Chapter 18: FATE

79 29 0
                                    

Hahayaan na kita at hahayaan ko nalang din ang tadhana ang magsabi kung dapat bang ipagpatuloy natin ito.

Alas-nuebe palang ng umaga at nanonood naman kami ngayon ng movie ni Kyle. Mamaya pa daw ang alis namin kaya nanood muna kami.

May dala pala siyang mga cd's at action ang palabas. Alam na alam pa rin niya ang mga favorites ko. May dala-dala din siyang snack foods at softdrinks para saming dalawa. More on Pringles to at iba-iba pa ang flavors. Paborito din naman kasi namin tong dalawa.

Parang ibinalik lang ako sa nakaraan.

Tutok na tutok ako sa pinanonood ko at di ko namamalayang nakahilig na pala siya sakin. Hinayaan ko nalang dahil namiss ko naman talaga siya marupok kung tutuusin pero ganon talaga.

Mahal ko pa rin pala. Hindi nawala at hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Kate, I love you."

Tiningnan ko siya at nakita kong nakapikit ang mga mata niya. Nakatulog na ata at nananaginip dahil mukhang maaga siyang nagising para ipaghanda ako ng makakain.

"I love you too, Kyle."

Alam kong hindi niya ako maririnig kaya napakalas ng loob kong sabihin ang bagay na ito. Kahit nakakatakot at kahit hindi pa ako handang magtiwala ulit. Baka kasi ngayon lang ito at umalis siya ulit.

Inihiga ko siya sa sofa at ako naman ay umupo nalang sa carpet para naman makatulog siya ng maayos. Naisip kong patayin nalang muna ang tv dahil wala ako sa mood manood ngayon.

Nawawala ako sa ulirat sa tuwing titingnan ko siya kaya naupo ako sa harap ng sofa kung saan siya nakahiga at tinitigan nalang siya.

Hindi siya nagbago ang gwapo pa rin niya. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng mga labi.

Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi ko namalayang bumukas pala ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko inalis ang paningin ko parang mina-magnet ako at ganon din siya.

"Mahal na mahal kita Kate, hindi ko na hahayaang maiwan muli kita, ang nakaraan ay nakaraan na. Nagkamali ako noon at ngayon hayaan mo akong patunayan sayo ang lahat at itama na ito."

Naramdaman kong inilapat niya ang nga labi niya sa labi ko. Sandali lang pero ganon pa din at hindi nagbago. Ramdam ko pa din ang pagmamahal sa mga halik niya.

Umayos na siya ng upo "Mag ayos ka na, aalis tayo diba?" Sabi niya.

Ngumiti nalang ako at sumunod sa sinabi niya.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto.

Tshirt, shorts at slides lang ang suot ko ngayon. Hindi ko din naman alam kung saan kami pupunta.




Dala pala niya ang kotse niya. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin kaya nakakapagtaka at nagkotse pa siya.

Napag-alaman ko din kasing bago siya umalis noon ay iba na ang nakatira sa bahay nila kaya akala ko binenta. Yun pala ay pinsan niya yon at ang anak non ay ang kalaro ni Trixie na kasama din namin sa Ice cream parlor. Hindi ko naman kasi kilala ang pinsan niyang yon.

Ang alam ko for good na sila sa Canada pero ang sabi niya sa akin noon ay dito na ulit sila. Ang gulo pero bahala na.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at naupo na ako sa passengers seat. Siya naman ay umikot pa-driver's seat at nagmaneho.

Hindi ako pamilyar sa lugar na ito pero ang gaganda ng mga nadadaanan namin. Hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho.

"Ang bilis ng panahon no? 12 years na sana tayo ngayon. Sana marami na tayong nagawa at marami na ring naging plano," Panimula ko sa usapan naming dalawa.

"Pwede naman nating simulan ulit. Saka hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sayo. Sa puso ko ay labing-dalawang taon na tayo. Ikaw ba Kate? Limitado ang mga sinasambit mo. Maari ko bang malaman ang nasa isip mo?"

"Nangangamba ako na baka kapag nalaman mo ay iwan mo ulit ako."

"Hindi na ulit mangyayari yon Kate, kasama na kita sa lahat at ang mga pangakong binitawan ko sayo ay naudlot lang ngayon ay matutupad na."

"Mahal pa rin naman kita Kyle hindi din naman nagbago. Gusto ko ulit na magsimula tayo at kalimutan ang mga nangyari noon. Mahirap pero gagawin ko, para sa atin din namang dalawa ito."

Sawakas ay nailabas ko na rin ang namumuong pagmamahal sa puso ko.

"Magtutulungan tayo at bubuo muli ng bagong ala-ala," Ngiti niya sa akin.

Itinigil na niya ang sasakyan at ang ganda ng tanawin dito. Nasa beach kami ngayon pero bakit ganito ang suot ko?

"Wag kang mag alala love nagdala ako ng swimsuit mo."

Iniabot niya sa akin ang paperbag at oo nga swimsuit ko to.

Hindi to masyadong daring yung sakto lang. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng labas ang kaluluwa na mga damit.

"Tara na love excited na ako!" Hila ko sa kanya.

Natuwa naman siya dahil parang bumalik na talaga kami sa dati.

Nakapagpalit na kaming pareho at nagtampisaw sa tubig.

Medyo malamig pero ayos lang.

Dinala niya ako sa malalim dahil dito kokonti lang ang tao.

"Naalala mo pa noong tinuruan kitang magswimming? Doon yun sa inyo. May sarili kayong pool pero di ka marunong lumangoy," Pangiinis na sabi niya.

"Oo naman sinong makakalimot don? E halos malagutan na ako ng hininga noong dinala mo ako sa malalim tapos hindi mo man lang ako sinagip agad," Inis na sabi ko.

Niyakap niya ako patalikod.

"Ang sarap ng ganito na ayos na ulit tayo. Nayayakap, nakakasama at nahahalikan na ulit kita. Ang buhay ko sa Canada ay isang bangungot dahil wala ka. I love you Kate, I always do."

Hindi na ako sumagot pa sa kanya alam naman niyang mahal ko din siya. Hinarap ko siya at niyakap nalang din.





Bago magtakip-silim ay nakauwi na kami.

"Thank you love, sumaya ako sa beach bonding natin. Alam kong napagod ka din. Magiingat ka sa pag uwi mo ha?"

"Yes love, I love you at magpahinga ka na din," Hinintay kong maka-alis siya bago ako pumasok sa loob.




Nakakapagod pero masaya ang araw na ito para saming dalawa. Sana ito na talaga ang totong saya. Sana wala nang mang-iwan o umalis pa.

Pagpasok ko sa loob todong inis sakin ng kapatid ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at hindi na pinansin.

Pagod na ako para patulan ang pangaasar niya sa akin. Tomorrow is another day.

Napansin kong may nag-message sa akin.

It's him.

'Hi love, sleep ka na ha? See u when I see you. Eat your breakfast tomorrow magpapadala ako ng favorite coffee and breakfast meal mo. Wait mo nalang, I love you always.'

Napangiti naman ako sa message niya and I replied.

'Yes love, ikaw din magiingat ka bukas. I love you and Good night.'

This Kind Of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now