Chapter 1: MOVING ON AND SATISFACTION

245 85 3
                                    

Ang pag-limot sayo ay mahirap pero dapat kong pang-hawakan dahil para sa akin din naman kung kalilimutan na kita. Ang makita ang sarili kong masaya at maayos na ay isang napakalaking achievement sa buhay ko.

Kate Joyce L. Caralde
28 years old
Doctor of Medicine ( OB-Gynecologist)
Business Woman

Papasok palang ako sa bahay pero tanaw na tanaw ko na ang bodega namin sa di kalayuan. Umuulan ngayon kaya basang-basa ang damit at mga gamit na hawak ko pagbaba ko palang sa kotse.

Galing kasi ako sa coffee shop na pagmamay-ari ko. Syempre pangarap ko 'yon noon pa kaya ngayon abot-kamay ko na. Ibinaba ko muna ang gamit ko sa sofa. Wala akong kasama ngayon dahil umuwi sa probinsya sila mama at papa. May inasikaso sa farm namin kaya yung bunso kong kapatid ang kasama ko ngayon pero nasa trabaho pa yata kaya walang nanggugulo at nangungulit sa akin. Nakakapagod ang araw ko pero ginusto ko din naman para sa pangarap ko.

Maaga pa naman at pasado alas-tres palang nang hapon nagpalit muna ako ng damit at pumuntang kwarto. Kinuha ko na ang susi sa drawer ko, tambak na tambak na ito dito dahil matagal ko na rin kasing hindi naga-galaw. Susi ito ng bodega na matagal ko nang iniiwasan pero kanina pa talaga ako mina-magnet ng kung anong meron sa bodega na 'yon.

Kinuha ko na ang susi at nagtungo sa bodega. Panahon na siguro talaga para itapon ang gamit dito at linisin ko na. Sabi ko noon lilinisin ko lang ito kapag ayos na ulit ako. Matagal ko naman na siyang hindi nakikita at wala na akong balita sa kanya.

Nang makapasok na ako puro alikabok ang bumungad sa akin. Dala-dala ko ang basahan, basurahan at pangwalis dahil lilinisin ko na talaga ito. Napakainit at napakasikip dito sa bodega at ang dilim-dilim pa. Bakit ko ba kasi naisipang pumunta pa dito? Ilang taon ko na itong hindi nalilinis.

Yung mga gamit talaga dito ay patapon na at dapat ay sinunog ko nalang ito noon pa. Ito lang naman talaga ang mga gamit na nandito kaya nagamit din ang bodegang ito. Kinuha ko muna yung malaking teddy bear at inilagay sa labas. May nagflashback na alaala sa utak ko.

'Ang ganda naman dito Kyle bakit nag-sayang ka pa ng pera sa first anniversary natin?' Tanong ko sa kanya.

'Ano ka ba? Syempre first anniversary natin ito kaya dapat lang na paghandaan ko,' Pagmamalaking sabi niya na ikina-tuwa ko naman.

Katatapos lang namin kumain at nakaka-aliw lahat ng kwento niya. Simula yata pagkabata niya hanggang ngayon nai-kwento na niya sa akin. Tuwing kasama ko siya puro saya lang ang nararamdaman ko. Hindi niya ako nabigyan ng kahit anong problema at sakit sa isang taon naming pagsasama. Mahal na mahal ko si Kyle kaya lahat gagawin ko din para sa kanya.

'Ipikit mo ang mga mata mo Kate, bilis,' Excited na sabi niya sakin.

'Ano na naman ba to Kyle?' Ipinikit ko na ang mga mata ko.

'Wag ka nang mag-inarte dyan,' napasimangot naman ako 'ito na idilat mo na,' napa-nga-nga ako sa gulat pagbukas ko sa mata ko dahil sa laking teddy bear na naka-harap sa akin ngayon. Kulay brown siya at ang cute.

'Hindi ko naman kailangan ito e, Ikaw lang sapat na sa akin,' Panghihinayang na saad ko.

'Pasasalamat ko yan sayo love, Hindi mo ako iniiwan at palagi mo akong inaalagaan, I love you.'

"Cute ka sana pero nakakalungkot dahil dito ka na nakatambak sa bodega imbis na sa kwarto ko," Weird pero bakit ko kinakausap 'tong teddy bear na to? May pangalan to dati si Potchi pero ngayon wala na itinakwil ko na siya. Wala na din naman ang nagbigay sa akin nito.

Bumalik na ulit ako sa bodega at tumambad sa akin ang mga plastic na bulaklak, mga kung ano-anong papel na nakatambak. Buti nalang nakapaglagay ako ng mask para di ako ma-suffocate sa loob.

Itinapon ko ito lahat sa basurahang dala-dala ko. Napawi ang tingin ko doon sa apat na maliliit na photo-album. Binuksan ko ito isa-isa at kada picture may mensahe na nakalagay. Natawa nalang ako bigla dahil di ko naman akalaing matagal na pala nangyari ang lahat ng ito.

'Love parang kailangan na nating bumili ng photo-album ang dami na nating picture dito oh' sabi ko kay Kyle habang nakatingin sa cellphone namin.

'Oo nga sige! maganda din yon para marami tayong memories na babalikan kapag nakita natin ang mga litrato na yan sa photo album,' masayang wika niya.

'Edi tara na after class bili na tayo' excited kong sabi sa kanya.

'Ako, sa photo-album,' turo niya sa sarili niya 'tapos ikaw sa pagpapa-develop ng picture na iyan' turo naman niya sa akin at sa phone. Napasimangot naman ako bigla. Ang unfair talaga ng tukmol na to. Ang dami nito at magkano ang gagastusin ko kung sakaling hindi niya ako hahatian sa presyo.

'Ang unfair mo kahit kailan!' Napanguso ako at nagsalubong ang mga kilay.

Tumawa siya ng malakas kasi nakakatawa daw ang hitsura ko. Habang ako naman ay lumapit sa kanya at binatukan ko siya.

Ang ganda ng ngiti namin dito nakahawak siya sa pisngi ko at ako naman nakangiti lang sa kanya. Ang dami pala naming litrato ito yung unang photo album highschool graduate palang kami at ang payat pa namin dito.

Kinuha ko yung pangalawang album at napangiti ulit ako. Mas masaya kami dito at tumaba na kami ng kaunti dahil sa album na to puro pagkain ang nakalagay. Napag-usapan kasi namin noon na kung saan kami kakain dapat may documentation.

Sa pangatlong album naman nakita ko na 2nd year college na kami. Sa pang-apat ay ang college life namin na magkasama. Ilang taon na rin pala ang lumipas simula noong naghiwalay kami ni Kyle kung susumahin ko nasa sampung taon na rin.

Nakakalungkot at hindi kami magkasama grumaduate ng college noon. High school schoolmate ko siya at mga nagbibinata at nagdadalaga palang kami noon. Lahat ng ito ay alaala na lamang na nakatambak dito kaya itinapon ko na din lahat sa basurahan.

Lumipas ang ilang oras ay natapos na din ako sa paglilinis ng bodega. Dumating na ang kapatid ko at nagulat dahil sa wakas ay binuksan ko na din ang bodega at itinapon ang mga laman nito.

Pinipilit niya kasi ako noon pa na linisin ko ito gagawin niya daw kasing tambakan niya ng mga libro. Punong puno na daw kasi ang kwarto niya at wala nang mapaglagyan.

O.a din ang kapatid ko dahil malaki naman ang kwarto niya. Hiningi pa niya yung teddy bear at ibibigay daw niya sa kasintahan niya. Natawa nalang ako dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang pera. Pero biro lang, galante yan palagi pagdating sa jowa niya.

Niligpit ko na ang mga gamit at sinunog ang mga tinapon ko sa basura. Nanghihinayang ako ngayon pero wala nang urungan to. Ang mga alaala ay mananatiling alaala na lamang hanggat hindi ito madudugtungan ng mga panibagong alaala. Hindi na din naman ako naghahangad na madugtungan pa ang alaala naming dalawa.

Kumain na ako at humiga sa kwarto upang mamahinga. Napatingin ako sa relo ko at pasado alas-otso na din pala, ginabi na ako sa paglilinis at pagsusunog ng mga kalat sa bodega. Wala naman na sa akin 'yon ngayon kaya nagkaroon na ako ng lakas ng loob upang sunugin ang mga 'yon dati kasi hirap na hirap akong i-letgo ang lahat.

Ngayon nakakatawa lang dahil madali nalang palang talikuran. Madali nalang itapon at sunugin. Nagflashback sakin lahat 9 years ago.

This Kind Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon