Chapter 3: YOUR MEMORIES IN ME

170 79 0
                                    

Nababaliw na siguro ako at nalulunod sa mga alaalang iniwan mo.

Sobrang aga kong nagising kaya dumaan muna ako sa cafe malapit sa hospital para bumili ng agahan. As always I ordered Blueberry Cheesecake at isang Americano. Dito na ako bumili para hindi na ako ma-late mamaya.

Hindi na ako dumaan sa sarili kong store. Gusto ko ding matikman yung sa iba pero not as ka-compete thingy. Support ko lang din sila dito. Maganda naman yung store at masyadong cozy ang dating kaya nakakarelax.

Nagpahinga muna ako saglit. Buti nalang at medyo nabbusog ako kasi kung nasa bahay ako kaya ko ubusin ang tatlong slice nito.

Maya-maya pa ay napatingin ako sa orasan ko. Time checked 10:30 AM. Kailangan ko nang pumunta sa hospital. Pwede naman nang lakarin kaya pinark ko na ang kotse ko doon kanina.

Inayos ko lang ng very light ang mga gamit ko at tumayo na.

Papalabas na ako ng cafe at may lalaking namang pumasok na naka hoodie jacket ang lumagpas sakin. May naalala ako sa amoy ng lalaki na yon. That familiar smell!

Lumingon ako pero dire-diretso parin siya para mag order kaya dumiretso na ako sa main door para umalis. Nevermind that smell marami naman sigurong may amoy na ganon.

Pagdating ko sa hospital ay magbubukas palang naman sila kaya tumuloy na ako.

Regular check-up lang ang ginagawa naming mga ob-gyne ngayon. Yung iba ay malalaki na ang tyan yung iba naman ay nagcoconsult kung paano kakapit si baby o kung paano magiging malusog.

May client ako ngayon na chinecheck.

"Ganito po kasi yan momm--"

Napatigil ako dahil may dumating nang pasyente. Ako ang maghahandle ngayon sa DR.

"Ah Jane ikaw muna dito," Sabi ko sa assistant ko.

Tumayo na ako upang puntahan ang pasyente.

"Tawagin mo muna si Doc Cristine dahil kailangan ako sa DR ngayon," Utos ko sa kanya habang papunta naman ako sa mga nurse na umaalalay na sa pasyente.

"Doc, doc! manganganak na po ata ang asawa ko pakitulungan naman siya," Lumapit ako sa kanila habang inaasikaso na din sila ng mga nurse.

"Sure, mister!" Saad ko sa asawa niya.

"Nurses pakidala muna si misis sa ER," Utos ko sa kanila.

Paniguradong pagod na naman ang aabutin ko.

----------------

Nasa hospital ako ngayon at kailangan ako sa DR dahil may manganganak na at kailangan ako doon para mag assist.

Kinuha ko na ang gown ko para makapunta na sa DR pero biglang may nahagip ang mga mata ko na kilalang kilala ko!

Kyle... pinikit ko ang mga mata ko sandali pero pag tingin ko ulit sa kinatatayuan niya ay wala na siya.

Baka naman namalik mata lang ako.

'Kate, matagal na siyang wala. imposibleng siya yung nakita mo,' pagkukunsinti ko sa sarili ko.

"Kate, tara na!" Aya sa akin ni Anne dahil siya ang i-aassist ko.

Pumunta na ako sa delivery room at sineryoso ang ginagawa ko. Para na rin hindi ko na maisip ang lalaking nakita ko kanina.

"Misis hingang malalim kaya mo yan," Huminga naman siya ng malalim at umire.

"Okay good, misis! Isa pa ulit," At sinunod naman niya.

"Malapit na ito misis kaunting push pa kaya mo yan."

Pagtapos ng ilang minuto...

Nasa kalahati na rin ang bata at malapit na itong mailabas ng kanyang ina. Umire ang babae sa huling pagkakataon.

"Uwaaaa, uwaaaaa, uwaaaaaa"

Nailabas na niya ang baby at iniabot naman sa akin ni Anne ang pamutol sa pusod ng mag-ina.

"Congratulations, misis!"

Pagtapos non ay nilinisan na ng nurse ang bata at itinabi ito sa kanyang ina pansamantala.

Lumabas na ako sa DR at naglinis na din.

Naalala ko na naman yung lalaki kanina.

-----------------------

Nandito ako sa bahay at may biglang nag door bell sa labas. wala naman akong inaasahan na bisita ngayon at alam ni Dustin na tuwing free day ko nag papahinga ako.

Pagbukas ko ay sumalubong sakin ang isang napaka gandang bouquet ng roses! SINO NAMAN ANG NAG PAPABIGAY NITO?

"Ikaw po ba si Kate Joyce L. Caralde ma'am?"

"Ako nga kuya, sino ang nag papabigay nito? ang sosyal naman at halatang yayamanin at mamahalin!"

"Ay nako maam ayaw pasabi ni sir e, surprise daw po," sabi niya habang nakangiti.

"Ang gwapo ng boyfriend niyo maam, ang swerte niyo sa kanya," dagdag pa niya.

"Huh?" Hindi nalang ako pinansin ni kuya.

Boyfriend? Sige kuya echosin mo ako.

Pagka-pirma ko ay umalis na siya bigla at ako naman ay tinitignan ang bulaklak ng maigi nang mapansin ko na may letter sa may gilid at binasa ko.

I miss you -K

At sino naman kaya ang mag papadala nito? ah baka si Dustin! Pero bakit 'K' matawagan na nga lang ang tukmol.

This Kind Of Love (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat