya.

Napatingin naman siya sa hawak ko.

"Tara kain na tayo," Sabi niya.

"Sa girlfriend ko 'to pinagdalhan ko siya ng pagkain for lunch," masayang wika ko.

Nagulat naman siya.

"Girlfriend? Diba ikakasal na tayo? So bakit ka may girlfriend?"

"Matagal na kami Kate."

"Kyle!" Narinig ko naman na tinawag ako ni Kate at papalapit na siya dito.

Patay ako nito. Bakit kasi sa lahat mg lugar dito pa magpapakita tong si Cindy?

"Hi Cindy, nandito ka pala. Kilala mo ang boyfriend ko?" Masayang wika niya.

"Oh hi Kate, yes I know him and I'm his future wife."

Bigla akong napatingin kay Kate at nagulat siya sa sinabi ni Cindy.

Patay na ako talaga.

"What do you mean? Future wife?" Tanong ni Kate sa kanya.

"Yes, and he's mine" ano bang sinasabi nito? Baliw.

"Well, I have to go enjoy your lunch!" Pagpapaalam ni Cindy sa amin at bineso pa si Kate.

Nakaalis na siya kaya kami nalang ang naiwan ni Kate dito.

"Kate, let me explain," Hawak ko sa kamay niya.

Napatingin naman siya sakin ng diretso.

Lagot.




This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon